CHAPTER: TCATCG

3 1 0
                                    

TRECE

Kinabukasan matapos kong maibigay kay Harris yung nametag ni Peter ay masigla itong umupo sa harap ko habang nagdadamo kami rito sa tapat ng building namin. Dito kasi kami naka assign ngayon.

Hindi ako umiimik habang nandoon siya. Kung kanina na panay ang tawa ko habang nagkukwentuhan kami nila Jami ay kabaligtaran na 'yon ngayon. Bahagya kasi silang lumayo sa akin nang dumating si Peter.

Kanina ay todo dikit sila sa akin habang kinukwento ko kung paano ko napulot yung nametag ngayon naman ay lumayo na sila dahil nasa harap ko na si Peter. They expect him to say thank you. Pero sabi ko ay malabo. At tama nga ako, napanguso lang itong tumayo at tinapon ang nadamo na kakaunti matapos ay bumalik na kila Xennon.

I didn't felt any disappointment sa nangyari. Ayos lang talaga sa akin ang mahalaga ay lumapit siya ng ganon kalapit at nakita ko ang pagnguso niya. Hindi bagay.

"Ate, banatan mo nalang si Peter! Ayaw sayo hindi ba? Banatan mo nalang."

"Anong banatan ba? Susuntukin ko? Ano ka hilo?!"

Tumabi ito sa akin. "Hindi, nako naman tanga talaga! I mean yung 'rosas ka ba' tapos kapag sumagot ng bakit 'kasi sa spaceship isasakay kita'" aniya na may tono pa. Kanta ata ang sinasabi ng isa na ito! Ayaw ko nga kantaha saka ew. Anong rosas rosas? Ang alam ko lang, e yung Tao ka ba? Tapos kapag sumagot ng bakit ang sasabihin ay bagay kasi tayo, e. And again that's ew.

"Kadiri ka naman ang korni mo!" Tinulak ko siya para malaglag sa kama

"Ayaw mo? Madami akong baon dito! Nako siguradong hulog 'yong Peter na 'yon!" Pagmamayabang niya

"O talaga? Bakit nahulog ba yung crush mo sayo?"

Sandali siyang natahimik. Oh burn you little devil! Akala mo ha!

Hinampas niya ako ng unan matapos makarecover sa sinabi ko. "Kahit na! At least nakachat ko. E, ikaw? Ayaw! Ayaw kang kachat! Ang hina mo kasi lalandi."

Inirapan ko nalang siya sa sinabi niya. Mga bata talaga ngayon, matatanda na ang tinuturuan na lumandi.

"Shut up. You stupid! Hindi ko hinihingi opinyon mo!" Singhal ko

"I'll teach you, ate." Sabi pa niya. Hindi pa rin nagpaawat.

And the days goes by. Araw-araw niya kaming kinakamusta ni Peter at araw-araw ko rin siyang tinataboy. Sa tuwing may ginagawa ako sa kwarto ay papasok ito at magsasabi ng kung ano-anong corny na banat; nakikinig lang ako. Naaaliw din kasi ako kung minsan sa mga Banat na sinasabi niya. Meron pa nga yung kunyari ay may ibibigay ka dapat sa kaniya pero kapag nakalahad na ang kamay niya ay maghoholding hands lang pala kayo. Chansing ba kung iisipin.

"Nako sana makapasa ako." Bulong ni Rayne

"Sana ako rin. Grabe sana magkakalapit lang upuan natin!" Si Ana ang nagsalita

Kinakabahan na rin ako tulad nila ngayon kasi ang exam namin sa ilang subject at talagang dito pa sa laboratory ang venue namin. Para raw maluwag at hiwahiwalay ang upuan! Nakakaasar naman! Ano nalang maisasagot ko? Hindi pa naman ako kumportable na iba ang katabi ko sa pagsagot!

Sa unang subject na in-exam namin ay nasa unahan ako. Sa likod ko ay si Lenin at sa tabi niya ay si Carl, kaklase rin namin last year. Sa tabi ko naman sa harap ay si Rustle. Ang bilis nga niya magsagot, ganon din naman si Peter.

Napasimangot tuloy ako kung ibibigay ko na rin ba ang papel kong kanina pa rin tapos. Baka may mali kasi ako. Hintayin ko nalang na kalabitin ako ni Lenin para magtanong siya sa akin tapos magtatanong na rin ako sa kaniya doon sa tanong na hindi ko sure ang sagot hehe.

Drifting VeinWhere stories live. Discover now