DOS
Sa sumunod na mga araw ay halos election of the officers lang ang ginawa namin. May mga nagloloko at napagtitripan. May mga kaklase rin ako na may itsura. Maputi na matangkad but my loyalty is still on Lee Jong Suk.
Sa homeroom lang ata ang matino naming mga naging officer. Takot lang nila sa adviser namin. Sa ibang subject kasi namin ay halos lahat ay napagtripan nila. Lalo na ang muse and escort.
Kanina nga napatayo pa ako sa harap kasi may loko-loko na nagnominate sa akin bilang muse. I want to stab him with my ballpen because of my irritation pero 'wag nalang. Naawa kasi ako. Mabuti nalang pabor pa rin sa akin ang tadhana. Hindi ako nanalo. Mabuti nalang din siguro na bago ako rito. Mejo nahiya sila na pagtripan ako.
"Gago, sino nagnominate sa akin?" Tanong ko kay Rayne matapos mag-uwian ang mga kaklase namin para kumain ng tanghalian. Buong araw kasi ang pasok namin. Seven thirty to twelve noon, tapos babalik dito ng 1PM hanggang 4:30 ng hapon.
Nag-usap usap na rin kaming magkakaibigan na magbaon nalang para less gastos at hindi na mapagod pa.
Nagkibit balikat ito "Hindi ko kilala. Baka yung nasa likod"
"Walangya! Hindi naman ako pang muse."
"Baka nagandahan sa'yo" singit ni Ellie habang inialabas ang baunan na bag.
"Maganda ako matagal na. Pero hindi ako bagay sa ganyan." Naiinis kong sabi.
"Ano lang?" Tanong ni Ana
Saglit lang ay may pumasok na masamang hangin sa isip ko.
"Drug pusher lang." Kaswal kong tugon. "Ikayayaman ko iyon. Sama kayo?" Sabi ko pa.
"Sige! Saan ba tayo magtutulak?" Mabilis na pagpayag ni Lenin
Tumaas ang kilay ko. Nako parang totoo naman, sobrang buti mo ngang mamamayan.
"Charot lang! Ayaw ko kayo kasama. Baka isumbong nyo ako sa pulis."
"Bobo mo naman. Kaya nga kakaibiganin natin si Joshua."
Ang tinutukoy ni Mira na Joshua ay ang kaklase namin last year na balak magpulis. Napaisip tuloy ako, siguro magsisimula na ako magnegosyo. Hindi naman ako mapagkakamalan na nagbebenta! Ano kaya ang pinakamahal sa lahat ng klase ng ipinagbabawal na gamot? At kapag ba ang gamot na hindi ipinagbabawal ay na-expire na, ipinagbabawal na rin?
Umiling ako. "Mahuhuli pa rin tayo kasi isusuplong tayo ni Lenin!"
"Bakit naman? Kasosyo mo nga ako." Dipensa nito sa paratang ko
Nako Lenin.
"Don't me, hindi ka naman totoo!" Sabi ko "Pagtatapon ko nga lang ng basura sa daan binabawal mo na. Yuon pa kaya."
"Mali nga kasi magtapon sa daan lalo na at katabi mo lang ang basurahan!"
Inirapan ko ito. Naalala ko ang lahat ng pagbawal niya sa akin. Sinong baliw ang tatabi sa basurahan lalo na at mabaho ito tapos puro tapon pa ng pinagkainan ng steamed siomai. Isasakto nalang sa bibig ng basurahan hindi pa magawa.
Lagi niya akong binabawal sa tuwing magtatapon. Maging ang papel na scratch mula sa bulsa ko na itatapon ko sana sa daan ay binabawal niya. Hindi naman kakalat 'yon lalo na at matutunaw ito kapag umulan!
Minsan pa nga ay itinapon ko na sa daan ang pinag-inuman ko ng gulaman ay pinulot pa niya ito para itapon sa malapit na sako. Tss.
"Edi mali rin ang pagiging drug pusher, kasi nakasisira ng buhay!" Sabi ko
Sasagot pa sana ito pero hindi ko na siya hinayaan na magsalita.
Naiinis na talaga ako. Bakit ba may ganito akong kaibigan? Ang bait-bait, sarap itapon. Lol just kidding.
"I changed my mind na pala. Mag-aasawa nalang ako ng engineer." Sabi ko habang nakangiti
Nagtaasan sila ng kilay. Tila ba mas gusto pa nilang paniwalaan ang pangarap kong maging drug pusher kesa mag-asawa ng engineer!
"Mabait naman ako kaya ayos 'yon! Magiging mabuti akong asawa." Puno ng kumpyansa kong sabi.
"Ewan ko sayo. Gutom lang yan, Chans." Si Ana na iiling iling
"Oo nga!" Pagsang-ayon ni Cyril na dati rin naming kaklase.
Hindi ko sila pinansin. Inilabas ko nalang din ang baunan ko. Nagugutom narin kasi ako. Pero sigurado ako na hindi ito gutom lang. Mag-aasawa talaga ako ng engineer! Sinasabi ko na. Kapag nangyari yon ihahampas ko sa kanila ang bouquet ko sa kasal.
Sa totoo nga lang ay hindi ko alam kung bakit ako nagtake ng Science Technology Engineering and Mathematics na ito, e, hindi naman ako magaling at mahilig sa Math. Siguro ay itinadhana na talaga ako mag STEM para sa future kong asawa. At kaya rin siguro hindi pa ako nagkakaboyfriend kahit kailan ay dahil sa kaniya. Malakas manalangin, huh?
Tss. This school year is driving me insane! Grabe Chandrea Jade, are you still okay? Nahihibang ka na!
YOU ARE READING
Drifting Vein
Novela JuvenilChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...