DOCE
Lunes ng magkasabay kaming pumasok ni Peter. Tahimik akong naglalakad sa hallway dito papasok ng school. Sa sinabi ni Rayne mas desidido na akong kalimutan ang lahat. Madali lang naman 'yon, hindi naman kami madalas nag-uusap kaya tingin ko ay ayos pa rin.
Kagabi hindi ako nag-online ng social media account ko. Ewan bigla ko nalang inayawan. Maaga rin kasi ako nakatulog kaya ganon. Mejo nalulungkot kasi ako sa naisip kong pag-iwas kay Peter. Nasanay na rin kasi akong nakikita siya at tumitungin sa mata niya.
Paliko na ako sa daan nang makita ko ang pamilyar na bultong mabilis na naglalakad sa daan ng building ng grade ten. Si Peter 'yon na nagmamadali sa paglakad. Malalaki ang naging paghakbang nito kumpara sa akin na maliliit na nga ay may lalo ko pang niliitan. Ayaw kong magkasunod na magkasunod kaming papasok sa room, baka isipin nilang hinintay ko si Peter.
Bakit siya dumaan don? Hindi naman daanan 'yon. Umiiwas kaya siya sa akin? Dati kasi noong hindi ko pa siya gaanong pinagtutuonan ng pansin ay dito rin sa daan na ito siya nagdadaan, pero bakit ngayon?
May kung anong sakit ang dumaloy sa sistema ko. Ganon ba niya ako kaayaw para iwasan? O baka naman may girlfriend jan? Tss. Sige Chandrea saktan mo sarili mo. Masaya 'yan, mag-enjoy ka, a? Namnamin mo ang pait ng pag-ibig.
Napairap ako sa naisip. Ayos lang. Mahilig naman ako sa ampalaya kaya immune na sa pait. Di na tatablan.
"Chans! Nag-online ka ba kagabi?" Bungad sa akin ni Estia. May ngiti sa labi. Parang kanina pa ako inaabangan.
Ibinaba ko ang bag ko at umiling. "Bakit ba?"
Humalukipkip ito tila ba kinikilig. "Wala.. Edi hindi mo nakita day ni Rayne?"
"Hindi nga. Saka wala akong load" kibit balikat kong tugon saka naupo. Naupo rin siya sa tabi ko. "Ano ba yung day?"
"Wala, i-d-day ko nga rin sana. Kaso baka magalit ka."
"Ano ba 'yon? Epic picture ko!?"
Ngayon pa lang ay naiisip ko na kung ano ang gagawin ko kay Rayne. Papaluiin ko siya ng papaluin hanggang sa masaktan siya kapag nalaman ko kung alin sa mga epic picture ko ang ibinalandra niya online! Ano nanaman kaya naisip non at pati ako ay idinamay?! Damn you Rayne!
"Hindi.. Ang ganda mo nga ron!"
"Sana all maganda! Kung ano ano ginagawa nyo." Inis kong sabi
"Ayan na. Itanong mo nalang" humagikhik ito sa tawa nang makita ang papasok na sila Rayne at Lenin.
"Good morning, Chans!" Bati ng nakangisi na si Lenin.
"Nakita mo day ko?" Excited na tanong ni Rayne
"Hindi! Wala akong load remember?" Pagsusungit ko.
"Sayang naman.."
"Ano ba 'yon?"
"Picture natin noong graduation. Nakatag ka, a?"
Inirapan ko siya sa sinabi niya at pipilitin ko pa sana na magsabi pa ng ibang detalye dahil sigurado naman ako na kulang ang sinabi niya. Wala ang pinakabullseye! Kung yung picture lang naman ay sigurado akong hindi ako aabangan ni Estia at hindi ito agad itatanong ni Rayne. Baka may iba sa caption nung picture ko. Hanep na Rayne 'yan! Walang magawa sa buhay!
"Yiee si Chans.. May gusto pala kay Peter."
Napatalon ako nang marinig ang boses ni Chino sa gilid ko. Fvcking what?!
"A-anong? A-ano?!"
"Nakita ko day ni Rayne. Inilagay ko nga rin sa myday ko, e. Support ko kayo. PeCha love team! Yieee" pagmamayabang nito
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...