"Kit nasaan ka na ba?" buwisit na tanong ni Tina sa sarili ng makitang si Myles pa lamang ang nasa Opisina ni Mrs. Charito.
"Where is Kit?" tanong ng matandang propesora sa kanya.
"Paparating na po iyon, may dinaanan lang po siguro." Sagot niya.
"Ma'am Charito, pinatatawag po kayo ni Dean." Sabi ng isang babaeng pumasok sa opisina.
"Sige, susunod na ako." Sagot ng babaeng propesora at tumayo ito upang puntahan ang Dean na nagpapatawag sa kanya. "Sige, mabuti pa magsimula na kayo ng hindi masayang ang oras ninyo. Babalik rin ako kaagad."
"Ano ba namang buhay 'to?" Ani Tina makaraang makalabas ng opisina niya si Mrs. Charito.
"Wala akong panahon makipag-away sa'yo ngayon." Nakakunot ang noong sabi ni Myles ng marinig ang sinabing 'yon ni Tina.
"Bakit. sino bang may sabing makikipag-away ako sa'yo?" galit na sabi ni Tina rito.
"Wala, pero hindi ba warfreak ka?"
"Sinong war freak, ako?"
"Sino pa ba?"
"Tingnan mo 'tong ugok na 'to. Kasasabi lang na hindi siya makikipag-away sa 'kin, pero inuumpisahan na." Nanggigigil na sabi ni Tina.
"Alam mo, Tina, hindi ko alam kung Bakit nagagalit ka sa 'kin. Wala naman akong ginagawa sa'yong masama. Palagay ko may gusto ka sa 'kin, no? Ano? Aminin mo na." Pang-aasar nito sa kanya.
Nagpantig ang tenga ni Tina sa narinig. Hindi siya makapaniwalang makakayang sabihin ito sa kanya ni Myles.
"Ang kapal din naman ng mukha mo." Galit na sabi ni Tina. "Anong feeling mo. Guwapo ka? Excuse me, mukha kang butiki, payatot."
"Butiki pala, pwes, ikaw, mukha ka namang saging, diretso, walang kakorte-korte ang katawan."
"Saging pala." Nanggigigil na sabi ni Tina sabay kuha ng kanyang shoulder bag at akmang ihahampas ito kay Myles ng biglang bumukas ang pinto na naging sanhi upang hindi niya maituloy ang paghamapas rito.
"Sorry, nahuli ako." Ani Kit.
"Buti naman at dumating ka na, kanina pa ako hinaharass nitong kaibigan mo." Si Myles.
Napangiti si Kit sa sumbong na iyon ng lalaki. "Tumigil nga kayo, ang tatanda niyo na, pero kung umasta kayo para kayong mga bata."
"Gago kasi 'tong butiking 'to." Si Tina.
"Tama na." Ani Myles na napansing walang balak pa ring tumigil sa pang-aasar si Tina.
"Bakit naman kasi ngayon ka lang." Si Tina.
"May natanggap kasi akong sulat kanina galing sa pinag-applyan kong Law Firm bilang clerk. At pinatatawag nila ako, kaya tumawag muna ako."
"Ang ibig mong sabihin, may trabaho ka na?" masayang sabi ni Tina.
Tumango si Kit at ngumiti.
"Congratulations!" masayang sabi ni Tina sa kaibigan sabay niyakap ito. "Pano ba 'yan, manlilibre ka mamaya."
Nang matapos nga ang klase ay napilitang ilibre ni Kit ang buong barkada sa paborito nilang fishball stand sa labas ng eskuwelahan.
"Buti naman Kit at nagkatrabaho ka na." Si Patty.
"Sinabi mo pa. At take note, sa isang law firm pa." Si Tina.
"Di talagang mahahasa ka niyan, mas madali ka nang makaka-relate sa pinag-aaralan natin." Si Elle.
"Wala na talaga Kit, nakikinita-kinita ko na na five years from now, meron na kaming classmate na isang abogado." Si Patty.
"Attorney..." pang-aasar ni Tina sabay kiliti sa kaibigang si Kit.
"Sana..." Nangingiting sabi ni Kit sabay cross finger.
"Parang si Heidi." Natatawang sabi ni Elle.
"Gago." Halos mabilakuan sa iniinom niyang sago si Heidi.
"Di ba nga sabi mo, hiniram ka na ng nanay mo ng book, di ibig sabihin prepared ka ng pumasok ng law school after graduation." Si Patty.
"Ay naku, oo Pat, handang-handa na ako, katunayan nga nag-apply na ako. Kayang-kaya ko kasi ang law school." Asar na sakay ni Heidi sa usapan. "College pa nga lang, migraine na ang abot ko dahil sa hirap ng mga major subjects, tapos magka-college of law pa ako, baka brain tumor na ang makuha ko niyan." Dugtong niya.
Nasa gitna ng kanilang tawanan ang barkada ng biglang may humintong isang magarang sasakyan sa tapat nila.
"Tina." Sigaw ng lalaki mula sa loob ng sasakyan.
Nagulat si Tina sa tawag na narinig at nilingon niya ito.
"Macky." Mahinang sabi ni Tina habang nakangiti itong nakatingin sa kaniya.
Bumaba ito ng sasakyan at lumapit sa kanyang may bitbit na malaking stuff toy.
"Para sa'yo." Nakangiting inabot ito sa kanya.
Nagtinginan ang buong barkada. Manghang-mangha sila sa kanilang nakikita.
"Sa akin." Nagtatakang tanong ni Tina ng abutin ang stuff toy na ibinibigay sa kanya.
Tumango si Macky.
"Bakit mo naman ako binigyan ng ganito?" nagtataka ngunit may halong kilig niyang tanong sa lalaki.
"Wala lang, gusto ko lang, hindi naman kailangan may okasyon para magbigay ng isang reagalo ang isang tao." Sagot nito.
"Oo nga naman. Thank You, ha." Iyon na lamang ang nasabi ni Tina.
"You're welcome." Nakangiti nitong sagot sabay talikod at sumakay sa kanyang sasakyan, at agad itong pinaandar.
"I smell romance." Kinikilig na sabi ni Heidi ng makitang malayo na ang sasakyan.
"Mukhang mabubuhay muli ang puso ng ating kapatid." Nakangiting sabi ni Elle.
"Sana?.." kinikilig namang sagot ni Tina.
Napatili si Heidi sa narinig. Tama nga ang hinala niya, may pagtingin rin ang kaibigan niya sa guwapong si Macky.
Kinagabihan, halos hindi makatulog si Tina dahil sa kaiisip ng nangyari kanina. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya. Yakap ang stuff toy na ibinigay sa kanya ni Macky, pilit pa rin niyang tinatanong ang sarili kung bakit siya nito binigyan ng stuff toy kahit obvious namang ang dahilan ay may gusto ito sa kanya. Ayaw niyang siya mismo ang magbigay ng dahilan dahil baka nga naman mali ang iniisip niya't mapahiya pa siya.

BINABASA MO ANG
University Blues
RomanceAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.