CHAPTER: TCCTCC

0 0 0
                                    

22

"Are you stupid?!" Mataas ang boses na sabi ko matapos nila akong pagkaisahan patungkol sa nakaraan ko kay Peter. "Syempre remembrance nalang ng katangahan ko yung picture!" Sabi ko pa.

"Ayon! Mabuti naman at inamin mo na tanga ka?" Si Ana.

Mahina ko siyang hinampas sa balikat. "Hindi ko naman itinanggi, a?" Sabi ko matapos ay ininom ang isang baso ng inumin na nasa harapan ko.

Ang matapang at mapait na lasa nito ay sumakop sa aking bibig at umukit sa aking lalamunan.

"H-hanep! Ano ba 'yon?" Nauubo-ubo ko na sabi matapos tunggain nang diretso ang inumin. "Sobrang sama ng lasa!"

Nagsitawanan sila.

"Ay, sorry Sister, alak po kasi 'yon." Pang-aasar ni Calu sa akin at inabutan ako ng tubig na maiinom.

They're serving cheap alcohol?! I thought Rayne and Raulo are rich? Pinag-ipunan daw ang kasal, bakit parang ang cheap ng alak na nainom ko?

"Hindi nyo man lang sinabi!" Singhal ko sa kanila.

"Ininom mo nang diretso, kaya ayan." Naiiling na sabi ni Rayne.

Inirapan ko ito. "Sige, lumingkis ka pa kay Raulo. Pagbutihin mo!"

Malugod naman niyang sinunod ang sinabi ko. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakaakap sa asawa na ikinatawa naman nito.

Ew. Dapat pala ay hindi ko na pinaunlakan ang imbitasyon niya.

"Ano plano mo sa limang araw?" Tanong sa akin ni Ellie. Balak na yata akong paalisin.

Iniayos ko ang off shoulder na ipinasuot sa akin ni Rayne para sa kasal niya. Kanina pa kasi naguhulog, maluwag na siguro ang garter, hanep!

"Magkikita kami nila Jami sa mall bukas." Simple kong tugon

"Akala ko ba inaayos nyo Ana yung schedule ni Chans para magtrabaho muna sa hospital?" Takang tanong ni Cali kay Ana na katext nanaman ang jowa. Sana all talaga.

"Oo nga, magsusungit lang naman 'yan duon." Walang gana na sabi ni Ana habang tutok pa rin ang sarili sa cellphone.

Updating your lover, huh?

"Baka sa Friday ka na pumasok." Nakangisi na sabi ni Ellie.

"Makikita mo na yung mahal mong doktor!" Si Lenin.

Napairap ako sa sinabi niya.

Inis ang agad na bumalot sa akin. Hanggang ngayon pa rin pala ay pinagtatambal nila kami ni Jerry!

"Baka ikaw ang may gusto kay Jerry, Lenin." Matabang kong sabi.

Natahimik naman sila dahil sa tono ng aking pananalita. Damn it!

"H-hindi naman"

Natawa nalang ako sa naging tugon ni Lenin. Sa Friday ay magkikita na kami. I know that he missed me so much. At masasabi ko na ganon din ako, pero sana hindi siya ang i-assist ko .

Excited na ako bumalik sa pagiging Nurse kahit isang araw lang!

-.-

"Ate, kanin pa nga po!" Tawag ni Elaine sa babaeng may hawak ng timba ng kanina dito sa Mang inasal

Ang sarap talaga ng manok nila!" Tuwang tuwa na sabi nito habang nilalagyan ng toyo ang bagong lagay na kanina nito gamit ang kamay.

"Ako nga rin po!" Malakas ko na sabi.

"Ano na after nito?" Tanong ni Jami matapos lunukin ang palabok

"Grocery!" Maikli kong tugon habang ngumunguya na ikinatawa nilang tatlo nila Estia.

Drifting VeinWhere stories live. Discover now