23
Hindi pa rin maalis sa sistema ko ang nangyari kagabi. Hanggang pag-uwi ko ay nanginginig pa rin ako sa kaba. Maybe, Im not ready to face them.. To face him.
Wala akong pinagsabihan na iba tungkol sa nangyari. My friends are busy. Ayaw ko naman maging intindihin pa sa kanila, besides I can handle this things.
Maaga akong gumising para pumasok sa Ospital. Ngayon kasi ang nakaschedule na trabaho ko sa Ospital na pinapasukan ko noon.
Hindi na ako nag-abala pa na magmaneho ng aking sasakyan. Mas pinili ko nalang na magbyahe para mag-enjoy.
Inaamin ko na noon ay isa ako sa inis na inis makipagsiksikan sa Jeep, pero ngayon na wala na ito ay hinahanap hanap ko na.
Maybe that's life. Kapag nawala talaga ang isang bagay ay saka lang natin hahanapin at halos magsakripisyo tayo para lang makuha ito ulit.
"Manong, sa gilid nalang po." Malakas ko na sabi. Agad naman huminto ng jeep na sinasakyan ko.
Pagkababa ko ay ang sasakyan ni Ma'am Linda ang agad na bumungad sa akin. Si Nurse Linda ang head nurse namin.
Nagtuloy tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa matapatan ko ang kabubukas lang na bintana ng kotse nito.
"Hi Chanie!" Bati nito sa akin na ikinangiti ko.
Hanggang ngayon pala ay "Chanie" pa rin ang tawag nito sa akin. I was wondering kung namiss ako nito. Naalala ko pa na kasama namin ito nila Ellie sa tuwing magkakape kami sa labas tuwing hatinggabi.
Kumaway ako at naglakad palapit sa kaniya. "Madam! Nako mukang streas ka ngayon, a?"
Napanguso ito sa sinabi ko. "Ganon?" Dismayado niyang sabi at inayos ang bangs na tumatakip sa maganda nitong kilay.
Matandang dalaga si Nurse Linda. Sabi nito noon na mas pinili niya ang pagtulong sa kapwa kaysa ang magpakasal sa nobyo niyang Chemist. Sabi pa niya kaya niya ito pinili ay kung magkakaroon man sila ng pamilya ay hindi rin nila ito matututukan.
Hindi rin nagsisi si Nurse Linda, makalipas kasi ng ilang taon ay nakatagpo ang dati niyang nobyo ng babae na pakakasalan at handang mag-alaga rito. May dalawa na rin itong anak at masaya na talaga. Nanatili silang magkaibigan sa kabila ng pagtanggi niya sa kasal.
Natawa ako sa naging reaksyon niya. Siguro kung iblind date ko ito sa isang gwapong Engineer ay magsusungit lang ito. Hayst, baliw ka talaga Chan! Saan ka naman kukuha ng Engineer? E, ikaw nga mismo wala!
"Nurse Chan! Ma'am Linda! Nakaharang kayo sa daan!" Sigaw ni Ana na ngayon ay nakalabas ang kalahating katawan sa bintana ng kaniyang kotse at bumubusina.
"Manahimik ka jaan! Bwiset!" Balik na sigaw ni Ma'am Linda matapos ay natawa sa sinabi nang mapansin na pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Nakakahiya!" Aniya sabay takip ng bibig.
I smiled. "Mauna na po ako, ma'am." Sabi ko saka nagsimula na maglakad. Pinaandar na rin nito ang sasakyan papunta sa parking.
"Kanina pa kita hinihintay!" Bungad ni Ellie sa akin pagkabukas ko palang ng pinto.
Hindi man lang niya ako hinayaan na ibaba ang bag na dala.
"Bakit ba? Stress ako h'wag mo na dagdagan!"
"Don't worry, matatanggal din iyang stress mo" aniya na may malapad na ngiti sa labi
Mas naningkit naman ang mga mata ko sa iniasal ni Ellie. Nakapagtataka na kaaga-aga ay nakangiti ito. At malaoad pa?
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...