Gaya ng napag-usapan, sabay-sabay na dumating ang magkakaibigan sa bahay nina Tina. Bitbit ang isang box ng Pizza at dalawang litro ng softdrinks.
“Buti naman guys at narito na kayo.” Masayang salubong ni Tina sa mga kaibigan.
“Siyempre naman pupunta kami rito. Boring kaya ang mag-stay sa bahay.” Nakangising sabi ni Patty
“Sinabi mo pa. Tsaka ayaw kong kasama sa bahay iyong tita ko, tuwing nakikita ako lagi na lang utos.” Si Elle.
“Ako, wala, trip ko lang maki-join.” Si Kit.
“Eh, ikaw, wala ka naman kaproble-problema sa bahay ninyo.” Si Tina.
“Oo nga.” Pag sang-ayon ni Elle.
“Pero ako, kaya ako pumunta rito, may ikukwento ako sa inyo. Tiyak na kikiligin kayo.” Kinikilig na sabi ni Heidi.
“Hindi lang ikaw ang may ikukwento, ako rin at hindi kayo kikiligin matatawa kayo.” Natatawang sabi ni Tina.
Nang makapasok na ang barkada sa kuwarto ni Tina ay agad silang nag-umpukan sa isang tabi.
“Bago tayo manood, kailangan ko munang i-share ‘tong kilig moments ko kanina, hindi ko na kasi talaga kaya.” Nanggigil na sabi ni Heidi.
“Sige na nga, mukhang kanina ka pa atat.” Si Tina.
“Okay, ganito ‘yon,” panimula ni Heidi. “Kasi kanina, pumunta ako ng National Bookstore para bumili ng Teen Idol Magazine kasi si Judy Ann at Piolo ang cover noon. Tapos ng makabili na ako, alam mo naman ang lola mo, atat basahin ‘yong magazine, kaya pumuwesto ako doon sa may upuan sa labas ng bookstore, iyong malapit sa sinehan. Guess who, kung sinong nakita ko?” pambibiting tanong niya sa barkada.
“Sino?” excited na tanong ni Tina.
“Si Mr. Torres.”
“Si Ariel Torres ‘yong bagong professor?” si Tina.
“Anong ginawa mo kay Sir?’ nagulat na tanong ni Patty.
“OA ka, Patty. Siya ang may ginawa sa ‘kin. Hulaan ninyo kung ano?” pambibitin niya.
“Anong ginawa niya sa’yo?” excited na tanong ni Elle.”
“Niyaya niya akong manood ng sine!” kinikilig niyang sabi sa mga kaibigan.
“Okay, really? Tapos binato ka ng tsupon ng nanay mo at nagising ka.” Hindi naniniwalang sabi ni Patty.
“Baliw, totoo ‘to. Hindi ‘to panaginip.” Depensa niya.
“Okay, aber pa’no naman nangyaring imbitahin ka niya manood ng sine?” tanong ni Patty.
“Okay, ganito ‘yon. Kasi nandoon sila ng girlfriend niya sa labas ng sinehan, mayroon silang lover’s quarrel. Tapos iniwan siya ng girlfriend niya. Ang lola mo nga super yuko para hindi makita, pero ‘yon nakita pa rin niya ako. Tapos tinanong niya kung nakita ko ‘yung nangyari. Sabi ko oo. Tapos tinanong niya kung gusto ko raw manood ng sine kasi nakabili na raw siya ng dalawang ticket, sayang naman daw kung hindi niya gagamitin ‘yon. Siyempre sino ba naman ako para tumanggi.”
“Okay, very nice story.” Ani Elle.
“Okay, you don’t believe me, I have proof.” Ani Heidi at inilabas nito ang cellphone na may lamang message galing dito.
“Heidi, totoo nga!!” napatiling sabi ni Patty at niyakap nito ang kaibigan.
“Tapos nakita ko si,” nabiting kuwento ni Heidi. Gusto niya sanang sabihin na nakita niya si Jake kasama si Anne, pero pakiramdam niya’y kay Tina niya lang dapat sabihin hindi muna sa barkada kaya naisipan niyang huwag muna itong ikuwento.
BINABASA MO ANG
University Blues
RomanceAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.
