DIEZ
July 26 ng taon din na lumipat ako sa paaralan na 'yon ng idaos ang acquaintance party. Alas sinco ng hapon pa lang ay pinapunta na kami ron ng teacher namin.
Isang brown off shoulder dress na may kulay gintong design ang suot ko non. Kabado at hindi mapakali dahil sa sinabi sa akin ni Peter, isang araw bago ang party. Kahit na Biro lang iyon ay kinakabahan pa rin ako lalo na kaninang pagdating namin ay panay ang tingin niya sa akin. Hindi lang 'yon ang nagpakaba sa akin dahil kaninang umaga ay may kung anong sinabi si Angelo.
Tinanong niya ako kung may boyfriend daw ba ako at nang sinabi kong wala ay inireto niya si Peter sa akin. Mayaman daw at kayang bilin ang gusto ko. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya, kanina pa kasi niya ipinupunto na ang mga babae ay kailangan gastusan kaya nauubos ang pera nilang mga lalaki. Nakatingin ako sa direksyon nila Peter na nakikinig pala sa usapan namin dahil ngingisi ngisi ito nang sabihin kong hindi ko kailangan si Peter at ang pera niya that I can provide for myself. Ayon umiling lang siya at tinukso si Peter na ayaw ko raw dito
Hindi naman sa ayaw ang kaso lang kasi.. Ayaw kong masabihan na kaya ako lumalapit kay Peter ay dahil sa pera nito. Kaya ko naman bilin kahit anong gustuhin ko sa totoo lang. Kaso ayaw ko lang. Kailangan kong magtipid din. May pera ako oo, pero nauubos din 'yon. Hindi ko kailangan ng iba lalo na at involved dito si Peter.
"Bakit hindi ka magsasayaw? Kahit ayain ka hindi mo tatanggapin?" Kunot noo na tanong sa akin ni Peter habang nakaupo siya sa monoblock habang ako ay nakasandal sa Teresa nila Justine.
Katatapos lang kasi namin ivideo ang commercial namin para sa goblin nagpapahinga nalang kami at uuwi na rin mamaya.
Hindi yata niya nagustuhan ang sinabi kong plano kapag acquaintance party na. Sabi ko kasi ay kakain lang ako sa isang sulok at palilipasin ang gabi na kahit may mag-aya ay hindi ko na tatanggapin. Kumpyansa rin naman kasi ako na walang mag-aaya kaya nasabi ko iyon. Hindi ko naman akalain na magsasalita ang nakikinig na si Peter.
"Wala naman mag-aaya sa akin."
Tumuwid ito sa pagkakaupo. Handa na salungatin ang sinabi ko. "Paano kung meron? Tatanggihan mo? Madudurog ang puso ng mga lalaki sa gagawin mo."
"Oo nga. Hala si Chans ganon pala.." Pang-aalaska ni Chino.
Inirapan ko ito. Talagang kamping kampi sa mindset ni Peter? "Anong madudurog? Walang kadurog durog don! Saka sigurado akong walang sasayaw sa akin."
"Paano mo nasabi? Wala pa nga ay tinatapos mo na."
"Kapag walang sumayaw sa akin. Sabi ko sayo, ha. Saka bakit, isasayaw mo ba ako?"
Natahimik ako sa sinabi ko. Para kasing hinahamon ko siya na isayaw niya ako sa party! Ano ba yan Chandrea?! Hindi ka naghihinayhinay sa sinasabi mo! Nakakahiya 'yon!
"H'wag mo lang akong tatanggihan." Aniya at nag-iwas ng tingin.
"HUY Chans, saan ka galing?" Tanong sa akin ni Rayne. Kadarating ko lang kasi matapos akong isayaw ng isa kong kaklase. Tatanggi sana ako kaso nakita ko isinayaw niya si Lenin at nagulat nalang din ako nang sabihin niyang sayaw kami tapos nakaharang na siya sa daan ko.
"Nagsayaw." Sabi ko saka inihilig na ang likod sa monoblock. Lalo na kasi akong nawawalan ng gana. Mejo nagsisisi na rin ako na dumalo pa ako rito!
Sinabi ko na kasi na walang sasayaw sa akin, e. Kaya dapat talaga wala. Tss hanep kasing Peter 'yon. Asan na ba at ihampas ko nga ang pouch ko na ang tanging laman ay relo at isang panyo! Magdadala sana ako ng pera kaso naalala ko na wala naman akong mabibilhan kaya 'wag nalang.
"Huy, tayo naman kayo jan Ana. Sayaw tayo!"
Napalingon ako sa kaliwa ko kung saan nakaupo si Ana. Inis kong tinapunan ng tingin si Peter. Aba ngayon lang nagpakita. Ay mali, hindi ko pa rin pala siya makita kasi madilim!
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...