“Tina, ano ka ba, kausapin mo naman kami.” Ani Patty ng maabutan nila ang Kaibigan.
“Ang lakas ng loob ng lalaking ‘yan makipag-break sa ‘kin, hindi na nahiya.” Galit na sabi ni Tina.
“Alam namin, hayaan mo na lang, sobra-sobrang kahihiyan naman ang binigay mo sa kanya ngayon.” Natatawang sabi ni Kit.
“Oo nga, akalain mo ba namang sabihan mo siya na maliit ‘yung ano niya.” Natatawang sabi ni Heidi.
“Maliit nga ba talaga?” pagbibirong tanong ni Elle.
“Talaga!” ani Tina.
“Pa’no mo naman nalaman, nakita mo na ba?” tanong ni Heidi.
Saglit na natahimik si Tina. “Hindi. Pero nakapa ko na.” Malisyosa niyang sabi.
Sabay-sabay na nagtawanan ang barkada pero hindi si Tina. Ramdam pa rin niya ang galit sa ginawang panloloko sa kanya ni Jake. Pinagkatiwalaan niya ito, halos ibigay na niya rito ang lahat tapos gagaguhin lang pala siya nito.
“Bakit niya nagawa sa ‘kin to? Minahal ko siya ng todo-todo, tapos babaliwalain niya lang lahat. Ano bang pagkukulang ko sa kanya?” Madramang tanong ni Tina.
“Hindi ka namin masasagot ng tama diyan, pero kung opinyon ko ang tatanungin mo ginawa mo naman ang lahat. Sadyang makati lang talaga ‘yung Jake na ‘yon.” Ani Patty.
“Kaya kung ako sa’yo, kalimutan mo na siya, she don’t deserve you.” Ani Kit at inakbayan nito si Tina.
“I agree, wala talagang kuwenta ‘yon.” Ani Elle.
“You know Tina, I have something to confess. Noong isang araw ko pa gustong sabihin sa’yo to, humahanap lang ako ng pagkakataon. Since nangyari na naman ang lahat, sasabihin ko na rin, para mapaninidigan mo na ’yang desisyon mo. Para malaman mong tama lang na iwanan mo ang lalaking ‘yon.” Ani Heidi.
“Ano bang gusto mong sabihin, huwag mo nang paligoy-liguyin pa.” Ani Patty.
“Matagal ka nang ginagago ng Jake na ‘yan. Ikinuwento kasi sa ‘kin ni Mhel na noon pa palang maging judge si Jake ng Miss PolSci nagkaroon ng ugnayan sina Jake at Anne. Noong una hindi ako naniniwala, iniisip ko na baka sinisiraan lang ni Mhel si Jake dahil asar siya sa bofyriend mo, pero naKita mismo ng dalawang mata ko na sweet silang dalawa sa sinehan
“Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ni Tina.
“Because, as much as possible, ayokong manggaling sa akin ang mitsa upang masira ang relasyon niyong dalawa. Mas maganda na nga ‘yong ikaw ang nakatuklas ng katotohanan.” Ani Heidi.
“But, at least you should warn her..” si Patty.
“I agree, para noon pa nauntog na ‘yang kaibigan natin.” Si Elle.
“So you’re all blaming me?” si Heidi na tumaas ang boses.
“Okay, that’s enough.” Awat ni Kit. “We don’t have to argue about this.”
“Tama,” ani Heidi. “Pero kung nasaktan ka sa ginawa kong paglihim sa’yo Tina, I’m sorry.”
“Okay lang ‘yon, naiintindihan kita Heidi, alam ko namang iniisip mong pabor din sa ‘kin yung ginawa mo.” Si Tina.
“Oo,” ani Heidi at lumapit ito’t niyakap ang kaibigan.
Nagpasya ang magkaibigang Heidi at Patty na ihatid muna sa kanilang bahay si Tina dahil pakiramdam nila’y kailangan ngayon ng kausap ng kaibigan. Masakit yata ang pakiramdam ng hiwalayan. At sa mga mata ng kaibigan, kitang-kita nila rito ang pighating nadarama nito.
BINABASA MO ANG
University Blues
RomanceAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.
