OTSO
Linggo, ngayon at magsisimula na kami magvideo. Minamadali na kasi namin dahil bago dapat magsimula ang acquaintance party ay naipasa na ito. Ipapanood daw samin after ng party.
Kanina pa sila nag-uusap sa group chat namin. Tanungan sila nang tanungan kung anong oras at saan. Syempre may mga hindi makakapunta dahil linggo. Si Estia, tutugtog daw sa simbahan habang si Jami naman.. Walang cellphone kaya hindi makapag online, pero ang alam ko may gagawin din siya sa simbahan. Sana all talaga maka Diyos.
Rayne: Saan ba magvivideo?
Elmer: Kahit saan gusto nyo sa inyo
Chino: Sa school nalang tayo magkitakita
Chino: Tapos bahala na
Justine: Anong oras ba mga guys?
Chandrea: After lunch nalang. Busy ako HAHAHA
Lenin: Dapat may magawa tayo. Pasahan na kasi yan.
Peter: Mamayang one sa school. Final na yan?
Chino: Oo. Pupunta lahat ah
Chandrea: Medjo late ako, a.
Elmer: ako din
Justine: ay malelate din pala ako @Chino
Peter: Ako rin pala boi. Busy kasi dito
Rayne: Sige malate na tayong lahat.
Lenin: Basta sa school. 1PM sharp dapat.
Chino: Opo
Ini-off ko na yung data connection ko. Wala kaming WiFi. Poor lang kami, lol.
Kadarating ko lang din kasi galing sa palengke. Matapos kong magsimba ay duon na kami dumiretso ni mama. Kukuha kasi siya ng padala. Bumili na rin kami ng mga gamit sa kusina saka pangbaon kong ulam sa school bukas saka sa susunod na mga araw.
"May pupuntahan ka?" Tanong ni mama sa akin matapos kong lumabas ng kwarto
"Sa school, shooting. Artista kasi ako." Mayabang kong sabi
"Nako, artista raw. Baka extra!" Kontra ng kapatid kong bunso
Inirapan ko ito saka ginitgit sa upuan. Kasalukuyan kaming nanonood ng super book . Buhay na iniakyat sa langit sa pamamagitan ng ipo-ipo si Elias ang eksena. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa kwento na ito sa kabila ng ilang beses ko na itong napanood.
Twelve thirty na siguro nang kumain ako. Mejo tinatamad ako sa pagkain kaya natagalan. Ayos lang naman 'yon kasi hindi na ako maliligo dahil naligo na ako kanina bago magsimba. Kung ano na rin ang ipinangsimba ko ay yuon na rin ang gagamitin ko papunta sa school.
Maayos naman ang suot ko. Isang simpleng blouse na kulay abo na guhit-guhit na may paribon sa dibdib na kasing kulay din ng damit. Tinernuhan ko ito ng kulay asul na mejo kupas na pantalon tapos sapatos na paris.
Nag-online pa ako saglit para malaman kung nandoon na sila bago mag-abang ng jeep. Ayaw ko naman na mag-isa roon, nakakatakot kaya. Baka may mag kidnap sa akin.
Rayne: Nandito na kami, asan na kayo?
Peter: Sino na nanjan?
Elmer: Ako boi, saka si Rayne, Lenin at Chino. Punta ka na
Peter: Sige
Tumayo na ako mula sa pagkakadapa sa aking kama. Makapunta na nga. Malapit naman ng mag-one.
Gaya ng dati. Walang gaanong jeep kapag one ng tanghali. Siguro ay nananghalian pa ang mga driver.
Inabot din ako ng 1:10 sa pag-aabang ng jeep. Nakarating naman ako sa school ng 1:30. Galing Chandrea! Thirty minutes late. Tss. Galingan mo pa, nag-e-enjoy ka masyado sa pagiging late.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Fiksi RemajaChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...