Chapter Six: Confrontation (Part 3)

1.2K 198 0
                                    

     Pasado alas otso ng isa-isang dumating ang magbabarkada sa bahay nina Patty, maliban kay Kit.

     “Sigurado bang darating si Kit.” Tanong ni Tina.

     “Oo, nag-text siya sa ‘kin.” Si Patty.

     “Bakit hanggang ngayon, wala pa rin siya.” Tanong ni Elle na nakabihis pangbabae na naman.

     Sasagutin sana si Elle ni Tina ng bumungad sa harapan nila si Kit.  Hindi sila makapaniwala sa hitsura nito.  Ngayon lang nila nakitang ganito kaganda ang ayos nito.

     “Anong ginawa mo sa kaibigan ko.” Pagbibirong sabi ni Heidi.

     Ngumiti si Kit na labas ang dalawang biloy nito sa mukha.

     “Kit, ang guwapo mo ngayon.” Puri ni Patty.

     “Talaga, salamat.” Nakangiting sagot ni Kit.

     “Okay pala sa’yo kapag nag-aayos ng buhok.” Ani Tina.

     “Oo nga, at lalo kang pumuti sa suot mo.” Ani Heidi na napansin ang kulay brown at makintab nitong polo.

     “Siguradong pagtitinginan ka ngayong gabi.” Ani Tina.

     “Sa akin ka tatabi Kit, ako ang partner mo ha?” Ani Elle at lumapit ito sa kaibigan at pumulupot sa katawan.

     “Okay, Elle, huwag mo nang landiin ‘yang pogi nating kaibigan okay?” si Heidi.

     “Buweno, tama na ‘yan.  Tayo na ng masulit natin ang bawat oras. Okay?” ani Tina sabay kampay ng mga kamay.

     “Okay, let’s go.” Ani Elle at sabay hatak sa kaibigang si Kit.

    

     Naisipan ng magbabarkada na sa katapat na bar na pinagtatatrabahuhan ni Elle sila pumunta para maiba naman.

     “Okay, sige, magsipag-order na kayo.” Ani Elle ng makaupo na sila sa napiling table.

     Kinampay ni Heidi ang kamay upang tawagin ang waiter.  Agad namang lumapit ang waiter sa kanila ng tawgain niya at isa-isang pumili ang magbabarkada ng gusto nilang kainin.

     “Pagkatapos nating kumain, kakanta ako sa stage.” Ani Elle.

     “Hindi na kakaiba ‘yang gagawin mo Elle, parati mo namang ginagawa ‘yan kahit saan, kahit sa turo-turo lang na may videoke, go ka pa rin.” Natatwang sabi ni Patty.

     “Pero aminin natin, masaya ang barkada kapag nagna-nightlife tayo at kasama si Elle, kasi very energetic siya at siya lang talaga ang nakakagawa ng mga hindi natin inaasahang gagawin ng isang normal na taong gaya natin.” Natawang sabi ni Kit.

     “Ibig niyong sabihin, nakakhiya ako.” Ani Elle.

     “Hindi ah, ibig sabihin, ikaw talaga ang clown ng barkada, ikaw ang nagdadala ng party.” Ani Tina.

     “Actually, kayo ni Heidi.” Ani Kit.

     “Talaga, touch naman ako.” Ani Elle at isa-isang hinawakan ang mga kamay ng kaibigan.

     Gaya nga ng inaasahan, nagtawag ang vocalist ng banda ng audience upang magparticipate.  At siyempre, hindi nagpatalo si Elle.  Malakas ang loob nitong tumayo at pumunta sa harapan ng stage upang mag-perform.

     “Mukhang kilala Kita.” Sabi ng vocalist.  “Hindi ba ikaw ‘yung stand-up comedian sa kabilang bar?”

     “Oo, Bakit?”

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon