Chapter Nine: Knowing You (Part 2)

669 105 0
                                    

    “Tina!” tawag ni Macky sa kanya habang naglalakad silang barkada sa hallway ng school.

     “Bakit Macky?” tanong ni Tina ng makalapit ito sa kanya.

     “May Party kasi ako sa bahay, gusto ko sana ikaw imbitahin.”

     “Ha?”

     “Sige na please, kung gusto mo sama mo na rin yung barkada mo para pumayag ka.”

     “Yun naman pala, kasama kami, sige na pumayag ka na Tina.” Si Heidi.

     “Don’t worry, marami akong iba pang PolSci na inimbita kaya siguradong hindi ka mabobored.”

     “Di mas okay ‘yon.  Sige sasama kami.” Si Elle.

     “Sige na nga.” Sumang-ayon na rin si Tina.

     Alas otso ng gabi ng magkita-kita ang barkada upang sabay-sabay ng pumunta sa bahay ni Macky.  Todo porma ang lima lalo na si Elle.

     “Sigurado akong kukuha ka na naman ng eksena doon Elle.” Si Patty.

     “Sinabi mo pa.”

     Sa labas pa lamang ng bahay ay ramdam na nila ang sigla ng party.  Ang malakas na Music sa loob, at ang mga anino ng napakaraming tao.  Gaya nga ng inaasahan, pagpasok pa lamang ng lima sa party ay si Elle na agad ang napansin.  Naging sentro siya ng bulung-bulungan.

     “I’m glad dumating ka.  And you look great.” Si Macky ng makita si Tina.

     “Well.”

     Saglit na nagpaalam sa kanila si Macky at pumunta ito sa gitna ng pagtitipon.

     “Friends, we’re happy to announce na narito na ang delegation ng PolSci Society.”

     Palakpakan ang mga tao roon at rumampa naman sa gitna si Elle na lalo pang nagpahiyaw sa kanila.

     “So I think, it’s time to party.” Sigaw ni Macky at sinabayan pa ito ng malakas na tugtog ng isang dance song.

     At ang lahat ng mga tao roon ay pumagitna at nagsipagsayawan.

     “This is great.” Si Elle habay biglang todo ang pagsasayaw.

     Matapos ang kanilang sayawan ay saglit na nagpahinga ang mga tao roon kasama na rin ang barkada.

     “Well, hindi pwedeng nakatunganga lang tayo dahil napagod tayo sa kakasayaw, kailangan pa rin nating magsaya, that’s why I am giving you, the Daydreamers.”

     Nagpantig ang tenga ni Tina sa narinig.  “Daydreamers, banda ni Myles ‘yon.” Sabi niya sa sarili.

     At hindi nga siya nagkamali, banda nga ni Myles ang Daydreamers na tinukoy ni Macky.  Malakas ang hiyawan ng mga tao ng lumabas sila.

    “Oh my God, he is getting cuter everyday.”  Tukoy ni Elle kay Myles ng lumabas ito suot ang sleeveless at fitted na damit kita ang maskulado nitong bisig at bakat ng katawan.

     Maingay ang unang tugtog ni Myles.  Isa kasing Linkin Park song ito.  Palakpakan naman ang mga tao ng marinig ito at sinabayan pa nila ito, maliban sa barkada na hindi ganoon ang tipo ng musikang pinakikinggan.  Sinundan naman ng isang Rock love song ang maingay na awiting iyon.

     “May I dance with you.’ Ani Macky ng lapitan nito si Tina sa isang sulok.

     Noong una’y gusto sanang tumanggi ni Tina ngunit dahil nahihiya naman siya at para matigil na rin ang kantiyaw sa kaniya ng barkada ay sumang-ayon na rin siya.  Ipinunta siya sa gitna ni Macky.  Doon, bukod tanging sila lang ang nagsasayaw.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon