Chapter One: Acquaintance (Part 3)

2.3K 347 2
                                    

Nang matapos ang Acquaintance Party ay kinakabahan namang pumunta sa Political Science Head Office sina Elle at Patty upang kausapin si Mrs. Charito.

     “Pasok.” Sagot nito ng marinig ang kanilang katok.

     “Good evening po ma’am,” ani Elle na nakuha pang bumati.

     “Narito na pala kayo,” nakataas ang kilay nito ng makita sila.  “Alam naman ninyo siguro kung bakit ko kayo pinatawag.” Dugtong pa nito.

     Tumango ang dalawa.

     “Buweno, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, alam naman ninyo ang patakaran ng school.  This is a Christian Institution, naiintindihan naman siguro ninyo ang ibig kong iparating sa inyo.”

     Tumango na lang ang dalawa na hindi na sinubukang magpaliwanag pa.

     “I am really disappointed to you, Mr. Mago, officer ka pa naman ng young Men Christian association, but then, sa ikinilos mo kanina, mukhang unchristian iyon.” May galit na ang pagsasalita nito. 

     “Hindi na po mauulit.” Mahinang sagot niya rito.

     “At ikaw naman Ms. Santos, wala ka bang ibang alam na song para kantahin?”  You think, you’ve inspired the new students with that kind of song.”

     “Sorry po,” gaya ni Heidi.

     “I hope, you won’t get me wrong, gusto ko lang matutuhan niyo ang tamang kilos ng Kristiyano, sayang lang ang ginastos ng mga magulang ninyo ng ipasok kayo sa Christian Academy kung ganyan din naman ang mga kilos ninyo.  Pinasok kayo dito dahil kayo ang magiging mga future lawyers, ambassadors or politicians.  Sa tingin ba ninyo karespe-respeto ‘yang mga inugali ninyo?”

     “No ma’am,” sabay nilang sagot.

     “Siguro naman matanda na kayo, at may malalawak na kayong pang-unawa para maintindihan ang mga sinasabi ko.”

     “Opo,” maikling sagot ng dalawa sa mahabang pangaral na iyon ng guro.

     Mabuti kong gayon.  Buweno, gabing-gabi na, at kailangan na ninyong magsipag-uwi.  Makakaalis na kayo.”

     Sabay na tumayo ang dalawa at nagpasalamat kay Mrs. Charito at dahan-dahang lumabas sa opisina nito.

     Nang makalabas ang dalawa, hindi na nito napigilan ang mga sarili.

     “You are supposed to be future lawyers, ambassadors, politician,” panggagaya ni Heidi.  “Magiging isa ka ba sa mga binanggit na ‘yon.”

     “Don’t know.  Hindi siguro.”

     “Me too.”

     “Alam mo namang sobra talagang magsalita ‘yang gurang na ‘yan, akala mo kung sinong kristiyano kung magsalita.” Ani Elle.  “Kala mo hindi kurakot.”

     “Sinabi mo pa,” ani Heidi at sabay na naghagikgikan ang dalawa.

     Kausap ni Kit si Myles at si Ram, ang presidente ng PolSci Organization ng makita niya sina Tina at Jake na magkasamang naglalakad palabas ng Auditorium.

     “Tina,” sigaw ni Kit at kinawayan ang kaibigan upang lumapit.

     Hindi na rin naiwasang lumapit si Tina kasama si Jake.

     “Ram, hello.” Bati ni Tina sa kaklase na para bang ngayon lang sila nagkita.  Iniiwasan pa rin niya ang tumingin kay Myles.

     “Tinatanong ako ni Ram kung talaga raw bang tatakbo ka bilang presidente se Eleksiyon next week, hanggang bukas na lang kasi ang final day ng registration of candidacy, at nag file na raw siya, pero hindi raw niya nakita ‘yong name mo.” Pagpapaliwanag ni Kit.

     “Tatakbo ka ba?” panigurado ni Ram.

