Chapter Seven: Broken Promises (Part 3)

1K 168 0
                                    

     “Relax ka lang, huwag kang nerbiyosin, maaayos din ang lahat.” Ani Heidi sa kaibigan ng makita itong medyo kinakabahan at nalilito sa pagpili ng damit na susuotin.

     “Pasiyensiya ka na Heids, pero two years din kasi kaming hindi nagkita, at gusto kong makita niya ako sa pinaka-best ko.”

     “But you have to be yourself.”

     “Alam ko ‘yon, pero take this in to consideration, ngayon lang uli ito mangyayari, hindi ko alam kung may kasunod pa ito.”

     “Sabagay, may katwiran ka.  Pero, ano nga ba ang purpose ng date niyo ngayon?”  tanong ni Heidi.

     “Baka mag-uusap lang kami, hindi ko alam, pero I hope this will work out fine.”

     “May pagtingin ka pa rin sa kanya, ano?

     Saglit na tumingin si Patty sa kaibigan at ngumiti.

     “Alam mo Heids, I’m going to be honest, after two years, feeling ko kahit katiting hindi nabawasan ang pagtingin ko sa kanya, kahit pa iniwan niya ako ng walang paalam.” May lungkot sa mukhang sabi ni Patty.

     Wala nang nasabi pa si Heidi sa sinabing iyon ni Patty.  Ayaw niyang kontrahin ang kaibigan, ayaw niyang maapektuhan ang labis na kasiyahang nadarama nito ngayon kung sasalunghatin niya ang mga sinasabi nito.

     “Basta, kahit anong mangyari, kahit anong kalabasan, huwag kang padadala sa init ng katawan.” Ani Heidi sabay mahinang halakhak.

      “Ha!” may pagkabiglang sabi ni Patty.  “Ano ka ba naman Heids, ano naman ang akala mo sa ‘kin?” Natatawang sabi ni Patty sa kaibigan.

     Alas siyete, malakas ang busina ng sasakyan na lalong nagpakaba kay Patty ng marinig ito.

     “Ano, Heids, ayos na ba ang hitsura ko?” nalilitong tanong nito.

     “Okay, simple pero maganda.” Ani Heids sabay thumbs-up.

     “Walang biro?”

     Umiling si Heidi. “Pero sa tingin mo ba, kailangan mo pa talagang magsuot ng napakataas na heels na ‘yan?”

     “Oo, matangkad kasi siya, ayaw ko namang magmukhang pandak sa tabi niya kaya kailangan kong magsuot ng ganito.  Pray mo na lang na hindi ako matatapilok.” Nangingiti niyang sabi.

     “Good Luck.”

     “Thank You.”

     Naunang bumaba si Heidi upang salubungin ang bagong dating dahil ninenerbiyos pa rin si Patty.  Gaya ng inaasahan hindi makapaniwala si Heidi sa nakita.  Malaki nga ang ipinagbago ng hitsura nito.  Gumwapo ito lalo na sa suot nitong Asul na longsleeves.  Pormal na pormal at ang lakas ng dating.

     “Ikaw na ba ‘yan, Aquilino?” tanong niya rito.

     “Heidi.” Anito ng makita siya at nilapitan ito upang bigyan ng halik.

     “Ang guwapo mo na ngayon.  Hindi ako makapaniwala.”

     “Well, people change.  Tulad mo, you look beautiful.”

     “Ang lagay, sa Amerika ka lang gaganda.” Ani Heidi sabay tawa.  “But wait, ‘till you see my friend.” Sabay tawag kay Patty.

     Ilang sandali pa ay bumaba na si Patty.  Ganoon na lamang ang mangha ni Aki ng makita ito pababa ng hagdan.  Hindi pa niya nakikitang ganito pala kaganda ito, tulad nga ng sinabi ni Heidi, simple ngunit elegante.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon