Chapter Nine: Knowing You (Part 3)

757 103 7
                                    

     “Hello?” ani Patty ng magising siya sa tunog ng telepono sa lamesa sa gilid ng kanyang kama.

     “Patty, si Heidi ‘to.  May gagawin ka ba pagkatapos ng klase natin?” ani Heidi sa kabilang linya.

     “Wala naman.”

     “Pwede bang samahan mo ako? Ngayon kasi iyong audition sa shampoo commercial.”

     “Gano’n ba?  Sige.”

     “’Yan, hihintayin kita ha?”

     “Okay.”

     Tuwang-tuwa na ibinaba ni Heidi ang telepono at agad tumingin sa salamin.  Maka-ilang beses din siyang nag-pose sa harap nito, at kung ano-anong klaseng pagpapa-cute ang ginawa nito.

     Matapos nga ang klase ay nagkita-kita ang barkada.

     “Ano, shock ka pa rin sa nangyari?” tanong ni Elle kay Tina.

     “Sinabi mo pa.  Sana nga hindi na ako pumasok ngayon.  Nakakahiya talaga.  Lahat ng makasalubong ko, nakatingin sa ‘kin.  Hindi ko alam kung naiinggit sila o kaya naman’y nandidiri.”

     “Naku Tina, naiinggit lang ang mga ‘yon sa’yo.  Ikaw Heids, matapos mong limasin ang katawan ni Macky, may pagbabago ka bang naramdaman sa paligid mo?” si Elle.

     “Wala naman, gano’n lang naman ako, sa simula lang ako natatakot, pero kapag tumagal na, parang, wala lang.  Tiyaka, mas binibigyan ko ng atensiyon ngayon yung audition na pupuntahan ko mamaya.”

     “Oo nga pala, ngayon ang audition mo.  Ano, prepared ka na ba?” si Kit.

     “Okay lang, medyo nininerbiyos pero okay lang.”

     “So, paano. Goodluck na lang.” Si Kit.

     “Good luck.” Sabay-sabay na sabi ng barkada.

     “Thank you,” nakangiting sabi ni Heidi sa mga kaibigan nang tumunog ang kanyang cellphone, may message.

     “Good luck, kaya mo ‘yon.  Just give your best shot.”  Iyon ang message na nakalagay roon, galing kay Mr. Torres.

     “Eeeh!!” tili ni Heidi ng mabasa ang message.  “Guys, tingnan niyo.” Pagmamayabang nito sa mga kaibigan at ipinabasa ang mensaheng natanggap.

     Sabay-sabay na nagtinginan ang magkakaibigan matapos mabasa ang message na natanggap ng kaibigan.

     “Girl, may relasyon ba kayo, parati ka kasing nakaktanggap ng sweet message kay Mr. Torres.”

     “Sana, pero wala, sweet lang talaga siya…. Sana nga may relasyon kami.”

     Matapos ang pagtitipon nilang iyon ay nagpaalam na isa-isa kay Heidi ang barkada maliban kay Patty na siyang sasama sa kanya sa Audition.

     “Alam mo Pat, matagal kong pinaghandaan ‘tong audition na ‘to.” Ani Heidi sa kaibigan.  “Hindi mo lang alam kung magkano ang nagastos kung pera sa kabibili ng shampoo, mapaganda lang ang buhok kong ‘to para sa audition na ‘to, kaya naman, talagang madidis-appoint ako kung hindi ako mapipili sa isa sa tatlong kukunin nila.” Dugtong pa nito.

     “Basta friend, just do your best.” Payo ni Patty.

     Nang huminto na ang taxi sa agency kung saan gaganapin ang audition, bakas sa mukha ni Heidi ang kaba ngunit pilit pa rin niyang ipinakikita kay Patty na confident siya.  Iyon kasi ang alam ng barkada sa kanya, makapal ang mukha niya, hindi siya mahiyain.  Kung ano ang gusto niyang gawin, kesehodang may masagasaan basta alam niyang totoo at makabubuti sa kanya, gagawin niya.  Kaya naman kung ipakikita niya sa kaibigan ngayon na nininerbiyos siya, malamang na biruin lang siya nito.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon