Chapter Two: Aspirations (Part 3)

1.7K 314 5
                                    

Araw na ng election.  Ngayon din ang araw ng audition ni Heidi sa commercial, kaya naman naisipan nitong sa umagang klase lang siya papasok para lang bumoto sa kaibigan.

     Sa Quezon City ang audition.  Maraming mga babaeng nag-aaudition ang naroon.  May mga hindi naman kagandahan kaya naman hindi naconcious si Heidi.

     Isang babaeng nag-aaudition din para sa commercial ang tumingin sa kanya.  Natawa ito ng tinitigan siyang mabuti. 

     Parang nabanas si Heidi sa tinurang iyon ng babae.  Feeling niya ay akala mo kung sino ang umasta.  Mas matangkad lang naman ito sa kanya, at mas makintab ang buhok.  Pero sa isip-isip niya, hindi naman commercial ng shampoo ang pinag-aauditionan niya, kundi deodorant, pangpahid sa kili-kili.

     “May problema ka Miss?” tanong niya rito.

     “Wala,” sagot nito sa kanya, at sabay inirapan siya.    

     “Tumigil ka Miss, baka dukutin ko ‘yang mata mo.” Banta niya sa babae.

     Parang natakot ito sa kanya kaya naman umalis na ‘to at iniwan siya.

     Samantala, sa akademya, isang oras na lang at isasarado na ang balota.  Nakaboto na ang buong barkada at kulang-kulang dalawampu na lamang sa mahigit isang daang PolSci ang hindi pa nakaboboto.

     Halos hindi na maipinta ang mukha ni Tina sa nerbiyos ng araw na ‘yon.  Iyon na yata ang pinakanakakatakot niyang araw, bukod noong mamatay ang lola niya.

     “Kahit anong mangyari, we’re still here.” Pagpapaalala ni Patty sa nininerbiyos na kaibigan.

     “I know.” Sagot niya rito.

     “Mabuti pa, kumain ka muna, hayaan mo na muna sina Jake at Kit ang magbantay ng balota.” Ani Elle sa kaibigan at niyaya niya ito.  “pagdating natin, nakaboto na lahat.” Dugtong pa nito.

     At hindi nga sila nagkamali, nakaboto na lahat ang PolSci student ng dumating sila, kaya naman binuksan na ang balota upang umpishan ang pagbibilang.

     “Ramon Balagtas.” Iyon ang unang botong binasa ng chairperson, at sinundan pa ito ng tatlong ulit.

     Matapos ay pangalan naman niya ang binanggit.

     “Tina Robles.” Una niyang boto.

     Matapos noon ay kay Ram na naman, at nasundan uli ito ng limang beses.

     “Umpisa pa lang iyan.’” Pagpapalakas ng loob ni Kit sa kaibigan ng tingnan niya ang malungkot nitong mukha. 

     “Oo nga, wala pa nga tayo sa 10 percent.” Dugtong naman ni Patty.

     “Huwag kang kabahan.  There can be miracles, When you Believe.” Pagpapatawang muli ni Elle.

     Ngunit kahit ano pang gawin ng kaibigan, hindi pa rin maiwasan ni Tina ang kabahan.  Pakiramdam niya ay mahuhulog siya sa kanyang kinauupuan dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.  At pang ilang beses na ba siyang umihi.  Ganoon nga siguro talaga kapag nininerbiyos ang isang tao, naiihi.

     Wala namang ibang ginawa si Heidi kung hindi sauluhin ang linya ng commercial na pinag-auauditionan niya.  Dalawang babae na lang at siya na ang susunod.  Gaya ng kaibigang si Tina, nakailang balik na rin siya sa banyo, hindi para umihi, kundio para mag-face powder dahil natatanggal ito dahil sa tagktak ng pawis na kaninan pa tumutulo sa kanyang mukha mula ng tawagin ang unang nag-auditiong apat napu’t-limang tao na ang nakakaraan.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon