Chapter Four: Love & Hate (Part 4)

1.5K 272 8
                                    

    “Naandiyan na iyong ikakasal, maghanda na kayo!” sigaw ng manager ng pinagtatrabahuhang restaurant ni Kit.

     Nang marinig naman iyon ng mga trabahador ay agad na silang kumilos.  Muling tiningnan ang mga nalinis na.  Kinakailangang presentable iyon sa paningin ng mga tao.

     “Waiters, kapag pumasok na ‘yong kinasal, ihanda na ninyo iyong food okay.  Bilisan ninyo, huwag papatay-patay.” Muling sigaw ng manager.

     Ilang minuto pa ang nakalipas ay pumasok na ang ikinasal pati na ang mga bisita.  Wala pang ilang sandali ay okupado na ang lahat ng lamesang inarkila ng mga ito para sa okasyong ‘yon. 

     Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang programa.  Nagkakasayahan na ang mga bisita, habang si Kit at ang mga kasamahang waiter ay walang humpay sa pagsisilbi sa mga bisita.

     “Waiter!” sigaw ng isang lalaki sa lamesang malapit sa kinatatyuan ni Kit habang naghihintay ito ng tatawag sa kanya.

     “Yes sir?” magalang niyang sagot.

     “Puwede bang humingi ng tubig.”

     “Yes sir.” Ani Kit at tumalikod na ito upang sundin ang hinihingi ng lalaki.

     Dala-dala na ni Kit ang isang pitsel ng tubig ng may biglang sumulpot na isang bata sa kanyang harapan at banggain siya.  Nawalan siya ng kontrol sa hawak na pitsel at dumulas ito sa kanyang kamay.  Nagulat na lamang siya ng makita ang isang babae, na sa kanyang pagkakaalam ay isa sa mg bridesmaid dahil nakasuot ito ng magandang damit tulad ng iba pa na basang-basa dahil sa natapunan ito ng dala niyang tubig. 

     “Ano ba?!!” galit nitong bulyaw.  “Babara-bara kasing kumilos.” Dugtong pa nito na kumuha ng atensiyon sa mga taong naroroon.

     “Anong nangyari?” tanong ng manager ng makitang naghihisterical ang babae.

     “Ito po kasing waiter ninyo, lalamya-lamya kung kumilos.  Tingnan po ninyo ang nangyari sa akin.” Galit nitong sabi.

     Hindi na nakuhang magpaliwanag pa ni Kit dahil

     “Pasiyensiya na po.” Paumanhin ng manager. 

     “Pa’no ngayon iyan?! Ganito na lang ba?!  Uuwi ako ng basa?” mataray na sabi nito.

     “Gagaawan po namain ng paraan.”  Sabi ng manager at tinawag nito ang isa pang waiter.  “Mabuti pa samahan mo si ma’am, tingnan mo kung anong maitutulong natin sa kanya.  At ikaw naman Kit, punasan mo ang kalat na ‘yan.  Mag-uusap tayo mamaya.” Mahina ngunit malaman nitong sabi.

     Sumunod naman ang waiter na inutusan at si Kit.  Ngunit mabigat ang loob niya dahil napahiya siya sa nangyari.  Ni hindi man lamang niya nakuhang magpaliwanag.  At kinakabahan na rin siya dahil alam na niya kung ano ang mangyayari sa pag-uusap nila ng kanyang boss mamaya.  Alam niyang bubulyawan siya nito.

     Nang matapos ang kasal ay ipinatawag si Kit kahit alam niyang dapat siyang pumunta sa opisina ng kanyang manager dahil mayroon silang pag-uusapan.

     “Umupo ka Kit.” Utos ng manager niya ng pumasok na siya ng piopisina.

     “Bosss, hindi ko naman po sinasadya, at isa pa hindi po ako ang may kasalanan ang….”

     “Hindi mo na kailangang mag –paliwanag Kit.  Sawa na ako sa mga paliwanag mo.  Parati ka na lang may dahilan, kesyo ganito, kesyo ganoon.  At marami na ring customer ang nagrereklamo sa serbisyo mo.  Bukod pa sa mga nagsusumbong mong katarabaho na tinutulugan mo lang pala ang shift mo kapag alam mong wala ako.”

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon