Chapter Two: Aspirations (Part 2)

1.7K 320 0
                                        

Araw na ng miting de avance, at sabihan ng kani-kanilang mga plataporma ang mga kandidato.  Kinabukasan kasi ay election na kaya naman puspusan na ang pangangampanya ng magkakaibigan.  Inagahan nila ang pagpunta school para mabigyan ng oras na makamayan ni Tina ang lahat ng PolSci Student dahil baka naman sakali, mabago nila ang mga desisyon ng mga ito, at pumanig sa kanya, dahil alam na niyang liamado na si Ram.

     “Maganda ang plataporma ni Tina, kaya lumuluhod ako sa inyo at nagmamakaawa.  Parang awa niyo na, iboto niyo siya.” Ani elle at lumuhod pa sa mga nag-uumpukang babae sa waiting shed ng paaralan.  Ganoon din ang ginawa niya sa mga naglalakad na PolSci students kesahodang pagtinginan siya ng mga tao.

     Binebe-beso naman ni Heidi ang lahat ng mga PolSci na makita niya, as if close sila sa isa’t-isa para lamang makuha ang simpatiya ng mga iyon.  Ginamit naman ni Patty ang kayang charm.  Nagpa-cute sa mga boys, para lang makuha ang boto ng mga ito.  Si Jake naman, ay babae ang puntirya.  Dahil sa lakas ng appeal nito, nakuha niyang bolahin ang mga babae.  Si Kit lang sa barkada ang walang ginawa dahil may trabaho ito noong araw na iyon.

     Na-curious si Tina ng makitang nag-uumpukan malapit sa stage ang halos lahat ng mga kababaihang Political Science, kaya naman lumapit din siya roon upang kausapin.  Laking gulat niya ng makitang naroon si Ram, katabi si Myles na tumutugtog ng gitara na animo’y hinaharan ang mga kababaihang naroon. 

     “Walang hiya, nagpa-concert ang ugok,” sabi niya sa sarili.  At dali-dali siyang lumayo roon upang sabihin sa barkada ang ginagawa ng kalaban niya.

     “Gano’n?” ani Elle na nakapamewang pa.

     “Sino bang marunong tumugtog sa inyo ng gitara?” tanong ni Heidi.

     “Si Jake,” ani Patty.

     “Baliw, isang piyesa lang ang alam ko, Nano-nano pa.” Ani Jake na natawa.

     “Ano ba ‘yan, ano bang gagawin natin?” banas na si Tina.

     “Alam ko na.” Biglang sabi ni Elle na may naisip ng paraan.  “Manood kayo.”

     Iniwan sila nito saglit, at may pupuntahan daw.  Laking gulat nila ng makitang kasama ni Elle ang banda ng eskuwelahan dala-dala ang kani-kanilang mga instrumento. 

     “Ang galing mo talaga.” Masayang sabi ni Tina.

     “Ako pa, Miss Congeniality ‘tong lola mo.” Ani Elle at nag-request na sa bandang iyon na tugtugin ang Can’t Take My Eyes Off You.  

     Dahil sa dami ng instrumento, talaga namang malakas ang naging tunog nito, kaya naman hindi lang ang mga puntirya nila ang lumapit, pati na rin ang mga ibang estudtyanteng nakatambay roon.

I love you baby, and if it’s quite alright

I need you baby, to warm my lonely nights

I love you baby, trust in me when I say

     Iyon ang tugtog na sinabayan pa ni Elle at Heidi ng pagkanta at pagsayaw.

     Palakpakan ang mga tao roon matapos ang kanilang performance.  At pinakilala na ni Elle si Tina sa mga PolSci na naroon.

     Laking pasasalamat ni Tina ng matapos ang lahat ng iyon.

     Dahil kahit papaano ay nakuha na rin naman niya ang simpatiya ng ibang PolSci, hindi na siya kinabahan ng magsalita siya sa meeting de avance kinahapunan.  Maganda nga ang kanyang mga plataporma, at kung papalarin siya, talaga namang gagawin niya ang lahat para lang maisakatuparan ang lahat ng mga iyon.

     “Guys thank you.” Sabi niya sa barkada.  “Especially sa’yo Elle.” At niyakap niya ang kaibigan.

     “Ito naman, wala ‘yon, pa’no pa’t naging friends tayo.  Tsaka darating din ang araw na ako naman ang mangangailangan ng tulong, at alam ko namang hindi mo rin ako bibiguin.” Ani Elle at ginantihan nito ang mahigpit na yakap ng kaibigang tinuturing na niyang kapatid.

     “Kami rin, makakaasa ka rin sa ‘min.” ani Heidi.

     “Oo nga.” Si Patty.

     “Kailangan pa ba ako diyan?” si Jake.

     “Oo naman, alam mo naman kung sinong mahal ni Tina, mahal na rin naming.” Si Elle.

     At nag-group hug ang magkakaibigan kasama si Jake.

     “Sayang wala si Kit.” Ani Tina nanaalala ang nagtatrabahong kaibigan.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon