26
Siguro ay 11:45 na rin ako nakarating sa bahay at saktong 12 ng tanghali ay kumain na kami ng tanghaliaan. Its nice to be back. Medyo namiss ko rin ang bahay na ito. I never thought that I will leave this house soon at saka nalang babalik kapag matanda at ugod-ugod na.
"Babalik ka pa ba talaga sa Manila?" Si mama na may lungkot sa boses. Kasalukuyan silang naka upo sa sala at nanonood ng isang movie.
Gumagyak na kasibako para puntahan si Jerry sa hospital. Susunduin ko na siyang para makapunta na kami sa resto.
"Oo, ma." Tanging tugon ko habang isinisintas ang sapatos. "Maghihintay sila sa akin duon."
Isang hindi kanais nais na tingin ang iginawad sa akin ni mama. "E'di sabihin mo na hindi ka na babalik!"
Mahina akong napamura sa sinabi ni mama. She's giving me that darn idea! Naisip ko na rin iyan, ang kaso nga lang ay sobra nga ang pagkakamali ng ideya na ito.
"Lucia!" Napuno ang lugar bg malakas na boses ni papa nang tawagin nito ang pangalan ni mama para huminto. "Hayaan mo ang anak mo, dahil siyang naman ang nagkusa na pumasok duon. Walang namilit sa kaniya " dugtong nito
Nag-aalangan pa na magsalita si mama sa una pero sa huli ay nagsalita rin naman. "P-pero... hindi ba mas ayos kung bubuo siyang ng sailing pamilya? What I mean is... having a child? Giving us some cute version of her!"
Nahilot ko ang sintido sa sinabi ni mama. Nakita ko rin si papa na naiiling sa sinabi ng asawa. Parang noon ay hindi ako pinagbawalan na magboyfriend, a? As far as I remember, pagbubuhulin daw niya ako at ang boyfriend ko kapag nalaman niya na meron nga ako... Tapos ngayon... ay ewan!
"Aalis na ako. Naghihintay na si Jerry." Pagpapaalam ko. Tumango lang si mama habang si papa naman ay tumayo para ihatid ako sa labas.
"Take care," anito " titingin lagi sa kaliwa't kanan kapag tatawid."
Matagal bago ako makasakay ng jeep papuntang Cabanatuan. Siguro kaya ako natagalan dahil hapon na at wala na rin gaanong jeep ang dumaraan. Gumarahe na siguro ang iba.
Ang nasakyan ko pa na jeep ay punuan, halos kalahati nalang ng aking pang-upo ang nakaupo hanggang sa gasulinahan ng San Ricardo. Tatlong baranggay mula sa amin. Kaya nang naglalakad ako papunta sa opisina ni Jerry ay nanginginig ang aking tuhod. Agad iyong napansin ni Jerry kaya iiling iling itong nag-aayos ng kwelyo ng long sleeves .
"Ang saya ng byahe mo, a?" Pang-aasar niya.
Inirapan ko siya. Wala akong panahon para magreklamo sa kaniya, dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako.
"Kung sinabi mo na sunduin nalang kita, e'di sana... maayos ka ngayon"
Muli ay inirapan ko siya.
Wala akong makapa na magandang salita para tugunin siya. Inalok na niya kasi ako na pupuntahan nalang niya ako sa bahay pero tumanggi ako. Isasama ko na nga siya, susunduin pa ako? Doble masyado sa gasulina.
6:30 ng hapon nang makarating kami sa resto rito malapit sa simbahan ng katoliko. Napansin ko agad ang kotse nila Ana at Cali sa kaliwang bahagi malapit sa pinagparadahan ni Jerry.
Sasabay nalang siguro ako kay Ana mamaya pauwi. Hindi ko na gagambalain si Jerry. Parang pagod kasi siya kanina habang nagmamaneho at napilitan lang sumama sa akin.
"Tara na " anyaya ni Jerry. "Parang uulan pa yata" nailing na sabi niya matapos tignan ang asul na kalangitan na unti-unting tinatakpan ng maiitim na ulap.
Naalala ko tuloy yung puwesto ko sa room noong SHS ako. Tanaw na tanaw ko mula doon ang magandang kalangitan na nasa itaas ng open field. Para itong sumasayaw habang naghahari ang araw, na sinasabayan ng pag-ihip ng hangin na bahagyang nakakarating sa akin.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...