Chapter Four: Love & Hate (Part 1)

1.6K 267 1
                                    

Mabilis ang takbo ng panahon.  Parang kailan lang ay kasisimula pa lamang ng kanilang klase, ngunit ngayon, isang linggo na lang ay Preliminary Exams na nila. 

     Busy ang magbabarkada.  Halos nawalan na ng time ang mga ito sa isa’t-isa.  Minsan sa isang linggo na lamang silang nagkikita, at group study pa ang ginagawa nila.  Pressured kasi sila dahil ito na ang huling sem nila sa kolehiyo, at apat na buwan na lang ay gagraduate na sila.

     “Hello?” si Tina matapos iangat ang telepono.  “Sino ‘to?’

     “Si Jake. ‘Musta na?”

     “Eto, nag-aaral, alam mo na naman mahirap ng hindi maapasama sa graduation.  Ikaw nag-aaral ka ba ng lessons mo.”

     “Nah!! Sakit lang ng ulo ‘yan.”

     “Ano ka ba Jake importante ‘to.” Pag-aalala nito sa nobyo.

     “Okay, alam ko.  Mahaba pa naman ang one week, Monday pa lang ngayon, I still have time to study.

     “Siguraduhin mo.”

     “For sure.  Promise.”

     “Okay.  Bakit ka nga pala napatawag?”

     “Iimbitahan sana kita, birthday kasi ni pareng Mike, magti-treat daw siya tomorrow ng gabi, and I want you to come with me.”

     “I’m sorry, Jake, hindi ba kasasabi ko lang na exams na next week? And for sure kapag sumama ako tomorrow, aabutin na naman tayo ng madaling araw niyan.”

     “So, hindi mo ako sasamahan.”

     “Not now, pakisabi na lang kay Mike, Happy Birthday.”

     “Okay.” Sagot ni Jake at agad na ibinaba nito ang telepono.

     Alam ni Tina na sumama ang loob ni Jake sa pagtanggi niya rito kaya ibinaba agad nito ang telepono ng hindi man lamang nagsasabi ng ‘I love you’ o kaya’y ‘bye’ man lang.  Ngunit hindi na gaanong inintindi ni Tina ang reaksiyong iyon ng nobyo, alam niya namang lilipas din ang sama ng loob nito sa kanya, at pagkaraa’y susuyuin rin siya nito at padadalhan ng kung ano-ano para lang ipakitang sincere ang paghingi nito ng tawad sa inasal niya.

     “Heids, tingnan mo kung sino ang nasa kabilang mesa.” Ani Patty at inginuso ang tao sa katabing mesa.

     Nilingon ni Heidi ang inginunguso ng kaibigan at nakita niya si Mr. Ariel Torres, ang pinakabagong batang propesor ng PolSci Department.

     Tinanguan sila nito ng mapansin silang nakatingin sa kanya.  Tango ng pagbati.  Kinawayan naman nila ito at nginitian.

     “Grabe guwapo pala si Sir Torres, sayang at hindi natin siya naging propesor.” Ani Heidi ng ngitian sila pabalik nito.

     “Ngayon mo lang napansin, matagal ko ng crush ang tukmol na ‘yan.”

     “Sa tingin mo may asawa na ‘yan.”

     “Ano ka ba? Kaka-graduate pa lang niyan sa college of law.  Nagpapahinga lang siya ngayon dahil next year ay magre-review na siya para sa bar exam.

     “Talagang alam mo friend ha?”

     “Siyempre, ni-research ko yata ‘yan.  Tinanong ko si Ma’am Charito tungkol sa background niya.”

     “Kilala ka ba niya?”

     “Sa mukha lang.  Kaya nga niya tayo nginitian kanina.”

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon