Masayang binabasa ni Heidi sa may upuan sa loob ng mall ang magazine na binili niya kung saan cover ang idolo niyang si Judy Ann. Iyon lang ang ipinunta niya roon, ang magazine. Kahit kapareho lang ang laman ng interview sa magazine na ‘yon sa iba pang laman ng bagong labas na magazine na ang idolo rin ang cover ay hindi pa rin siya nagsasawa.
Sinadya niyang mag-isa lang talagang pumunta ng mall para bumili ng magazine dahil kung magpapasama siya sa mga kaibigan ay katakot-takot na kantiyaw na naman ang aabutin niya sa mga ito.
Nasa kalagitnaan siya pagbabasa ng makarinig siya ng pamilyar na boses ng isang lalaki..
“Okay sorry!” sabi nito.
Hinanap niya ang may-ari ng boses at hindi nga siya nagkamali, boses nga iyon ni Mr. Torres. May kasama itong babae at sa hitsura nila ay parang mayroon silang pinag-aawayan.
Itinaas ni Heidi ang magazine upang matakpan ang kalahati niyang mukha at muli niyang ibinaling ang mga mata sa binabasa. Ngunit wala na rito ang konsentrasyon niya kundi sa dalawa.
“I’m sorry? Parati ka na lang sorry. Sorry na lang ng sorry. Sawa na ako.” Mahinang sabi ng babae ngunit ramdam ang galit sa tono ng pananalita nito.
“Charize!” tawag ng propesor niya sa kausap ng babae.
Muling ibinaling ni Heidi ang mga mata sa dalawa at nakita niyang lumalakad palayo ang babae habang paulit-ulit itong tinatawag ng propesor. Bakas sa mukha nito ang lungkot ngunit hindi naman ito humabol, sa halip ay naglakad ito palapit sa hilera ng mga upuan malapit sa kinaroroonan niya. Ilang sandali pa ay napansin ni Heidi na umupo ito isang silya ang pagitan sa kinauupuan niya. Agad nakaramdam ng kaba si Heidi. Yumuko siya upang hindi nito makilala. Muli niyang ibinaling ang mata sa magazine.
Ngunit sa posisyon niyang ‘yon ay lalo siyang napansin ni Mr. Torres. Hindi na siya nagulat lingunin niya ito at makitang nakatingin ito sa kanya.
“Kanina ka pa ba rito?” tanong ng propesor.
“Medyo po sir.” Pagtatapat niya.
“So nakita mo ‘yong nangyari sa ‘min no’ng kasama ko kaninang babae?”
Tumango si Heidi. “Girlfriend niyo sir?” tanong niya.
“Sana, girlfriend ko pa?”
Gusto sanang itanong ni Heidi kung ano ang dahilan ng pinag-awayan g kanyang propesor at ng girlfriend nito ngunit naunahan siya ng hiya. Sa loo-loob niya, bakit nga naman niya papakialaman ang buhay ng kanyang propesor.
“Kumusta ka na nga pala?’ pag-iiba sa usapan g kanyang propesor. Tinutukoy nito ‘yong insidente sa canteen.
“Okay na sir.”
“Mag-isa ka lang?”
“Yes sir. Hindi pa kasi dumarating ‘yong barkada ko.”
“May klase ka ba?”
“Mamaya pang three sir.”
“Ako rin, mamaya pang three. Manonood sana kami ng girlfriend ko ng sine dahil may dalawang oras pa naman, kaso nakita mo naman ang nangyari. Sayang nga ‘tong ticket na binili ko.” Ani Mr. Torres at ipinakita sa kanya ang dalawang ticket na hawak.
“Sayang nga ‘yan sir.”
“Mahilig ka ba sa Horror?”
“Mahilig sir, bakit?” nagtataka niyang tanong.
BINABASA MO ANG
University Blues
RomanceAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.
