CHAPTER: TCATCA

3 3 3
                                    

ONCE

July 31 nang magdesisyon akong ibigay ang sulat kay Peter. Isinulat ko 'yon sa kabubukas ko lang na yellow paper matapos kong umuwi sa bahay noong nakaraang martes, napanood na namin yung commercial ng bawat group at tingin ko ganon pa rin. Bigo ako na makalimutan si Peter. Akala ko paggising ko kinabukasan ay mawawala na 'to pero hindi. Mas lalo lang itong lumala habang pinapatay ko ang nararamdaman ko. Ang pagmamahal pala ay hindi parang isang halaman na kapag binunot mo ay mamamatay na kundi isa itong ligaw na damo kung saan bigla bigla nalang sisibol at kahit patayin mo na ay muli itong mabubuhay, at patuloy ka lang babaliwin.

Peter,

Hindi ko alam kung paano sisimulan ito, gaya nalang ng kung paano isang araw ay nahulog ako sayo. Hindi ko talaga alam kung paano, e kasungit sungit mo. Kapag tinatawag kita laging intense ang pagsabi mo ng 'ano' para kang galit na ewan.

Naiinis na nga ako sayo dahil ang gaslaw at ang sungit mo talaga, pero ewan isang araw gumising ako na hindi ka na maalis sa isip ko. Alam mo ba na hindi ako madalas tumatawa pero pagdating sayo, sa mga kalokohan mo ewan parang masayang masaya ako. Napapangiti mo pa nga ako kahit na wala kang ginagawa. Yung kahit na sobrang badtrip na ko napapangiti mo pa rin. Yung makita ka lang ay sapat na.

I didn't write this para masuklian mo. Sinulat ko lang 'to para wala lang. Siguro para na rin malimutan ka. Ikaw nalang kasi laging naiisip ko. Gusto ko lang magpasalamat. Siguro mawawala rin ito after a weeks? Or months maybe? Don't worry. Kung ayaw mo naman pipigilan ko nalang pagkagusto ko sayo. H'wag ka talaga mag-alala. Okay Peter, thankyou.

Chansqt

Hapon ko na ito naibigay kasi naman wala talaga akong balak na ibigay 'yon. Sinulat ko lang naman 'yon para makalimot ako inudyukan lang ako ng mga walang modo kong mga kaibigan. Dapat talaga ay hindi ko na sinabi sa kanila na gumawa ako ng sulat. Sobrang lakas kasi nila sa akin kaya ganon. Lalo na si Rayne at Estia, sobra ang pagpush.

Uwian nang ibigay ko 'yon pauwi na siya non hinabol ko lang. Para akong bata na itinutulak nila Estia that time. Mabuti nalang nang tinawag ko si Peter ay lumingon ito at mag-isa na lumapit sa akin.

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko non. Kung hindi pa lumakas ang ambon ay hindi ako babalik kila Estia. Sobrang lakas ng yugyog ang natamo ko sa kanila that time. Nangingiti nalang ako para maitago ang kaba..

Kinagabihan. Pagbukas ko pa lang ng account ko ay muka na niya ang tumambad sa cellphone ko. Nagmessage siya. Hindi ko inaasahan. Sana pala ay hindi pa ako nag-online. Paniguradong rejected 'to.

Peter: Prank ba 'to?

Basa ko sa una niyang chat. Napanguso ako sa nabasa. Muka ba akong prankster? Ganon ba ako sa paningin niya?

Peter: Kung totoo man, salamat. Pero kasi hindi ako nanliligaw ng kaklase. Kapatid kasi ang turing ko sa mga kaklase ko. Saka ayaw ko pa maggirlfriend. Pero salamat talaga.

Natawa ako sa sinabi niya. Well Chandrea, may second Kuya ka na pala kung ganon? Incest? Ew. hindi naman kapatid turing ko sa kaniya kaya hindi 'yan. Tss galing lang. Akala ko friend zone ang maabot ko pero hindi pala. Ayos na rin. Kapatid zone nga lang. Ayos na 'yon, at least may care hindi ba? Kapatid daw, e.

Peter: Saka hindi ako galit kapag nagsasalita, ganon lang talaga ang ako sa lahat. Ang seryoso nyo kasi, e. Tignan mo si Alex kapag malakas ang boses ko malakas din ang boses niya. Hindi nagpapatalo. Ganon lang talaga ako.

Napairap ako sa chat niya na 'to. Hindi naman ako seryoso lagi.  Saka taliwas ito sa paratang niyang prank lang daw yung sulat ko. Ano ba Peter? Ginugulo mo nanaman ang sistema ko! Saka hindi pa kasi niya naririnig ang pangarap kong maging drugpusher, e kaya ganon. Saglit nga! bakit parang ikinukumpara niya ako sa kaklase namin na 'yon?

Drifting VeinWhere stories live. Discover now