“Anong ginagawa ko rito?” tanong ni Elle ng magising kinaumagahan.
“Lasing na lasing ka po kagabi. Bakit?” si Patty.
Hindi sumagot si Elle sa tanong na iyon ng kaibigan.
“Bakit hindi ka makasagot?”
“Sino pala ang nagdala sa ‘kin kagabi rito” lihis niyang tanong sa kaibigan.
“Yung lalaking nameet natin sa bar. Bakit, hindi mo ba siya kasama kagabi?”
Nagulat si Elle sa narinig. Si Jerico ang tinutukoy ng kaibigan ngunit hindi man lang niya namalayang ito ang nagdala sa kanya rito.
“Hindi ko siya kasama kagabi.”
“Paanong nangyaring siya ang nagdala sa’yo rito?”
“Ewan ko.”
“Well, I won’t ask anymore. Diyan ka muna at tatawagan ko si Heidi.”
At tinawagan nga ni Patty ang kaibigan.
“Guess what? Narito si Elle, bangag kagabi.” Kuwento ni Patty sa kaibigang si Heidi
“Bakit?”
“Ayaw sabihin, hindi ko na pinilit. Napatawag nga pala ako, gusto ko sanang sa’yo unang sabihin. Pinag-isipan ko ‘yung sinabi mo kagabi. At napagdesisyonan ko na,” pambibitin niya sa kaibigan.
“Na ano?” excited namang tanong ni Heidi.
“Na, tatanggapin ko na yung offer para mag-commercial. Ano sa tingin mo?”
Hindi nakapagsalita si Heidi sa sinabi ng kaibigan. Ang totoo’y hindi siya natutuwa sa desisyong iyon ni Patty. Dahil sakaling tanggapin niya yung offer, siguradong wala ng pag-asang matupad pa ang matagal ng pangarap ni Heidi. Ang sumikat.
“Ano?”
“Bahala ka. Kaya mo nang mag-desisyon.”
“Sa tingin ko, okay ‘tong naisip ko, dahil siguradong makukuha nito ang atensiyon ni mommy. And besides, type ko rin namang maging isang commercial model.”
“So gano’n naman pala, hindi mo na sana ako kinunsulta.” Ani Heidi sabay baba ng telepono.
Nagulat si Patty sa naging reaksiyon na iyon ni Heidi. Hindi niya alam kung bakit binabaan siya agad nito ng telepono, wala naman siyang sinabing hindi maganda na ikagagalit nito.
“Bakit gano’n si Heidi? Kinakausap ko, binabaan ako ng telepono.” Kuwento ni Patty kay Elle. “Weird.”
----------
“Anong nangyari sa’yo Elle?” tanong ni Tina sa kaibigang namumula ang mata.
“Napuyat ‘yan. Naglasing kasi kagabi?”
“Bakit?” si Kit.
Gaya ni Patty, hindi rin sinagot ni Elle ang tanong ng kaibigan.
“Guys, ‘wag kayong mag-alala, hindi rin ako sinagot niyan. Hindi ko rin alam kung bakit.”
“Elle, baka may mabigat kang problema, hindi mo man lang sinasabi sa ‘min. Malaman na lang namin, tumalon ka na sa overpass.” Si Tina.
Tumingin si Elle sa kaibigan at ngumiti.
“Eh ano naman ang drama ng maganda nating kaibigan, tinawag ko siya kanina, hindi niya ako pinansin? At ngayon, mukhang walang balak sumama sa ‘tin.” nagtatakang tanong ni Tina sa barakada sa tinurang iyon ni Heidi kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/16160653-288-k521045.jpg)
BINABASA MO ANG
University Blues
RomanceAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.