CHAPTER: TTCTTA

7 3 0
                                    

NUEBE

Its been a week since Rustle started chatting me. Noong una ay hindi ko ito nagustuhan. I don't talk to strangers kasi, kahit na magkaklase kami hindi ko pa rin gusto na kachat siya. Minsan nga nakulitan ako kasi habang nanonood ako ng music video ay nagchat ito, bumagal ang signal kaya ayon diretso siya sa blacklist.

Isang araw matapos ko siyang iblock ay tinanong niya kay Lenin kung bakit kaya sabi ko sabihin na hindi talaga ako nakikipagchat o di kaya bahala na siya. Natahimik ang buhay ko matapos non, syempre nasa blocklist na siya.

Mejo nakunsensya lang ako noon nang minsan na tinanong ko siya kay Estia, ang sabi naman ay mabait ito kaya bakit ko ginawa ang bagay na 'yon. So I decided to unblock him. Madali naman akong kausap. Kapag mabait ka sa mata ng kaibigan ko, mabait ka na rin para sa akin. After a day lang ata ay nagmessage na ito sa akin. I tried to be nice, of course.

Rustle: Sasama ba kayo sa acquaintance party?

Mula sa panonood ay inihinto ko muna ito at humiga para makapagreply nang maayos. Kanina pa kasi ako nakadapa dahil nanonood ako ng KDrama.

Chandrea: I dunno, wala naman akong damit.

Chandrea: How 'bout you? Sama ka?

Ibinaba ko muna ang cellphone ko para manguha ng tubig. Ayaw ko naman mauhaw kahihintay ng reply niya.

"Ano? Sasama ba kayo nila Ellie?" Bungad sa akin ni mama matapos kong manguha ng maiinom.

Nagkibit balikat ako. "Pinag-iisipan pa. May damit ba ako?"

"Oo, madali nalang 'yon. Pero kung mag-isa ka lang na aattend ay 'wag na."

Tinignan ko lang si mama na naglakad papalabas ng bahay. Tingin ba niya ay aattend ako nang mag-isa? No way! Ayaw ko umuwi mag-isa saka wala pa akong gaanong kilala duon.

Inilapag ko ang baso ng tubig sa lamesa malapit sa aking kama at kinuha na ang cellphone na ngayon ay nakailaw dahil may pumasok na message.

Rustle: Pupunta ako, minsan lang naman yon.

Rustle: Kapag pumunta sila Estia, pupunta ka?

Rustle: Sabi basta formal attire daw ayos na.

Nagtaas ako ng kilay. I don't care kung minsan lang ito. Tinatamad nga ako pumunta at saka gabi na 'yon. Hindi ako pwede magpuyat!

Ang pangalawa na niyang message ang tinugon ko.

Chandrea: Siguro, pero sila Ellie kasi ang susi ko. Hindi ako aattend kapag wala sila.

Chandrea: Oo nga. Meron naman ako non.

Matapos magreply ay pinatay ko na ang mobile data. Ayaw ko na kasing makipagchat, bigla nalang tinamad na magtipa ang mga daliri ko. Ganon naman lagi, bigla nalang akong tinatamad kahit na minsan ay importante ang usapan at kailangan ang opinyon ko ay hindi na ako nakikisali. Hindi kasi ako sanay na nagtetext o chat.

"WALA RAW, papasok mamaya. Lahat magvivideo." Sabi ni Estia sa amin "Nagpaalam na sila Harold kay Ma'am. Saan tayo? Pumayag naman, e."

Hindi ako kumibo dahil sa totoo lang ay gusto ko na umuwi at mahiga nalang sa kwarto. Ang init kasi ng panahon kanina pa ako namumula dahil dito. Baka mamaya kung saan kami makarating sa pagvideo ay mabilad ako sa araw at magkaroon ng malalaking kati sa dibdib at leeg o 'di kaya sa buong katawan.

"Ano nalang ba ang kailangan i-video?" Tanong ni Jami.

"Yung goblin nalang saka cherifer. Tapos naman na yung McDo." Sabi ni Rayne

"Sino ba sa Goblin? Nasa akin na yung scarf ni Elmer." Singit ko

"Si Estia o si Jami. Parehas silang wala pang ganap" sabi ni Lenin

Drifting VeinWhere stories live. Discover now