“Blow-out.” Ani Tina ng marinig ang kuwento ng kaibigang si Patty tungkol sa pagtanggap nito sa commercial.
“Sasabihin mo ba ‘yan kay Heidi.”
“Of course, hindi ko na papatagalin pa, hindi na ako mag-lilihim sa kanya, baka lalong sumama ang loob noon sa ‘kin.”
Ganoon nga ang ginawa ni Patty. Matapos ang klase hinarang nila ang barkada na umiiwas sa kanila.
“Tinanggap ko ‘yung offer.” Pagtatapat ni Patty sa kaibigan.
“Congratulation.” Iyon lang ang sinabi ni Heidi at tumalikod na ito sa kanila.
“Heidi! Ano ka ba, stop acting like a child.” Naiinis na sabi ni Tina sa kaibigan.
“I’m not acting like a child.” Ani Heidi at humarap ito sa mga kaibigan.
“Eh, bakit ka nagiinarte ng ganyan. What’s your problem ba? Nai-insecure ka kay Patty dahil siya ang tinanggap sa commercial at hindi ikaw. ‘Grow Up.” diretsahang sabi ni Elle sa kaibigan.
Hindi makapaniwala si heidi na dederetsahin siya ng kaibigan, kaya hindi na rin niya napigilan ang ilabas ang sama ng loob.
“Oo, insecure ako. Insecure ako dahil alam niyo namang dream ko ‘yon. Pinaghandaan ko ‘yon. Kung ano-anong kagagahan ang pinag-gagagawa ko para lang doon. Tapos, ikaw, Patty, basta ka na lang sumulpot, parang wala lang, ‘move, move, I’m here’ and then ikaw pa ang kinuha nila, and now you’re telling me na tinanggap mo yung offer, without thinking some consideration.” Ani Heidi na ramdama ang sama ng loob sa nangyari. Tumalikod na ito, at dire-diretsong naglakad.
Natigilan ang apat ng marinig ang sinabing iyon ni Heidi. Mababaw nga ang dahilan, ngunit dahil alam nilang si Heidi ang nasa sitwasyong iyon, kailangang unawain nilang mabigat ito para sa kanya. Alam nila ang ugali ng kaibigan. Alam nila kung ano ang ikasasakit ng loob nito.
“Hindi ka masamang tao. Ganoon lang talaga si Heidi, maramadamin.” Ani Tina sa malungkot na kaibigan.
“Oo nga, beside, it’s not your fault.” Si Elle.
“No, in a way, kasalanan ko rin, I should have considered her feelings.”
“Patty, alam mo, sa buhay natin, kailangang matuto rin tayong mag-desisyon para sa ikasasaya natin, kesehodang may matapakan tayo, because, ano pa ang reason ng existence natin in this whole wide universe.” Si Tina.
“I agree. Tingnan mo kami, we made some consideration, pero, pina-prioritize pa rin namin yung dreams namin. Because, each of us had their own goals.” Si Elle.
“Mismo.” Si Tina.
Sa mga sinabing iyon ng kaibigan, napag-isip si Patty. Oo nga, alam niyang nasaktan si Heidi dahil sa kanya napunta ang pinapangarap nito, at lalo na ng tanggapin niya pa ito, ngunit naisip niya rin na kung pagbibigyan niya si Heidi, na parati naman niyang ginagawa, malamang na hindi na siya makapag-desisyon para sa sarili. May problema rin siya, at iyon ay nangangailangan ng solusyon, at kung iyong solusyon ay iwasan pa niya para biggyang daan ang taong kailangan solusyonan din ang problema niya, ab’y kailangan na siyang patayuan ng monumento dahil sa sobrang palabigay niya.
“Sweet Dreams,” iyon ang message na natanggap ni Kit mula kay Lorie. Ayaw man niyang aminin pero, kinilig siya. Hindi niya maitatatwa na ang mga magaganda at nakakailig na mensahe nito sa kanya ang nagbibigay inspirasyon sa kanya sa mga nakaraang linggo. Ngunit naaalangan pa rin siya. Ano, liligawan ba niya? Kung ligawan niya, may pag-asa ba siya? Paano kung natural na sweet lang ‘to, o kaya friendly, di masasaktan lang siya. Ayaw na niyang masaktan pa. Ah, basta, inspirado siya ngayon, at iyon ang mahalaga. Isa pa, wala siyang lakas ng loob na magtapat dito na nabighani siya sa angking kagandahan nito.
BINABASA MO ANG
University Blues
RomansaAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.
