Chapter Seven: Broken Promises (Part 1)

977 168 0
                                    

     Palabas na ng bahay si Patty upang pumasok sa eskuwela ng may kumatok sa kanilang pintuan.

     “Andiyan na!” sagot niya rito at tinungo ang pintuan upang buksan.

     Isang may kaputiang lalaking may magandang pangangatawan na pamilyar ang mukha ang bumungad sa kanyang harapan.

     “Surprise!” nakangiting sabi nito.

     “Aki, ikaw ba ‘yan?” Hindi siya makapaniwalang tanong sa kausap.

     Tumango ang lalaki at nginitian siya.

     “Aki!” malakas ang kanyang tili.  “Kailan ka pa dumating?” excited na tanong niya rito habang pinapapasok ito sa kanilang bahay.

     “Kararating ko lang kaninang 5 a.m., naisipan kong puntahan muna kita bago ako pumunta sa bahay ni Auntie Mae sa kabilang street.” Anito na nakangiti pa rin.

     “Kamusta ang States, sina Tita Gina?”

     “Iyon, okay lang.  Sina mommy?  Wala pa ring balak magbalik-bayan.”

      "Look at you, ang gwapo mo ngayon.  At tumangkad ka ha.” Ani Patty na hindi pa rin makapaniwalang nasa harapan niya ngayon ang dating boyfriend na malaki ang ipinagbago ng hitsura. Noong sila pa two years ago, tigyawatin ang mukha nito, payat, at baduy kung pumorma, pero ngayon kabaliktaran na.

     “Gano’n ba?  Hiyang lang siguro.”  Sagot nito.  “Ikaw nga rin, lalo kang gumanda.  Medyo mabigat ka na.” Nakangiting sabi nito sa kanya.

     “Bolero ka pa rin.” Natatwang sabi ni Patty.

     “Buweno, mukhang naabala Kita.  May lakad ka yata.”  Ani Aki ng mapansin ang suot nitong damit at dalang bag.

     “Oo, may klase ako ngayon.” Pagtatapat niya rito.

     “Gano’n ba?  Hanggang anong oras, gusto kasi kitang makausap?”

     “Hanggang nine p.m..”

     “Nine?  Bukas..?”

     “Mga Six..”

     “Six?  Good…  Bakit hindi kaya mag-dinner tayo.  Sunduin Kita bukas ng  seven dito.  Okay lang ba sa’yo ‘yon?”

     Natigilan si Patty.  “Okay.” Iyon lang ang nasabi niya.  Hindi kasi siya makapaniwalang muli silang magkakausap ng dating nobyo na parang okay lang ang lahat. 

     “Okay, seven?” panigurado ni Aki kay Patty.

     Tumango si Patty, “Seven.”    

     Hindi pa rin makapaniwala si Patty na nasa Pilipinas na si Aki.  Iniisip niya ‘yon habang patungo siya sa eskuwelahan.  Parang kailan lang, nang iwan siya ng dating nobyo at magdesisyong pumunta ng Amerika upang makasama ang pamilya.  Masakit sa kanya ang ginawa nito sapagkat wala silang formal break-up.  Hindi man lamang ito sa kanya nag-paalam bago ito umalis.  Basta na lamang nagising siya isang umaga na wala na siyang nobyo.

     Ano kaya ang dahilan ng pagbalik nito sa Pilipinas?  Upang humingi ng tawad?  O, kaya upang balikan siya?  Iyon ang mga katanungang gumugulo sa kanyang isipan ngayon. 

     At bukas nga ng alas-siyete, malalaman niya ang kasagutan.  Tiyak na emosyonal ang kanilang pag-uusap bukas.

     Naroon na ang barkada ng dumating si Patty sa eskuwelahan.  Nakatambay ito sa may waiting shed at hinihintay siya.

     “Buti naman at dumating ka na.” Ani Heidi ng makita siya.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon