CHAPTER: TCATGG

1 1 1
                                    

DICE SIETE

"Peter" I poked his arm.

Sa ikalawang bases ko siyang kalabitin ay hindi pa rin niya ako nilingon. Its been a day since Chino and I talked about something. Dalawang araw na rin mula ng hindi ako kibuin ni Peter.

Naiinis na talaga ako kay Chino. Sa tuwing sinusubukan ko kasi na kausapin si Peter at umiiwas ito ay natatanaw ko si Chino na nagpipigil ng tawa. Damn it! Sa susunod ay hindi ko na siya kakausapin lalo na at ganito ang maigaganti sa akin.

"Peter, may sasabihin ako" maliit ang boses na sabi ko

Ang kaniyang matalim na mga mata ay ipinukol niya sa akin. "Ano?"

Nakagat ko ang aking dila para kumuha ng lakas ng loob sa kahibangan na gagawin ko. Despirado na akong maayos ito, kaya bahala na!

Ipinasok ko sa bulsa ng palda ko ang aking kamay. "Ilahad mo yung palad mo." Sabi ko

Kunot noo niya akong tinignan. Galit pa rin. "Bakit?"

"Ganito oh!" Kinuha ko na ang kanan niyang kamay at inilahad sa ere. Alam ko naman kasi na matatagalan bago ko siya makumbinsi na gawin ang sinasabi ko lalo na ngayon na medyo hindi kami ayos

"T-tungkol nga pala noong.. isang araw"

"Ano?"

"Nagreview lang t-talaga kami."

Tumaas ang kilay nito. "Sabi nga ni Chino." Aniya "so ano na ibibigay mo?" Tanong niya tila ba gusto na matapos ang ginagawa ko. Parang ayaw na niya ako kausap.

Nakakainis naman! Nagreview lang naman talaga kami. Bakit ba ganyan inaasal mo Peter? Ikaw nga siguro madaming kachat na babae na hindi ko alam!

"Bakit galit ka?" Nanggigilid ang luha kong tanong. Nakakainis na kasi talaga! Hindi niya ako kinakausap ni hindi ko nga siya nahuhuling nakatingin sa akin, e!

Tapos hindi na niya ako ginagambala para ipamuka sa akin na dapat akong magrecess. Alam kong galit sya! Halata naman, e. Bakit kung kumilos siya ay pinapalabas niyang hindi?!

"I'm not, Chandrea Jade." He called me on my name. First time 'to at parang may humaplos na kamay sa puso ko.

"Then what?! Bakit ganyan ka? May problema ba?"

Matagal itong tumitig sa akin. Mula sa mga mata ko pababa sa akin mga labi na ngayon ay mapula na dahil kanina ko pa binabasa hanggang sa kamay ko na nasa bulsa.

"Ibigay mo na sa akin kung ano man 'yan" utos niya tila ba nagmamadali na.

Fine! Ibibigay ko! Atat ka masyado! Nakakainis ka! Doon ka na sa babae na nagtago sa pinto!

Padabog kong inilabas ang nakaikom kong kanan na kamay sa bulsa at kunyaring inilipat ang laman non sa kaliwa kong kamay, kahit wala naman talaga itong laman. I hope it works.. Kapag hindi ay humanda sa akin ang kapatid ko na nagbigay ng ideya na 'to!

"Ate I'm sure it will! Kikiligin si Peter jan! Nako tao lang din si Peter! Yung nasa video nga todo ang kilig!"

"Are you sure? Nako hindi nalang." Kunyari kong tanggi sa offer niya na gawin ko kay Peter ang prank na kunyari ay may ibibigay pero hahawakan lang pala ang kamay.

"Bahala ka ikaw rin!"

"Talaga!" I said then put my earphones on. Its a prank little sis, gagawin ko 'yon HAHAHA

Mabilis kong ipinatong ang kaliwa kong kamay sa pagmamay-ari ni Peter saka isiniklop ang mga daliri sa pagitan ng mga daliri nito. Hindi gaanong mahigpit ang pagkakasiklop ko dahil lubhang malaki ang kamay niya kesa sa akin

Drifting VeinWhere stories live. Discover now