"Anak, naku tingnan mo ‘to ang gaganda diba?” Ani Aling Poleng at ipinaKita ang mga kumpul-kumpol na bra at panty sa anak.”
“Binili ho ninyo ‘yan?” nagtatakang tanong ni Tina.
“OA ka naman anak, saan naman ako kukuha ng pambili nito. Pangkain nga ninyong magkapatid wala. Tsaka saan ko naman gagamitin ang gabundok na bra at panty.”
“Eh saan ho galing ‘yan?”
“Kay Aling Marta, ipinabebenta. Ialok ko raw sa mga kakilala ko. Aba’y ikaw rin ha, magdala ka ng mga ito sa school ninyo at ibenta mo sa mga kaklase mo.”
“Nay naman, nagbibiro ba kayo.”
“Bakit, mukha ba akong nagbibiro?”
“Hindi ho ba ‘nay nakakahiyang magbenta ng bra at panty sa school.” Kunot-mukhang sabi ni Tina.
“Aba’y tama na muna ‘yang hiya-hiya. Malapit na naman ‘yang bayaran ninyo sa eskuwelahan at siguradong hihingi ka na naman sa ‘ki ng pambayad sa tuition, tapos uunahin mo pa ‘yang hiya mo. Kung hindi ba naman tayo iniwan ng gago mong ama….”
“Sige na ‘nay. Parati niyo na lang sinasabi sa ‘kin ‘yan.” Pagpuputol niya sa sinasabi ng ina.
“Aba’y totoo naman. ‘Yang ama mo lumayas at sumama sa babaing mukhang tuko, at iniwan ako para buhayin kayo. Aba’y anak pagod na pagod na ‘ko sa katatahi. Puro kalyo na nga ang mga paa ko sa ka papadyak ng makina. Tingnan mo.” At ipinaKita nito ang paa. “Ni hindi na nga ako makapagpa-pedicure dahil ‘yung ipangpapagawa ko sa paa ko, ibinibili ko na lang ng pagkaing ipapakain sa inyo.” Nagdadramang sabi ng kanyang ina.
“Opo, sige na po. Susubukan ko na pong magtinda niyan sa school. Pero kung walang mabili hindi ko po kasalanan.” Napilitang sumang-ayong sabi ni Tina upang matigil lamang ang pauli-ulit na sentimiyento ng ina.
“Aba’y siguraduhin mong may mabibili. Diba may klase kang pang-gabi ngayon. Magdala ka na niyan.”
“Po!” nagulat na sabi ni Tina.
“Huwag ka nang umangal.” At iniabot ng ina ang isang plasticng mga panindang bra at panty.
Ganoon nga ang nangyari, kinagabihan ay pumasok si Tina na bitbit ang isang bag ng plastic na may lamang iliilang pirasong bra at panty. Ipinasok niya ito sa loob ng maliit na sports bag upang hindi siya mahalata.
Tiyempo namang wala pa ang kanilang guro at tanging mga kakalase pa lamang niya ang naroon kaya nilapitan niya agad ang dalawang kaibigang babae.
“Aba’y may bag tayong dala ngayon ah?” tanong ni Heidi ng mapansin ang kaibigan na naka sports bag.
“Oo nga, anong naisipan mo, at nag-bag ka ng ganyan.” Tanong ni Patty.
“Mga friends, huwag sana kayong matatawa, pero may sasabihin ako sa inyo.” Nahihiyang sabi ni Tina.
“Ano ‘yon?” tanong ni Heidi.
“Lumapit kayo.” Hiling ni Tina. “Laman kasi nito mga bra at panty, pinatiTinada ni mama.” Bulong niyang sabi sa mga kaibigan.
Sabay na natawa ang dalawa sa ibinulong na ‘yon ng kaibigan.
“Talagang mahigpit ang pangngailangan ng mama mo.” Natatawang sabi ni Patty.
“Sinabi mo pa. Ano bibili ba kayo?”
BINABASA MO ANG
University Blues
RomanceAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.
