Katatapos lang ng klase ng barkada kaya naman naisipan ni Heidi na pumunta sa Faculty Room upang ibigay ang regalo niya kay Mr. Torres.
"Bakit naman nag-abala ka pa?" ani Mr. Torres ng buksan ang regalong ibinigay sa kanya ni Heidi.
"Wala 'yon sir. Para patas, di ba? Ano ba naman po 'yan sa panlilibre ninyo sa 'kin?"
"Ikaw talaga." Nakangiti nitong sabi. "Anyway, thank you."
"Your welcome sir." Sagot niya rito.
----------
Naisipan naman ni Tina na puntahan ang nobyong si Jake sa gym upang sabihan ito na sumama sa gagawin nilang bar hopping mamaya. At doon nga niya ito natagpuan kasama ng mga kaibigang varsity at nagpa-practice ng basketball.
"Jake!" malakas niyang tawag dito.
Lumingon naman ang lalaki ng marinig ang kanyang boses.
Nang makita ni Tina na nakita siya ng boyfriend ay kinawayan niya ito at nilapitan.
Hinalikan naman siya ni Jake ng nasa harapan na siya nito.
"Bakit ka narito?" tanong nito sa kanya.
"May celebration kasi ang barkada mamayang gabi, magba-bar kami. Gusto kong sumama ka." Nakangiti niyang sabi sa nobyo.
"Sorry Tina, pero mukhang hindi ako pwede ngayon." Tanggi nito sa kanya.
"Bakit?"
"Kasi, nakatango na ako kay mommy na sasamahan ko siya." Ani Jake.
"Saan kayo pupunta ng mommy mo?" nagtatakang tanong ni Tina, dahil alam niyang hindi naman gawain ng nobyo ang sumama sa kanyang mama.
"Hindi ko alam sa mall yata, tapos dadaan pa yata kami kay tita Lulu dahil birthday niya." Ani Jake na napakamot ulo.
"Gano'n ba? So hindi ka talaga makakasama?" huling tanong ni Tina sa nobyo.
"Next time na lang siguro. Hayaan mo babawi ako sa'yo." Ani Jake at hinalikan muli si Tina.
"Sige, kung hindi ka makakasama di kami na lang." Ani Tina.
"Tina," muling tawag ni Jake ng tumalikod siya. "Baka hindi rin pala ako makapasok sa klase mamaya. Pakopya na lang ng notes."
Tumango na lang si Tina. Ang akala pa naman niya'y magbabago ang isipan ng nobyo.
Matapos ang pag-uusap nilang iyon ay nagpaalam na siya sa nobyo.
Ang pakiramdam ni Tina ay gumagawa lang ng dahilan ang nobyo para hindi ito makasama. Hindi naman kasi nito ugali ang sumama sa kanyang mama o kaya naman bumisita sa kung sinong kamag-anak. Sa pagkakakilala niya sa nobyo alam niyang gala ito at hindi ito napipirmi sa bahay. Kung hindi siya ang kasama'y malamang na mga barkada nito. Ang hindi lang niya alam ay kung bakit ayaw sumama ng nobyo at ano kaya ang dahilan nito
----------
Papauwi na ng bahay si Heidi ng may marinig siyang sigawan, at ng tanawin niya iyon, napansin niya na ang ingay ay sa kanilang lugar. Kinabahan siya ng makita niyang kumpul-kumpul ang tao at waring may pinapanood.
"Ate, si Aling Maria, nakikipag-away." Sabi ng isang batang babae na lumapit sa kanya ng makita siya.
Mabilis na tumakbo si Anna sa kanilang bahay at doon nga ay nakita niya ang kanyang ina na nakikipag-away sa kanilang kapit-bahay na si Aling Virgie.

BINABASA MO ANG
University Blues
RomanceAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.