Chapter Eight: Admiration (Part 1)

872 158 0
                                    

Kahit wala sa mood sina Tina at Patty ay napilitan pa rin silang sumali sa Grand Salubong. Kinakailangan kasi dahil required silang pumunta roon, at alam nilang hindi tatanggapin ni Mrs. Charito ang rason na sawi sila sa pag-ibig kaya hindi sila sasali.

Nagkalat ang nagtitinda ng bulaklak sa eskuwelahan. Isa ito sa mabulaklak na pakulo ng Mass Com Society.

"Tingnan mo Patty, marami rin naman palang guwapo sa Mass Com." Puna ni Heidi sabay turo sa mga nagdadaang kalalakihan.

"Hindi ba halos karamihan sa mga 'yan bakla?" ani Patty.

"Sinabi mo pa." si Elle.

"Hindi naman siguro. 'Yung iba diyan, ipinanganak talagang ambisyoso, gustong sumikat balang araw kaya naisipang 'yan ang kuning kurso." Si Kit.

Hindi na kumibo pa ang barkada sa sinabing 'yon ni Kit.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang mga pakulo ng Mass Com Society. Sa mga programa nila ay halatang hasang-hasa na sila. Ang mga participants nila, talaga namang bigay todo kung magperform.

"Totoo ba itong nakikita ko?" kinikilig na sabi ni Elle ng lumabas sa stage ang isang lalaking estudyante na talaga namang saksakan ng guwapo upang sumayaw.

Lahat ng kababaihan ay nagtilian ng makita ito.

"I Love You Mack!!" tili ng isang babaeng naroon.

"Sino siya? Ang galing naman niyang sumayaw. Ang sexy ng dating?" kinikilig na tanong ni Heidi.

"Si Macky 'yan. Half Chinese, pambato ng Mass Com sa darating na Mr. Campus, matalino rin 'yan." Ani Tina.

"Pa'no mo naman nalaman?" curious na tanong ni Heidi.

"Nakalaban ko na sa quiz bee yan noong isang taon."

"Tignan mo nga naman, may nilalang pala talagang sobra-sobra ang blessings. Bukod sa guwapo na, matalino pa." Si Heidi. "Sana ma-meet ko siya." Dugtong pa nito.

Napakalakas ng hiyawan at palakpakan ng matapos magsayaw si Macky. Sinundan pa ito ng magaganda pang special number na inihanda ng mga Estudyante.

Matapos ang programa ay napansin ng barkada ang hagikhikan mula sa kumpol ng mga kababaihan sa gilid ng auditorium. Nakita nilang naroon si Anne at may hawak na isang pulang rosas. Kinukuwento nitong bigay daw ang bulaklak na iyon ni Jake.

"Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yan, pinangangalandakan pang binigyan siya ng bulaklak ni Jake?" ani Heidi sa mga kaibigan sabay turo kay Anne na mayroong hawak na isang pirasong rosas.

"Pagbigyan mo na siya Heids, mukhang ngayon lang nabigyan ng bulaklak." Mataray na sabi ni Tina.

Nangiti naman ang barkada sa sinabing 'yon ni Tina.

"Ganyan ka dapat, maging matapang ka, hindi iyong puro emote." Ani Elle.

"Well I've learned my lessons well."

Habang nag-uusap ang barkada ay mayroong isang lalaki ang lumapit sa kanilang umpukan. Mayroon itong dala-dalang dalawang pulang rosas.

"Excuse me, sino si Tina Robles?" tanong nito sa kanila.

"Ako 'yon. Bakit?" nagtatakang tanong ni Tina.

"Sigurado kayong, kayo si Tina Robles." Paniguradong tanong nito sa kanya.

"Oo ako nga, bakit, hindi ka naniniwala?"

"Maniwala ka, siya 'yon." Sabad ni Elle.

"Naninigurado lang kasi may nagpapabigay sa'yo nitong bulaklak." Ani ng lalaki sabay abot sa kanya ang dalang bulaklak.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon