Drifting Vein

25 7 4
                                    

Twelve years ago, I fell in love with a boy. Hindi ko naman akalain na sa paglipat ko ng paaralan noon ay magkakagusto ako sa isang lalaki na tulad niya. Akala ko tapos na ako sa mga kalokohan ng kabataan,pero nagkamali ako. Nakalimutan kong bata pa rin pala ako tulad nila; marupok at madaling madala.

Don't get me wrong. Hindi ko ikinakahiya ito pero, ito kasi ang pinakamasakit sa akin. Lahat naman siguro nasaktan ng crush nila sa edad na labing-anim.

Mabuti nalang at super strong ang lola nyo kaya heto masaya ako ngayong nakaupo sa silong ng puno dito sa likod nitong kumbentong aking kinaroroonan.

After I graduated highschool, I took nursing as my course. Yuon lang kasi ang pwedeng kunin sa mga course na konektado sa Science Technology Engineering and Mathematics o STEM strand na kinuha ko noong SHS ako. Ayaw ko kasi mag Engineering o di kaya I.T. wala akong hilig doon, manapa sa Engineer nahilig akong minsan.

Noong matapos ako sa kolehiyo agad akong nagtrabaho,wala e kailangan ko talaga ng pera para sa mga utang namin. Pinagbutihan ko ang pagtatrabaho hanggang sa sawaan ako sa buhay nurse. So nag decide ako na pumasok sa kumbento, to pursue my dream of becoming a Nun.

Kaya heto nagpapahangin ako kasama ang Formator slash Bantay ko. Pero iniwan na yata ako, ayos lang sanay naman.

Pumikit ako kasabay ng paghangin ng polluted air dito sa Parañaque. Nilanghap ko pa rin kahit na hindi ito kalinisan. Ewan ko ba, siguro nasanay na rin. Ayos na ito kaysa wala. Siguro loyal pa rin ako sa hangin sa Nueva Ecija, kahit ba madaming toxic peolple roon. Pero baka nga isa ako ron e.

"Ehem, Sister Cha!'

Mula sa pag-iisip ay napamulat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Sister Claude.

Minsan talaga nakakagulat ang biglang pagsulpot-sulpot nito kung saan.

"May sulat ka. Invitation yata." Sabi nito saka iniabot ang envelope at mabilis akong tinabihan

Nagtataka kong binuksan ang envelope. Napataas naman ang kilay ko nang makitang bukas na ito.

Tumikhim si Sister Claude. "Tinignan ko lang, sayang nga at nahuli ako ni Sister Ruth. Muntik pa magalit." Naiiling nitong sabi sa akin kaya naman nagkusa ang mga kamay kong ipinalo sa kaniya ang envelope.

You're Invited on Rayne and Raulo's Wedding on April 22,2020

Basa ko sa kulay royal blue na invitation. Napabuntong hininga ako nang tuluyan ko itong buksan at makita ang aking pangalan na isa sa mga abay. I feel sorry for them. Hindi ako makakapunta.

Matapos makita ang lahat ng kabilang sa seremonya ay itiniklop ko na ito at ibinalik sa kinalalagyan. Iniisip ko tuloy kung ano ang mararamdaman nila kung pati sa kasal nila ay wala ako.

"Sobrang lungkot mo naman..." Nakangusong pukaw sa atensyon ko ni Claude. Minsan talaga napapaisip ako kung talaga bang magmamadre ito. Hindi naman sa nanghuhusga ako, pero kasi..

"Basahin mo pa yung sulat,meron pa sa loob ng envelope" dugtong nito sa kaniyang sinabi.

Dali-dali kong hinalungkat ang envelope at tama nga siya, may sulat pa nga. Talagang may pa love letter si Rayne?

Chandrea Jade!

Good day to your stupid ass. I want you to attend my wedding ceremony. Kung hindi ka pupunta ay hindi pwede! Ayos na yung damit mo, ikaw nalang kulang. Okay, Im sorry Sister Chans for being rude. Goodness bakit ba kasi ayaw mo umuwi? Taga jaan ka ba? Basta hindi pwede na wala ka sa kasal ko. Kung gusto mo maabutang nakatayo at walang sira ang bahay mo pupunta ka. Okay yun lang, thank you for your fvcking time.

Drifting VeinWhere stories live. Discover now