KUATRO
Isang bwan na ang lumipas mula nang mag-aral kami rito. Ayos naman ang lahat. Muka silang mababait.
Hindi rin naman kami nagtagal sa ganong ayos ng upuan. Yung iba kasi sa amin lumipat na ng school at strand. Baka raw hindi nila kayanin ang STEM. Dalawa kasi ang Science at Math kaya sa tingin ko ay mahirap talaga. General Mathematics at Earth Science sa umaga habang sa hapon naman ay Pre-Calculus at General Chemistry I.
Ako nga magdadalawang isip pa sana. Mabuti nalang at naalala ko na wala pala akong isip. Kaya ayon hindi na ako napabilang sa mga umalis.
Kapag STEM kasi sabi ng ilan ay dapat matalino, magaling sa reasonings, at mataas talaga ang expectations nila kaya mahirap ang mapabilang dito, pero dapat lang ay kayanin. Wala naman kasi akong lilipatan na iba. Ayaw ko naman bumalik sa dati kong school at mas lalo naman na umuwi ako sa Manila. Ew. Polluted air lang malalanghap ko roon. Bumalik pa hika ko.
Bali ang naging ayos ng upuan namin ay 5x5 bawat row. Dalawang row lang naman kami. Bali 50 kaming natira dito. Sa kasamaang palad ay pang-una ako sa mga babae. Hindi dahil sa height ko kundi dahil sa apelyido ko.
"That will be your permanent seat." Sabi ng adviser namin habang may tinitignan sa class record nito. "Walang lilipat!" Sabi pa nito matapos ay tinawag na ang na-elect na President na si Harold at Vice na si Kristina.
"Okay guys, heto na yung groups for every cleaners and activities" si Kristina ang nagsalita
"For group five, ito yung huling linya. Ten kayo lahat, saka.. si Harold ang ginawa nyong leader 'di ba?"
Sumang-ayon naman ang sampung mga lalaki sa likod habang nakaharap sa kanilang mga cellphone. Mga adik sa mobile legends.
"For group four is yung second to the last row. Sino leader nyo?" Si Harold yung nagsalita.
Napuno nang usapan ang ikaapat na grupo at sa huli ay si JC ang ginawa nilang leader. Noong una ay ayaw nito pero wala siyang nagawa dahil mag-isa lang siya na tutol.
Sa third group ay si Allan ang ginawa nilang leader. Sa group two ay si Elaine, si Kristina pa nga ang itinuturo ni Elaine na leader pero tumanggi na ito dahil Vice President na raw siya.
"Sa group one naman tayo. Sino inyo?" Tanong ni Harold sa amin.
Bigla akong tinamad makinig. Siguro ay dahil alam kong kagroup ko ang nang agaw ng papel ko na si Justine at ang nakakainis na si Peter. Bakit ba ganito ang napuntang kagroup sa akin? Ugh nakakainis naman!
"Si Jamaica nalang!" Si Estia. Inunahan na niya si Jamaica. Siguro ay nararamdaman niyang siya ang i-su-suggests nitong maging leader.
Sumang-ayon nalang ako nang hingin nila ang opinyon ko. Mas ayos kung si Jamaica o si Estia ang leader kaysa kay Peter. Wala lang I feel uncomfortable every time na madadako ang tingin ko sa kaniya lalo na minsan kapag nagtatama ang paningin namin.
"Oo nga, si Jami na!" Pagsuporta ni Elmer sabay tapik kay Echo na tahimik
Tumango lang ito saka tipid na ngumiti bilang tugon. Sinang-ayunan din ito ni Justine at Peter na abala sa paglalaro. Kaya naman wala nang nagawa si Jamaica.
Matapos yon ay hindi na ulit ako kumibo. Nanatili nalang akong nanonood ng going seventeen videos nila. Medyo late na rin kasi ako. Ang tagal kong walang load.
The days past very slow. Ewan basta nababagalan ako. Sa tuwing imumulat ko ang mata ko ay may pasok pa rin. Kahit ata sabado ay may ginagawa ako na kaugnay sa school. Tuwing linggo naman ay nagsisimba ako. Minsan ay tinatanghali ako ng gising dahil sa pagod kaya hindi na ako nakakapagsimba. Nalulungkot rin ako minsan kaya siguro naging mabilis ang pagpayat ko.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Fiksi RemajaChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...