     “Oo, kinuha na kasi ako ng PolSci Ally para maging representative nila.” Sagot niya rito.   Ang totoo’y ayaw naman talaga niyang tumakbo ng pagka-presidente, pinilit lamang siya ng PSA na kumandidato para lang may representative sila.

     “So confirmed, well, may the best person win.” Ani Ram at iniabot nito ang kamay para makipag-shake.  “By the way, I would like introduce to you, Myles Poblete.” Pagapakilala ni Ram, at itinuro ang kaibigan.

     “Kilala ko na siya,” ani Anna. 

     “Oo nga, kilala ko na siya, kanina lang.” Ani Myles na nangiti.

     “Boyfriend niya si Jake, varsity player ng basketball.” Pagpapakilala ni Kit.

     “Jake Beltran, pare,” pagpapakilala nito.

     “Myles Poblete, sana makapag-basketball tayo minsan.”

     “Oo ba.”

     Matapos ang pagpapakilalahan, pinilit na ni Tina na umalis sila ni Jake, hindi na niya kasi kaya pang tingnan si Myles, parang hindi kasi magaan ang loob niya rito at ipinagtapat niya naman ito sa boyfriend. 

     “Anong nangyari sa inyo?” tanong ni Tina ng dumating na sa sasakyan kung saan sila magtatagpo ang kaibigang sina Heidi at Elle dahil napag-usapan nilang doon na sila matutulog kina Patty pagkatapos ng Acquaintance.

     “Ano pa ba ang aasahan mo sa gurang na iyon?” ani Elle.

     “Pinagsabihan kami, tayo raw mga polsci ang mga future lawyers, ambassadors or politicians.  Alin ka doon Kit?” tanong ni Heidi.

     “As if I know?  Tanong mo si Tina.”

     “Alam mo, pa-conservative pa ‘yang mudra nating ‘yan, hindi naman bagay.” Ani Tina.

     “Huwag naman kayong, ganyan, karapatan ni Ma’am na pagsabihan kayo.” Pagtatanggol naman ni Patty.

     “Okay, nagsalita na ang favorite ni Charito.” Pangungutya naman ni Elle.

     “Hindi ako favorite noon no!” defend agad ni Patty sa sarili.

     “Favorite ka no’n no.  Si Patty na mahinhin, si Patty na magalang, si Patty na Masunurin.  Wala na ngang ibang bukang bibig ‘yon kung hindi si Patty na mabait.” Pang-aasar pa ni Elle.

     “Ooops, okay tama na’yan.” Pigil ni Kit sa mga kaibigan.  Alam na kasi niya kung saan hahantong ang mga ganitong klaseng usapan.  Ayaw niyang nagbabangayan ang mga kaibigan lalo na si Patty at Elle dahil hindi talaga ito nagtitigilan sa pagsasagutan sa isa’t-isa, kapag nagkakaroon ito ng hindi pagkakaunawaan.  Minsan nga, iniisip niya kung paano sila naging magba-barkada gayong ang mga ugali nila ay talaga namang opposite with each other.

     “Tandaan niyo, hindi ako nag-uumpisa. Sumasagot lang ako sa mga sinasabi ninyo tungkol sa ‘kin.” Ani Patty aty itinuro ang sarili.

     “Ikaw naman kasi kapag may sinasabi sa’yo na di maganda, defend ka kaagad.  Hindi mo pa nga alam kung ano ang purpose kung bakit sinabi sa’yo ‘yon.  Hirap kasi sa’yo napaka-defensive mo.” Ani Elle.

     “Ako, defensive.” Nagtaas na ng boses si Patty.

     Dahil sa tingin ni Kit ay hindi pa rin matitigil ang sagutang iyon, pinilit niya uling patahimikin ang dalawa.  Dahil alam din nina Heidi at Tina kung saan mapupunta ang ganitong klaseng diskusyon, tinulungan na lang nila si Kit na pakalmahin ang dalawa.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon