Chapter One: Acquaintance (Part 2)

2.8K 358 0
                                    

Alas-siyete na ngunit hindi pa rin nagsisimula ang Acquaintance Party bagama’t halos lahat na ng mga estudyante ng Poliotical Science, mula first year hanggang fourth year ay naroon na.

     “Elle, nasaan ka na ba?  Buwisit talagang bakla ‘to.” Galit na si Tina dahil hindi pa rin dumarating ang kaibigan na siyang magsisilbing host ng naturang kasiyahan.

     “Kapag hindi pa siya dumating within five minutes, kayo na Kit at Patty ang bahalang mag-host.” Ani Heidi.

     Tumango naman ang dalawa.  Sanay na rin naman silang mag-host, iyon nga lang sa mga Quiz Bee Competition sila nakukhang host dahil sa galing nilang mag-salita ng English hindi tulad ni Elle na sa ganitong klaseng mga okasyon kinukuha dahil nakaktuwa ito sa pagiging emcee dahil nga bakla.

     “Sorry I’m late,” paumanhin ni Elle na sa wakes ay dumating na rin. 

     Halos hindi makapaniwala sina Tina, Patty, Heidi at Kit sa kanilang nakikita.  Si Elle, nakasuot ng gown na mayroong mahabang slit.  Pina-straight pa nito ang kulot na buhok kaya naman naging kahawig nito si Jamby Madrigal.

     “Buwisit kasi iyong bakla sa parlor.” Pagpapaliwanag pa nito.  “Sabi ko chestnut, ang kinulay sa buhok ko, red brown.” Dugtong pa nito.

     “Okay ka lang Elle?” tanong ni Tina.  “Sa tingin mo papayagan ka nina Ma’am Charito.” Pag-aalala nito dahil sa suot na iyon ni Elle.  Hindi nga naman puwede ito sa Christian Academy na ‘yon.

     “Oo nga Elle, alam nilang bakla ka pero below the belt na ‘yan.” Ani Patty.

     “Hay naku, carry lang ‘to, akong bahala.” Confident na sabi ni Elle na hindi man lamang nakitaan ng takot sa mukha.

     “Bahala ka, sige pumunta ka na sa stage para ma-umpisahan na natin ng hindi tayo gabihin.” Ani Tina.

     Walang hiyang lumakad si Elle patungo ng stage.  Nakuha pa nitong dumaan sa gitna at pakaway-kaway pa kaya naman hiyawan ang mga estudyanteng naroon sa auditorium lalo na ang mga kalalakihan na nakakakilala kay Elle.  Mayroon pa ngang sumisipol dito habang naglalakad, habang ang iba naman ay walang humpay ang pagpalakpak.

     “I love you Elle!” sigaw ng isang lalaki ng nasa stage na siya.

     “I love you too.” Sagot naman ni Elle na gamit ang microphone.  “We are now going to start the party.”

     At nagsimula na nga ang kasiyahan.  Dahil kakaunti lang naman ang miyembro ng Political Science Organization ng Academy na iyon, wala pa sa isang daan, isa-isang nagpakilala ang mga estudyante sa harapan.  Nauna ang mga bagong estudyante, hanggang sa mga senior student.  Nagkaroon din sila ng konting palaro na sinalihan naman halos ng mga kasapi ng organisasyon.  Matapos iyon ay naghanda na sila para sa kanilang dinner.

     Upang bigyan ng kasiyahan ang mga estudyanteng naroon, nagpasinaya ng isang special number si Elle na nagpalit pa ng damit upang gayahin ang idolong si Mariah Carey.  Ni lipsync nito ang awitin ni Mariah na “Emotions”, habang pati ang mga kilos at galaw ng kamay ng idolo ay kopyang-kopya. 

I feel good, I feel nice

I’ve never been so satisfied

I’m in love, I’m alive

Intoxicated, flying high

     Binigla naman ni Heidi ang mga kapwa estudyante ng lumabas ito ng stage ng nakasuot ng maikling short at hanging na damit na kita ang pusod upang mag-perform ng isang special number.  Lalo pang nabaliw ang mga tao roon ng ang kantahin niya ay ang awitin ni Madonna na “Like A Virgin”.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon