Chapter Three: Competition (Part 3)

1.6K 285 7
                                    

“Contestants, get ready, we are going to starts within two minutes.” Mula sa speaker ng auditorium ng paaralan.

     “Sigurado ka na ba?” si Patty habang nire-retouch ang make-up ng kaibigang si Heidi.

     “The show must go on, at kailangan nila ng magandang contestant.”

     “Hindi na ba masakit ‘yang katawan mo?”

     “Hindi na gaano, pero hindi ko lang alam mamya sa evening gown.  Masyado kasing masikip ‘yong gown ko.”

     “Basta, tiiisin mo na lang.  Paano, good luck.” Si Kit.

     “Goodluck.” Isa-isang sabi ng barkada.

     “Thank You.  Pa’no, punta na akong backstage.”

     Makaraan nga ang dalawang minuto ay nagsimula na ang beauty contest na ‘yon.  Maganda ang pagka-decorate ng auditorium at ang effects na pati na ang mga lights, talaga namang parang nasa prestigious beauty contest ka.

     Isa-isang nagpakilala ang mga contestants suot ang kanilang sports wear.

     Pinakamalakas ang palakpak ni Heidi ng lumabas ito at magpakilala dahil nakasuot lamang ito ng napakaikling short at fit na t-shirt na akma sa kanyang tennis costume.

     Isa si Heidi sa dalawang paborito ng mga manonood.  Ang isa ay ang baguhang si Anne.  Isang Filipino-Korean na talaga namang pagkaputi-puti.

     Para maipakita ng barkada ang suporta sa kaibigan, ginawan nila ito ng banner.  “I LOVE U HEIDI, U R D BEST” iyon ang nakalagay doon, at tuwing maglalakad ng stage si Heidi ay walang kasing lakas ang kanilang mga hiyaw.

     Dumating na ang kinatatakutan ni Heidi, ang evening gown competition.  At hindi nga siya nagkamali, nahirapan siya sa suot niyang gown.  Hindi ito komportable sa kanya, may kasikipan kasi ito.  At dahil sa sakit ng katawan niya, para siyang haponesang naglalakad.

     Tawanan ang mga manonood ng makita siyang ganoon maglakad.  Hindi ito umakma sa awiting “Songbird” ni Kenny G.

     “Sinasabi ko na nga.” Ani Patty ng makita ang kilos ng kaibigan.

     “Okay ka lang?’ mahinang tanong ni Kit at sumenyas ito sa kaibigan ng nasa stage na ito.

     Tumango naman si Heidi pero halatang pilit ang ngiti nito sa mukha.  Ngunit kahit na nahihirapan at nasasaktan, nakuha pa rin nitong magpa-cute sa mga judge, lalong-lalo na sa commercial model na si Ken Carvajal.

     Walang duda, alam ni Heidi na ‘mababa ang makukuha niyang score sa portion na ‘yon.  “Babawi na lang ako sa question and answer portion.” Bulong niya sa sarili.

     Halos nakahinga ng maluwag si Heidi ng matapos ang portion na ‘yon.

     Sumunod ang pagbibigay ng Special Awards. 

     Nakuha ni Anne ang dalawa sa tatlong Special Award, ang Miss Photogenic at ang Best in Evening Gown.  Samantalang nakuha naman ni Heidi ang Miss Congeniality. 

     Kinilig siya ng ang mag-abot sa kanya ng sache ay si Ken.  Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito.  AT walng dudang napakaguwapo nito at napakakinis ng kutis.

     Lalo namang lumakas ang hiyaw ng barkada ng huling tawagin si Heidi bilang isa sa tatlong finalist.  Nakakasiguro na ito na kahit papaano ay may korona na siyang maiuuwi.

     “I Love U Heidi!” sigaw ni Kit ng tawagin ang pangalan ng kaibigan.

     “Thank You.” Ani Heidi habang walang patid ito sa kakakaway at kaka-flying kiss na animo’y pinanalunan na ang title ng Beauty Contest na ‘yon.  “Thank You,” ulit pa nito.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon