SIETE
Isang linggo na ang nakalipas mula nang hiramin ko ang notebook ni Peter. Naisoli ko rin naman ito agad matapos kong kopyahin. Kinakabahan pa nga ako habang naglalakad papunta sa kaniya nasa harap kasi si ma'am. Hindi na ako nagpasalamat pa by words. May nakaipit naman kasing simpleng salamat don na sulat kamay ko. Gumagawa kasi kami ng puting bandera na gagamitin sa birthday ng principal namin. Pumilas ako sa retaso at duon ako nagsulat para mejo maayos at maganda ang papel. He deserves that naman.
Hindi ko rin iniabot sa kaniya kundi isinuksok ko sa pagitan niya at ng bag niya. Alam ko naman na alam niya. Nakamatyag din kasi siya sa akin tila ba alam na isasauli ko na. Napatingin pa nga saamin si ma'am pero hindi ko nalang tinignan, mahirap na baka matanong ako. Nang makaupo ako sa upuan ko ay saka lang niya ito kinuha at binuklat. Hindi ko na alam kung nakita ba niya ang sulat ko. Ayos lang naman sa akin kahit hindi niya nakita. Ano ba sakin kahit itapon niya kapag nakita man niya?! Tss. Pirasong papel lang naman iyon! Nonsense!
"Next week na natin gawin yung commercial." Tinatamad na sabi ni Estia
"Oo, next week na. Busy ako, e." Si Elmer na akala mo naman ay busy talaga. Base sa naririnig ko sa tuwing hindi ito pumapasok ay nasa tabi lang ito ng school sa tindahan doon at nagyoyosi. Sunog bagay eka nga. Kabata pa.
"Kayo bahala, basta hindi ako mag-e-edit." Si Lenin
Napairap lang ako. "Mas lalong hindi ako."
"Ang sungit talaga ni Chans." Pansin nanaman sa akin ni Chino saka siniko sila Peter.
Nagkatinginan lang si Peter at Justine at nangiti si Justine. Ewan ko, mga may tama ata sa utak at ngisi nang ngisi.
Ay ganon, kapag ako masungit na? Kapag sila Lenin ayos lang? Unfair talaga. Duh.
"Ano ba commercial natin?" Tanong ni Echo. Tatahitahimik lang 'to pero nakikinig. Base sa natatandaan ko sinabi niya kay Estia na allergic siya sa babae. Tinawanan lang namin. Parang ewan naman kasi ang pagkaallergic niya.
"Ano nga ba? Si Lola naman kasi pagawa ng pagawa." Si Elmer na ang tinutukoy ay ang teacher namin .
"Yung sa jollibee. Yung burger." Suggestion ko. Bakit ba, adik ako sa burger, e.
"Bibili pa tayo?" Tanong ni Peter.
Napataas ang tingin ko sa kaniya. Nakatingin pala ito sa akin habang nakaakbay sa kaniya si Justine na nasa harap ko habang nakapatong ang tuhod sa upuan.
"Oo pala.. Pero pwede rin naman. Kakainin naman kaya hindi sayang." Sabi ko. May katwiran naman ako. Hindi lang para sa akin kaya ko sinabi 'yon. Siguro ay half lang. Gusto ko kasi talaga ng burger.
"Pwede rin. Ano pa ba?" Pagsang-ayon ni Rayne.
"Yung safe guard. Yung tatawid sa kalsada yung bata?" Si Chino
"Ay oo pwede! Kaso saan maliligo. Dapat ipakita na nagsasabon." Pagsang-ayon ni Jami ngunit maypag-aalinlangan
"Si Justine! Di ba Justine?" Tumataas tas ang kilay kong sabi
"Ano ka? Ayaw ko. Ipapalabas ata yon dito. Tapos baka ipanood pa sa susunod na STEM students. Nakakahiya."
"May hiya ka pala?"
"Oo naman. Ano tingin mo kay Justine, walang hiya? Di ba boi? Muka ka lang walangya" si Elmer na ngayon ay nakaakbay na sa kaniya. Kumalas na kasi ito sa pag-akbay kay Peter.
"Sino na yung bata? Kami na ni Rayne ang mga germs" si Lenin
Nagsitawanan kami sa sinabi niya. At nag-isip pa nang mga iba-ibang pwedeng gawin. Sabi ko ako magvivideo, inagawan naman ako nila Peter. Mas mabuti raw na ako nalang yung gumanap, syempre tinanggihan ko. Ayaw ko nga! Sobrang epic kaya kapag pinapanood ko ang sarili ko tapos ang pangit ko pa. Mejo dumami kasi tigyawat ko. I'm not confident at all, hindi na makinis muka ko! Tss. Bakit ngayon pa?
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...