CHAPTER: TCATGC

3 1 0
                                    

DICE SEIS

"Chans, sasama ba tayo sa cine?" Tanong sa akin ni Ellie

Kinunotan ko siya ng noo. "Anong cine?"

I really don't know what's happening here at school. Kung ano ang mga susunod namin na activities at kung saan ito at kailan gaganapin.

Ilang linggo na rin kasi ang lumipas mula ng tanungin ako ni Peter ng ganon. Ilang linggo na rin mula ng magkaayos kami. Actually mula ng mawala ang selos ko to be exact.

Mula non ay mas masaya ang naging mga araw ko. Hindi na ako gaano nananaginip ng masama at maayos akong nakakatulog tuwing 8:30 ng gabi. Ewan, si Peter ata ang nagsisilbing sleeping pills ko. Mas excited na rin ako pumasok sa araw-araw at nakikinig na rin ako sa mga discussion kahit na sobra ang antok ko. This year makes me so insane but at the same time a good student. Thanks to this thing called love.

Hindi kami madalas nag-uusap ni Peter onchat. Kung mag-uusap man ay sa group chat lang namin at tungkol lang sa mga assignment ang pinag-uusapan. Nakikisali sali lang ako kasi nga minsan ay parehas kami ng tanong ni Peter sa gagawin na mga assignment at requirements.

Sa personal naman ay minsan lalapit lapit siya sa akin at aasarin ako. Minsan nga ay gusto niya akong isabay sa pagkain pero ayaw ko. Wala ayaw ko lang ng libre lalo na at galing sa kaniya. I'm fine with this set up. I'm happy with it.

"Educational daw 'yon, e. Hindi ko lang alam kung ano ang panonoodin." Si Ellie

"Kung sasama kayo ay sasama ako. Kung hindi ay hindi nalang din."

"Sama tayo! Gusto ko gumala." Si Ana

"Magkano ba bayad?"

"300 o 280 yata?" Alanganin na tugon nito

I smiled. "Babayadan mo ba kami?"

"Hindi! Ano ka chicks?!"

Natawa ako sa sinabi ni Ana. Kailangan pa pala maging chicks ako para ilibre niya ako sa bayad. Bakit, maganda naman ako, ah?

"Chans, paturo nga sa topic na 'to." Nagkakamot ng batok na sabi ni Chino habang hawak ang notebook ko na hiniram niya kahapon. Magsusulat daw siya ng lecture kaya niya hiniram

"Ano ituturo ko? Muka ba akong nakikinig?"

Hindi ito nakinig sa akin kundi ay agad itong tumabi sa akin. "Ito lang arc length."

"Ay yan ba? Bilog bilog lang yan." Natatawa kong sabi. "Pero hindi ko alam 'yan." Mabilis kong dugtong

Natawa ito sa sinabi ko. "Alam mo 'to. Saan ba kinuha yung formula na 'yan?" Sabi niya saka itinuro ang formula na nasa notebook ko.

Itinuro ko naman sa kaniya kung paano kuhanin ang formula ng arc length mula sa given. Hindi ko nga lang alam kung tama ang ginawa ko pero muka naman na tama kasi nasosolve namin ang example na ibinigay.

"Ang hirap talaga. Balak ko pa naman mag-engineering sa college." Aniya saka humilig sa upuan at pumikit

"Anong field sa engineering?"

Saglit itong dumilat at sinulyapan ako. "Kahit ano. Pwedeng mechanical, electrical o di naman ay civil."

"Wow naman. Sana lahat may pangarap!"

Siryoso niya akong tinignan tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko. "Bakit? Wala ka bang plano sa college?"

Napanguso ako sa sinabi niya. Actually madami. Hindi na nga ako makapili sa sobrang daming, e.

"Meron naman.."

"Meron pala. Hayaan mo si Peter na ang bahala sa future nyo."

Nasamid ako sa sinabi niya. Taena? Ano sinasabi nito?

"Bakit?" Natatawa niyang tanong. "Gusto mo si Peter hindi ba? Gusto ka rin niya. Bagay nga kayo."

Parang may tumusok sa puso ko sa mga sinabi niya. Paano niya nasasabi na gusto ako ni Peter kahit hindi naman?

"Hindi. Mali ka yata, Chino. Si Peter.. H-hindi ako gusto."

Tumagilid ang ulo niya at sinulyapan si Peter na abala sa paglalaro kasama sila Xennon at Harris. "Bakit ba ganyan ka mag-isip? Hindi mo ba nakikita?" Aniya saka mejo inilapit ang armchair sa kinauupuan ko

Matamlay akong umiling. "Hindi niya ako magugustuhan. Pinapaasa mo lang ako, e!"

