Tapos ng magparehistro si Tina bilang representative ng PolSCi Ally sa pagka-presidente. Ngayon nga ay busy na ito sa pangangampanya para sa darating na election.
Buo naman ang suporta ng barkada kay Tina. Si Patty ang siyang gumastos ng mga kakailanganin ni Tina sa election tulad na lang ng mga coupon bonds, cartolina, at manial papars na gagamitin ni tina bilang mga banner at plyers. Si Kit naman ang nag-design sa mga iyon, kinomputerize niya ang mga plyers ni Tina, habang sina Elle at Heidi ang naging campaign manager niya. Masaya rin siya dahil malaking tulong si Jake sa kanya. Nakukuha nitong makuha ang boto ng mga baguhang babae ng Akademya dahil sa charm nito.
Habang busy ang mga kaibigan ni Tina sa pagtulong sa kanya, kinakabahan naman siya, dahil bukod sa gaganaping election, magkakaroon pa ng debate ang mga tatakbo ng pagka-presidente. At sa debateng iyon magkakaalaman kung sino sa kanilang dalawang kandidato ang mas matalino sa paningin ng mga estudyanteng narororon.
“Kaya mo ‘yan Tina.” Sabi ni Pete na presidente ng PolSci Ally.
“Pa’no pa na naging PoSci ka kung hindi ka rin naman marunong sa debate.” Ani Melaine na secretary naman ng PSA.
“Oo nga. Basta, huwag ka lang kakabahan.” Ani Pete.
Tumango na lang siya. Ngunit sa loob-loob niya, si Ram, eh minsan na siyang natalo nito sa debate, at ayaw na niyang maulit ang kahihiyang iyon. Ang totoo’y matagal na siyang buwisit sa lalaking iyon dahil nga sa nangyaring pagkatalo niya rito, dahil talaga namang presko kung magsasagot ang lalaking iyon. Madalas na rin silang magkaroon ng argumento tungkol sa mga lessons sa klase nila dahil parati na lang silang magkaiba ng opinyon.
“Kamusta na?” bati ni Jake sa nobya.
“Eto, pressured na pressured.”
“Alam mo, para matanggal ‘yan, kailangan nating lumabas. Sobrang busy ka na kasi, wala ka na tuloy time sa srili mo.”
“Jake, gaya nga ng sabi mo, wala na akong time, kaya hindi tayo pwedeng lumabas, pero, I promise, matapos lang ‘tong election na ‘to, we will go out, kahit saan mo gustong pumunta, ako ang bahala.”
“Okay, ‘yon lang naman ay ‘sang suggestion.”
“Thank you, but I can’t right now.”
“Okay fine. Buweno, aalis na ako dahil may practice pa kami.” Ani Jake at hinalikan na ang nobya.
“Bye.” Kaway ni Tina habang papalayo ang nobyo.
Busy naman si Elle sa pangangampanya sa kaibigan.
“Boys,” malanding tawag nito at lumapit sa nag-uumpukang freshmen na PolSci sa canteen. “I have something to tell you. Kilala naman ninyo si Tina.” Tanong niya rito.
Tumango ang isang lalaking naroon. “Siya iyong sa Acquaintance.”
“Tama, siya iyong nag-prepare noon.”
“Bakit?” tanong pa ng isang lalaki
“Well ang ate Tina niyo, kailangan ang suporta ninyo. Tatakbo kasi siya ng president ng ating org, kailangan niya ng suporta niyo. Maasahan ko ba kayo.”
Kahit hindi sigurado ng mga ibang lalaking naroon kung sino ang binabanggit ni Elle ay tumango na lamang ang mga ito, tanda ng pag-galang sa kanya bilang senior ng akaemyang iyon.
BINABASA MO ANG
University Blues
RomanceAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.
