SAIS
"May naka MU si Peter last year. Hindi rin nagtagal."
"Matangkad, maganda, saka rebonded ang buhok."
"Tingin ko hindi na sila nag-uusap. Matagal na"
Paulit-ulit ko naririnig sa isip ko ang mga sinabi ni Estia sa akin kanina matapos ko magtanong. Walong oras na ang nakalipas mula ng sagutin niya ang tanong ko pero hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ako nito. Hindi na ako nakatulog ng maaga. Hindi na rin ako nakagawa ng assignment sa gen math. Wala nga rin ako kaninang naintindihan sa pre-cal at gen chem namin dahil sa naging tanong ko.
Kinuha ko ang unan kung saan nakapatong ang ulo ko at hinayaan ang sariling muka na matabunan. Damn, bakit ba hindi maalis sa isip ko 'yon?
I tried to think some stuffs, like eating pero hindi gumana mas naisip ko lang yung ka MU nya. Naitanong ko pa nga sa sarili ko kung sabay silang nagrerecess. Sinubukan ko rin na mas kainisan siya pero hindi ako nagtagumpay. Payapa lang akong nakatulog. Sa tingin ko pa nga ay nakangiti pa ako. Kainis talaga!
Kinaumagahan namomoblema ako sa assignment ko. Hindi ko nagawa! First subject pa naman namin. Gagawin ko sana ito kaso si mama naman ay minamadali ako. Nainis tuloy ako lalo.
Dumating ako sa room nang nagkakagulo na sila dahil sa paggawa ng assignment. Nahanap agad ng mata ko si Peter. Nakaupo at nakapaligid sa kaniya ang ilan kong kaklase. May kung anong tinitignan sa papel niya.
"May assignment ka na?"
Ibababa ko na sana ang bag ko nang naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nanatiling naka sabit sa kanan kong balikat ang maliit kong kulay green na bag. Nagtama nanaman kasi ang paningin naming dalawa. Hindi agad ako nag-iwas ng tingin, gusto kong masanay dito para hindi na ako nagugulat pa at para sa susunod ay mabilis ko nalang itong maiwasan.
"Huy, may assignment ka ba?" Ulit ni Rayne sa tanong niya kanina. Hindi ko kasi siya natugunan dahil sa titig ni Peter.
Tumingin naman ako kay Rayne. "Wala." Simple kong sabi saka tagumpay na nailapag ang bag sa upuan. Umupo ako saka simpleng sumulyap kay Peter. Abala na ito ngayon sa pagcecellphone.
"Kami rin. Tara sa likod, mukang meron sila." Si Lenin na kakukuha lang ng notebook sa kabababang bag.
Sinundan ng mga mata ko si Rayne at Lenin na papunta sa dako ni Peter, may dala itong mga notebook.
Kusang loob na tumayo ang mga paa ko at lumakad kasunod nila. Makikitingin lang ako. Kung tama ang sagot nila, kokopya na rin.
Nagmasid lang ako habang nag-uusap usap sila kung positive ba o negative ang sign. I compute it by myself at ang lumabas ay positive. Hindi ako nagsalita. Baka kasi mali.
"Positive nga." Si Rayne. Nakikipagtalo na kay Peter
"Positive ba?" Si Peter.
"Sa tingin ko lang, a."
Hindi pa rin pinaplitan ni Peter ang sagot na negative. Tinitigan ko pa ang problem na nakasulat sa notebook nito and I can say na tama kami ni Rayne.
Habang nagkakagulo sila sa pagkopya ay sumilip si Ma'am sa pinto dahilan para maglayuan sila sa isa't isa. Oh, I miss this seen. Kapag may teacher kunyari may ibang ginagawa kahit na ang dapat na assignment sa bahay ay sa school ginagawa.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...