Chapter One: Acquaintance (Part 4)

2K 345 7
                                    

Ala-una na ng madaling-araw ng dumating ang magkakaibigan sa bahay ni Patty.  Walang ibang tao roon kundi ang katulong at yaya ni Patty.  Patay na kasi ang daddy niya at ang mommy naman niya ay lingguhan lang kung umuwi dahil masyado itong busy sa pag-aasikaso ng business nila.  At kapag umuuwi ito ay nagpapahinga lamang ito at pagkatapos ay aalis agad upang magtarabaho.

     Sinasabing may kakuriputan ang mama ni Patty at may kaistriktahan din pagdating sa pera.  Kahit na madalas ay ibinibigay rin naman ang luho niya. 

     “Kape tayo,” ani Patty at kinuha ang napakalaking tasa nito na kung titingnan ay parang isang mangkok.  Nakagawian na kasi ng barkada na iyon ang gagamitin nila.  Salo-salo sila sa pag-inom sa malaking tasang iyon habang nagtsitsismisan ng kung ano-ano, at kung sino-sino.

     “Kala ko ba hindi ka tatakbo sa Election?” tanong ni Elle sa kaibigan.

     “Mapilit kasi ang PSA, kailangan daw nila ng representative, eh ayaw na ni Marivic tumakbo dahil parati namang talo, kaya ako na lang ang pinilit nila.”

     “Gusto mo naman?” tanong naman ni Heidi.

     “Ayaw kong magpaka-plastic, first, ayaw ko, pero kung papalarin akong manalo, well, malaking bagay na rin iyon sa ikagaganda ng resume ko?”

     “Okay ka lang?” nabigla si Patty.  “Ang babaw mo rin.  Aba, kung mananalo ka, maraming opportunity iyon.”

     “Sobrang busy na kasi ako, ang dami ko ng ginagawa sa school, at kung manalo ako, well I have to give-up at least one of them.”

     “Hindi kaya si Jake ang magive-up mo?” panloloko ni Elle.  “Nilalantakan na kasi iyong biscuit, hindi man lang tayo tinitirhan.” Puna ni Kit sa nobyo ni Tina na nasa isang sulok at sinosolo ang pagkain.

     Natawa ito at lumapit sa kanila.

     “Oh Jake, kung manalo raw si Tina, ikaw daw ang igigive-up niya, sakit ka raw kasi sa ulo.” Pagbibiro ni Elle.

     “Oy, hindi ah!” ani Tina at niyakap ang nobyo na naghitsurang bata na parang inagawan ng pagkain.

     “Alam ko namang mahal na mahal ako nitong kaibigan niyo.” Ani Jake at hinalikan ang nobya.

     “Asus, parang totoo.” Makulit na si Elle.

     “Tumigil ka na Elle, baka mapika ako sa’yo, masipa kita.” Ani Tina na tumayo pa at ginaya ang isang scene sa pelikulang Matrix.

     “Ano iyan, Bruce Lee?” pang-aasar pa rin ni Jake.

     “Baliw, sa commercial ito ng Softdrinks no.”

     “Speaking of commercial, alam ba ninyo na may-audition ng deodorant, iyon bang Rexona sa Monday next week, at go ako sa audition.” Naalalang sabi ni Heidi.

     Nagtawanan ang barkada ng marinig ang sinabing iyon ni Heidi.

     “Ano ka ba naman, Heids, pati deodorant pinapatos mo?” natatawang sabi ni Patty.

     “Ewan ko ba sa babaeng ‘yan, wala man lang taste, kaya hindi ako magtataka kung isang araw, pati anti-fungal cream papatusin niyan.” Ani Elle.

     “Sobra ka naman, anong kala mo sa ‘kin hadhad, buni.  And besides, what’s wrong with the deodorant.  Iyon ngang babae doon sa commercial ng Rexona ministick hindi nahiya, ako pa.” Pagtatangol nito sa sarili.

     “Basta ako, Heids, always on your side.  Basta ikatutupad ng mga pangarap mo.” Ani Tina.

     “Me too,” ani Jake na yakap pa rin ang nobya.

     “Me three,” ani Kit.

     “Thank you,” madramang pasasalamat naman Heidi na nag-emote pa.

     “By the way, Heids, agaw eksena ka kanina habang kumakanta ‘yong new student?”  ani Patty.

     “Speaking of that guy,  Mga friends, ang guwapo sa malapitan.”

     “Guwapo ba ‘yon, ayaw ko ng gano’n sobrang puti, parang bakla.” Si Tina.

     “Hindi naman.” Si Heidi.

     “Tingin ko rin, Tina.  Biruin mo kasali sa Drama Class.” Si Elle.

     “Mgtigil ka nga diyan Elle.  Ang lakas nga ng tili mo pagkatapos niyang kumanta.” ani Kit.

     “Sexy kasi ng suot niya kanina.” Pag-amin naman ni Elle. 

     Matapos ang kuwentuhan ng magkakaibigan ay minabuti na nilang matulog.  Kailangan kasi nilang gumising ng maaga dahil kailangan pa nilang linisin ang kalat na iniwan nila sa Auditorium dahil gagamitin ito ng alas-diyes ng umaga para sa last registration day ng mga kakandidato para sa sari-sarili nilang organisasyon.  Tuwing last day kasi nagpaparehistro ang mga gustong kumandidato.  Mga paimportante kasi gusto kasi munang malaman kung sino ang mga magiging kalaban nila sa posisyon.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon