“Ladies and gentlemen, your favorite band, the one and only, Daydreamers!!” sigaw ng babaeng vocalist ng banda nang ipakilala nito ang susunod na bandang mag-peperform.
Agad namang lumitaw sa entablado ang banda at tumugtog ng isang masiglang awitin. Kinawayan at nginitian sila ng lalaking bokalista nang mapansin sila nito sa sulok ng bar.
Halos mapanganga ang buong barkada sa kanilang naKita. Hindi sila makapaniwalang kilala nila ang bokalista ng bandang tumutugtog sa stage. Si Myles mayroong banda.
“Anong ginagawa niyan rito?’ nagtatakang tanong ni Tina sa mga kaibigan.
Isa man sa kanila ay hindi alam kung Bakit tumutugtog si Myles sa stage.
Hiyawan ang mga tao ng matapos ang performance ng banda nina Myles.
“This next song is dedicated to my classmates on the sixth table. Especially to the beautiful girl wearing orange dress.” Nakangiting sabi ni Myles na tumingin pa sa lamesang itinuturo.
Ooh baby I Love your way, everyday
I wanna be with you night and day, everyday
“Para raw sa’yo Tina. Baby I Love your way daw.” Ani Elle ng makitang si Tina lang sa barkada nila ang nakasuot ng orange na damit.
Halos mahiya si Tina ng lahat ng tao sa bar ay nagtinginan sa kanya. Hindi niya akalaing bibiruin siya ni Myles. “Bastos na ‘to.” Sabi niya sa sarili. “Tingnan l;ang natin mamaya, makiKita mo rin anhg hinanahanap mo. Beautiful girl pa la.”
“Uy, Miss Beautiful.” Kantiyaw ni Patty sa kaibigan.
“Tumigil ka Patty. Baka pag-untugin ko kayo mamaya ng lalaking ‘yan.” Galit na sabi ni Tina.
Nang matapos ang first set ng performance nang banda ni Myles, agad namang hinanap ni Tina kasama ng barkada ito upang komprontahin. Talagang nabuwisit siya sa ginawa nitong pang-aasar. NaKita nila ito sa labas ng bar at nagsisigarilyo kasama ng banda.
“Lalaki, wala ka bang alam na magandang gawin. Kaya, pati ako inaasar mo.” Sigaw ni Tina dito.
Tumingin lang si Myles sa kanya at ngumiti.
“Bastos ka talaga, kinakausap Kita.” Galit na si Tina.
“Bakit ka ba naiinis. Hindi naman Kita inaano.” Mahinahong sabi ni Myles.
“Anong hindi, sinabihan mo kong MISs Beautiful kanina.” Nagpupyos sa galit na sabi ni Tina.
“Bakit masama ba ‘yung sinabi ko. If I know natutuwa ka pa.”
Nagpantig ang tenga ni Tina sa narinig. Hindi niya akalaing wala nang kasing arogante ang lalaking kaharap kaya naman hindi na niya napigilang masampal ito.
Nagulat ang barkada sa ginawang ‘yon ni Tina kay Myles. Gayundin si Myles na talagang nasaktan sa ginawang ‘yon sa kanya, pati na ang kasamahan sa banda ni Myles ay nabigla rin.
“Bakit mo ako sinampal?” ani Myles na hawak ang namumulang pisngi.
“Sa pambabastos mo pa alng ‘yan sa ‘kin. Itong susunod sa mga kahihiyang ginawa mo sa ‘kin.” Ani Tina sabay sampla pa sa kabilang pisngi nito. “At itong pangatlo dahil sa ginawa mong paghalik sa ‘kin.” Sabay tuhod sa tiyan ni Myles at agad itong lumakad paalis.
Talaga namang ikinagulat ng barkada ang rebelasyong iyon ni Tina. Sinundan nila ito sa paglalakad upang tanungin kung ano ang ibig sabihin ng halik na sinabi niya. Naiwan namang kinakantiyawan ng barkada si Myles sa ginawang ‘yon ni Tina sa kanya.
“Hinalikan niya ako, minsan.” Ani Tina ng pilitin ito ng barkada upang ikuwento sa kanila ang nangyari.
Imbis na mabuwisit ay para bang kinilig pa ang mga ‘to sa kuwento ni Tina na ikinayamot naman niya.
“Gusto ko nang umuwi.” Ani Tina.
Hindi naman napigil pa ng barkada ang desisyong ‘yon ni Tina kaya nagpasya na rin silang putulin na ang kasiyahang iyon.
Sa sasakyan, abot-abot na kantiyawan ang nangyari na lalong nagpa-inis kay Tina. Hindi naman niya magawang mapikon dahil kilala niya ang mga kaibigan, lalo na si Heidi at Elle na kapag lalong napipikon ang taong inaasar ay lalong ginaganahan ang mga itong mang-asar kaya minabuti niyang manahimik na lamang at subukang huwag nang pansinin ang mga pambubuska ng mga kaibigan. Itinuon na lamang niya ang paningin sa labas ng sasakyan.
“Sandali!” ani Tina na nagpahinto sa nag-uusap na barkada. “Kotse ni Jake ‘yon ah. Ihinto mo muna.” Utos niya kay Patty na siyang nagmamaneho ng sasakyan.
Agad namang inihinto ni Patty sa tapat kung saan naroroon ang sasakyan ni Jake at laking gulat nila ng makitang nakaparada ito sa tapat ng isang bar.
“Sabi ni Jake may lakad sila ng mommy niya.” Ani Tina.
“Sigurado ka bang kotse ni Jake ‘yan.” Nagdududang tanong ni Heidi sa kaibigan.
“Okay ka lang. Parang hindi mo alam kung ano ang sinasakyan ko kapag sinusundo ako ni Jake.”
“Anong gagawin natin?” tanong ni Patty. “Papasukin ba nati ‘yung bar?”
“Hindi. Hintayin nating lumabas ang gagong ‘yon. After 20 minutes, pag wala pang lumalabas pupuntahan ko na siya sa loob.” Ani Tina.
Ilang sandali lang mula sa iTinakda nilang oras sa paghihintay ay lumabas na si Jake ng bar. Halos hindi sila makapaniwalang lahat sa naKita. Kasama nito si Anne kung saan nakaakbay pa ito rito habang tinutungo ang nakaparadang sasakyan. Hinalikan pa ni Jake sa pisngi si Anne bago ito pumasok sa loob ng kotse.
Napansin nilang nakatitig si Tina sa nobyo. “Mga walang hiya.” Galit na sabi nito. “Manloloko.”
“Lalapitan mo ba?” tanong ni Patty sa kaawa-awang kaibigan.
“Hindi, hayaan mo lang sila. Ako na ang bahala sa lalaking ‘yan. Paandarin mo na lang ang sasakyan. Umalis na tayo rito. Sapat na ang mga naKita ko.” Mahina ngunit ramdam ang poot sa dibdib na sabi ni Tina kay Patty.
Agad namang sumunod si Patty sa hiling na ‘yon ng kaibigan.
“You want to talk about it?” tanong ni Kit sa kaibigan.
Ngunit hindi naman ito umimik. Senyales iyon na ayaw muna nitong pag-usapan ang bagay na ‘yon.
Tumahimik din ang buong barkada ng manahimik si Tina. Bagama’t alam nilang Masakit ito para sa kaibigan, hindi muna nila ito pipiliting magsalita dahil alam naman nilang kapag hindi na kayang dalhin ni Tina ang saloobin, hihingi rin ito ng tulong sa kanila.
BINABASA MO ANG
University Blues
RomanceAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.
