“Tina, anak, parine dali.” Tawag ni Aling Poleng sa anak.
Nang marinig ni Tina ang tawag ng ina ay agad niya itong nilapitan. “Ano po ‘yon mama?”
“Aba’y may sulat ka.” Sabay abot sa anak ng sobre.
“Invitation po pala ito mama.” Ani Tina ng makita ang laman ng sobre.
“Galing kanino?”
“Galing po kay Charlotte. Ikakasal na po pala siya.”
“Ganoon ba? Hindi ba kasing edad mo lang ‘yon?”
“Nabuntis po kasi siya ng boyfriend niya. Eh alam niyo naman kung ano ang ugali ng tatay niya, si Mang Jerry. Hindi po papayag ‘yon na hindi siya pananagutan.”
“Yan na nga ba kasi ang sinasabi ko sa mga kabataan ngayon. Pag-aaralin ng magulang, pero, ano? Kung ano-anong milagro ang gagawin, tapos babalik ng bahay na may laman ang tiyan. Kaya ikaw anak, sana lang tapusin mo muna ‘yang pag-aaral mo, tulungan mo muna kami ng mga kapatid mo bago ka lumandi.” Pangangaral ng ina.
“Huli naman kayo magpangaral ma, ilang buwan na lang gagraduate na ako..”
“Mabuti na ‘yong kahit na huli eh, nasabi ko pa rin sa’yo.”
“Huwag kayong mag-alala mama, takot pa sa ganoong commitment si Jake.”
“Tama lang ‘yon. Pag-aaral muna. Maiba ako, kailan ba ‘yan, pupunta ka ba diyan?”
“Sa susunod na Linggo na po, at siyempre pupunta po ako. RSVP daw ito at sayang din ang pagkain.”
“Ganoon ba? Basta huwag mong kakalimutan mag-uwi.”
“Mr. Mago, pasalamat ka at sumabit ka pa.” Ani Ms. Gutierez sabay abot kay Elle ng testpapaer.
“Thank God.” bulong niya sa sarili matapos makitang nakakuha siy ng 76 sa Physics.
Umaliwalas ang kanina niyang kunot na mukha, sa wakas ay naipasa na rin niya ang exam. Pangalawang kuha na niya ng Physics, at noong nakaraang semester ay hindi man lang niya naipasa kahit isa man lang sa mga exams nila.
“I’m telling you Mr. Mago, with a score like that, you should not be happy. We still have two more exams left. At kung hindi mo mamaintain ‘yan, I’m sorry but you might never be in the next graduating list. Tandaan mo, nagawa ko nang ibagsak ka, at hindi ako mangingiming gawin uli sa’yo ‘yon sakaling magloko ka uli.” Mataray na sabi ng matandang dalaga niyang propesor.
Saglit na napalitan ng kaba ang kaninang naguumapaw sa saya niyang puso. Nakakatakot naman talaga kasi ang banta ni Ms. Gutierez.
“Bruhang ‘to. Imbis na palakasin ang loob ko, tinatakot pa ‘ko.” Sabi niya sa sarili. “Huwag po kayong mag-alala ma’am, gagraduate po ako.” Nakangiti niyang sabi sa propesor na halatang pinag-iinitan siya.
Gayunpaman, kahit na natakot sa banta ng propesor, excited pa rin niyang pinuntahan ang mga kabarkada na nag-iintay sa kanya sa canteen para i-share ang magandang balita.
“Si Heidi?” tanong ni Elle nang mapansing kulang ang barkada.
“Hindi ko alam, kakarating lang namin ni Kit." Si Patty.
“Hindi ko rin alam, hindi niya ako pinuntahan sa Registrar.” Ani Tina kung saan Student Assistant ito.
“Bakit ba?” excited na tanong ni Kit.
BINABASA MO ANG
University Blues
RomanceAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.