Malapad itong ngumiti. "Bahala ka nga. Magulo rin kasi si Peter, e. Hindi mo mabasa kung ano ang iniisip." Aniya.

Yes, agree ako jan! Kaya nga pilit ko siyang inaayawan dahil don. Pero ayon sa pagpilit kong ayawan siya ay mas lalo akong nahulog.

"Pero tingin ko kayo magkakatuluyan sa future. Kapag nangyari 'yon aalagaan ka ni Peter." Aniya. Tila ba kinikilig sa sariling paniniwala.

Sana nga kami. Sana..

"Bakit ba pag-aasawa nasa isip mo? Ganyan ba kayong mga lalaki?"

"Oo. Ganito naman lahat. Bakit ikaw ba?"

"H-hindi, wala sa isip ko 'yon."

Wala talaga sa isip ko ang pag-aasawa. Wala nga akong dream wedding. Wala rin akong gustong theme ng kasal ko o di kaya dream family. Ang nasa isip ko lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at tulungan ang pamilya ko pati na rin ang mga kapos palad lalo na ang mga matatanda na inabanduna na ng kanilang mga anak. Pati na rin ang mga animal shelter. Gusto ko rin na mag-ikot para tulungan ang mga stray animals.

I just want to help everyone and travel the world. Wala sa isip ko ang pag-aasawa. Pero dahil sinabi niya na aalagaan ako ni Peter kapag nagkataon ay naisip ko tuloy kung anong pag-aalaga 'yon? Ipagluluto niya kaya ako?

I know how to cook pero ang pagpipirito ng isda ay hindi ako maaasahan don. Nadudurog ko kasi.

"Baka kapag naging kayo ni Peter, may maisip ka." Aniya.

Napadukdok nalang ako sa armchair at nagpatuloy nalang isipin kung ano ang pwede kong gawin para matuto ako magpirito ng isda. Syempre nakakahiya naman na kapag nangyari iyon ay hindi ako marunong magluto ng isda!

"How's your girlfriend nga pala?" Tanong kong bigla kay Chino. Naalala ko kasi na ginawan niya ng kung anong pakulo yung babae noong anniversary nila. Ayon kagaya ng dati, taga sana all lang ako. May cake kasi siyang ibinigay, e. Mahilig pa naman ako sa cake.

"Wala na kami."

Napatuwid ako ng upo. "Ano? Hindi ba nag-anniversary lang kayo?"

"A week after ng anniversary namin nagbreak kami." Mababakas sa boses nito ang lungkot

Ayon. Surprise pa more. Sa lahat ng kakilala ko na gumawa ng ganon ay lahat naghihiwalay. Mula kay Carl na kaklase ko noon mula grade seven na gumawa ng puzzle at video, pati kay Cali na idinahilan pa ako sa nanay niya na akin ibibigay yung cake na para sa lalaki niya talaga na nasa Cabanatuan hanggang kay Chino na nag-effort. Lahat sila ay naghiwalay. Kaya kung ako ay magkakaroon ng boyfriend ay ayaw ko ng ganito.

"Bakit?" Paniniyasat ko. Bakit ba? Nasimulan na kaya tatanungin ko na buong ditalye.

"May nagawa siyang mali." Sabi ni Chino. Halata ko na ayaw na niya itong pag-usapan kaya tumigil na ako. Ayaw ko na makichismis. Nahihiya na tuloy ako.

Hindi na ako nagsalita at bumalik na sa pagkakadukdok. Hindi pa nag-iinit ang pisngi ko sa pagkakadukdok ay narinig ko na ang tinig na kanina ko pa gusto marinig.

"Nagrereview ba kayo?!" Iritado nitong tanong.

Bahagya kong inaangat ang ulo ko at nakita ko ang iritadong si Peter na nakatingin sa amin ni Chino.

Tinulak pababa ni Chino ang ulo ko dahilan para mawala si Peter sa paningin  ko. "Ganyan ka lang!" Bulong ni Chino habang nakatingin kay Peter.

Gustuhin ko man na sumagot ay hindi ko magawa dahil naka hawak pa rin sa ulo ko si Chino. Taena Chino! Kapag nagalit sa akin si Peter papatayin kita!

"Oo, Peter!" Tugon ni Chino saka iwinagayway ang notebook ko.

"Sige." Malamig na tugon ni Peter

"Ano 'yon?! Dapat ako ang sumagot, e!" Sabi ko nang mahina para kaming dalawa lang ang makarinig.

Isang nang-aasar na ngiti ang iginawad nito sa akin. "He's jealous. Humanda ka." Aniya saka ako iniwan.

Drifting VeinWhere stories live. Discover now