Chapter Nine: Knowing You (Part 1)

668 108 0
                                        

      “Hello?” si Kit matapos iangat ang telepono ng opisisna.

     “Kit, si Heidi ‘to.” Sagot sa kabilang linya.

     “Heids, ba’t ka na patawag?”

     “Hihingi sana ako sa’yo ng pabor.”

     “Ano ‘yon?”

     “Tutal, five ang uwi mo at malapit ka naman sa Slim World, pwede ba kitang utusan?”

     “Oo, Bakit?”

     “Kasi, doon sa fastfood na katabi noon, may usapan kami ni Lorie na magkikita kami.  Mukhang hindi ako makakapunta dahil Masakit talaga ang puson ko.  Kaya kung puwede, pakidaanan mo na siya at sabihan mong hindi tuloy ang lakad namin ngayon.  May balak kasi kaming mamasyal.”

     Nagulat si Kit sa pabor na hiningi ng kaibigan.  Hindi siya makapaniwala.

     “Bakit hindi mo na lang siya I-text Heids?”

     “Walang cellphone ‘yon.  Sige na please.”

     Dahil sa pamimilit ng kaibigan, nais mang tumanggi ni Kit ay napilitan na rin siyang pumayag.

     “I Love You Kit, you’re a very good friend.” Pambobola pa nito.

     Hindi alam ni Kit kung Bakit, pero na-excite siya sa pabor na hiling ng kaibigan.  Matagal na talagang gusto niyang makita si Lorie.  Talagang na miss niya ito.  Matagal na rin naman kasi silang hindi nagkikita.  At kung hindi nga lang siya nahihiya, malamang ay itinanong na niya kay Heidi ang tirahan nito upang ito’y bisitahin o kaya naman ay puntahan ito sa pinagtatrabahuhan nito na iilang kanto lang naman ang layo sa pinagtatrabahuhan niya.

     Matapos nga ang kanyang trabaho ay excited siyang pumunta sa fastfood na tagpuan nina Lorie at Heidi.  At hindi na siya nagulat ng makita niya si Lorie na naroon at naghihintay. 

     Kinabahan siya, ngunit wala siyang magagawa kung hindi ang lumapit.

     “Hi,” nakangiti niyang sabi rito.

     Nagulat si Lorie ng makita niya si Kit.  Pilit niyang minukhaan ito.

     “Hello, upo ka” nakangiti nitong sabi.  “Anong ginagawa mo rito?” dugtong na tanong nito.

     Lumapit si Kit at umupo sa tapat niya. “Pinapunta ako ni Heidi, binilin niya sa ‘kin na hindi raw siya makakarating, sumakit daw yung puson niya.” Naiilang niyang sabi sa kausap.

     “Gan’on ba?  Sayang naman.” Ani Lorie na bakas sa mukha ang panghihinayang.  “Okay lang ba sa’yo kung ikaw na lang ang sasama sa ‘kin?”

     “Okay lang,” ani Kit na hindi makapaniwalang niyayaya siya ni Lorie.

     “Thank You.”  Nakangiti nitong sabi.  “And since narito na naman tayo sa fastfood, mabuti pang kumain na tayo.”

     “Okay lang.  Sige umupo ka na lang diyan, ako na lang ang pupunta sa counter.”

     Pilit siyang inaabutan ni Lorie ng pera na pambayad ngunit tinaggihan niya ito.  

     “Treat ko na ‘to sa’yo.” Nakangiti nyang sabi at umalis  na siya upang pumunta ng counter.

     “Ang dami naman niyan? Ani Lorie ng bumalik si Kit dala ang isang punong tray na inorder.  “Mauubos mo bang lahat ‘yan.”

     “Kaya natin ‘to.” Pagbibiro niya.

     Matapos nilang kumain ay nilakad nila ang mall na kalapit lamang roon.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon