21
Sakto uwian ng tumawag ulit si Jerry. Wala na akong nagawa kung hindi ang sagutin ang tawag nito. Alam ko naman kasi na hindi titigil ito. Daig pa ako sa kakulitan.
"Sumasakit pa rin ba ulo mo?"
Napairap ako. "Medyo nalang."
"Baka naman nagbabasa ka tuwing gabi? O di kaya ay sa dilim. Hindi maganda 'yon."
Oo. Paki mo?
"H-hindi naman." Alanganin kong sabi. Kapag nagsabi ako ng totoo ay mas lalo lang hahaba ang usapan na ito and I hate it!
Nagugutom na kasi ako, ayaw pa ibaba ang tawag. Hindi ba dapat ay kumain na rin siya? Lunch time na bakit pakikipag telebabad ang ginagawa?
"Liar. I'm older than you, so I know more."
"E'di ikaw na. Hindi ka pa ba kakain?!" Alam naman pala. Bakit nagtanong pa?
He let out a soft curse. Hindi ko alam kung bakit napamura siya sa sinabi ko. "Mamaya na ako kakain. Ikaw? Kumain ka na."
"Paano ako kakain, e kausap kita?!"
Magaling nga siguro ito sa academic kaya na accelerate pero hindi magaling sa buhay. Paano ako kakain? Habang ngumunguya ako ay kausap ko siya sa cellphone? Ang bastos naman non para sa pagkain.
Natawa ito. "Okay. Ibababa ko na." Aniya
Hindi ko siya hinayaan na siya ang pumatay ng tawag. Bago pa niya mapatay ang tawag ay inunahan ko na. Napangiti ako sa ginawa. Dapa lang yan! Kaasar kasi. Ginutom ako lalo.
Papasok na sana ako sa room nang makita ko si Xennon na nakahilig sa pinto. Nakatingin sa akin ng diretso.
"Boyfriend?"
Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko. Wala naman tao. Kaya.. Ako ang kinakausap niya?
Tinuro ko ang sarili ko para makasigurado kung ako nga ang kinakausap niya at tumaas lang ang kilay nito.
So ako nga?
"A-ay, hindi. Tungkol lang sa... check up."
Naiiling itong umalis sa pwesto at nagpamulsa. "Check up? Ikaw?" Aniya
Nakanguso akong tumango. Bakit bigla nalang nila akong kinakausap? Nakakailang naman.
"Akala ko.. boyfriend mo. You know? Concern about your study?"
Muka ba akong may boyfriend?
"Hindi. Wala naman akong boyfriend, Xennon.. Dahil yung taong gusto ko ay nakuha na ng iba."
Binasa niya ang ibabang labi bago tumawa. Tipid lang ang naging pagtawa nito matapos ay lumapit sa akin. "Maybe you're too slow of getting him? Huh?"
Napaatras ako sa ginawa at sinabi niya. Bakit ba yaan din ang sinasabi niya?
"O sadyang gusto mo lang siya kasi may thrill? Noong nawala na ay naghanap ka ng iba? Hindi na ba masaya? "
Para niya akong inaakusahan ng krimen na hindi ko naman ginawa. Bakit ba kung makapagsalita sila ay parang alam na nila ang nararamdaman ko? I'm still in pain. Damn it! Muka lang na okay ako pero nasasaktan pa rin.
"Tulad ka lang ni Aileen."
Napapikit ako sa sinabi niya. Ramdam ko kasi na tutulo na ang mga luha ko dahil sa sinasabi niya. Masyado na siyang maraming alam. Hindi naman totoo! Saka tulad ka lang ni Aileen? Oh stupid! I'm cuter than her!
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko bago dumilat. Mabuti nalang ay naging madali sa akin ito, dahil kung hindi ay baka nakapikit pa lang ako ay lumalandas na ang mga luha ko sa aking pisngi.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...