Araw ng Sabado at walang gaanong magawa si Elle sa tinitirhang boarding house kaya naisipan nitong dalawin si Jerico. Suot ang turtleneck na damit at bitbit ang Chinese food na tinake-out nito sa nadaanang Chinese Restaurant, nagtungo ito sa tinitirahan ng lalaki.
“Tao po!” tawag ni Elle matapos ang ilang sunod-sunod na katok.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at bumungad sa harapan niya ang isang may katandaan nang lalaki. Sa isip-isip niya’y marahil ito ang ama ni Jerico. Ikalawang beses pa lamang niya kasi nararating ang bahay nito at noong unang punta niya rito’y walang tao kaya naman wala siyang nakitang kahit isa man lang kamag-anak nito o kasama sa bahay.
“Good evening po, nandiyan po ba si Jerico?” pakumbaba niyang tanong.
“Narito, Bakit?” mataray nitong sagot sa kanya sabay pamewang habang pumilantik paitaas ang kaliwang kamay.
Bakla. Ito ang rumehistro sa kanyang utak.
Ano ang ginagawa ng baklang ito sa bahay ni Jerico. Iyon ang tanong niya sa sarili. Kamag-anak ba niya ito.
“Kaibigan niya ako.”
“Sigurado ka?” mataray pa rin ang pananalita nito.
Tumango siya sa matanda kasabay ng pilit na ngiti.
“Papa, kaibigan mo raw?” malakas nitong sigaw na siguradong kahit na sino sa maliit na bahay na iyon ay maririnig ito.
“Andiyan na.” Sagot ng isang lalaki.
Nagulat si Elle sa sinabing iyon ng matandang lalaki. At sa lalaking sumagot sa tawag na iyon, hindi nga siya maaring magkamali, boses nga iyon ni Jerico.
“Sino ….” Ani Jerico na naputol ang pagsasalita ng makita niya sa may pintuan si Elle. “Elle..” dugtong nito na parang may nakitang nakakatakot.
Hindi nga nagkamali si Elle ng bumungad sa harapan niya si Jerico na tanging nakapalibot na tuwalya sa bewang nito ang suot.
Tinitigan ito niya ito. Nangungusap ang mga iyon. Saka siya tumalikod.
“Elle, sandali…” tawag nito sa kanya habang lumalakad siya papalayo sa lugar na iyon. “Elle!” dugtong pa nito at hinawakan ang kanyang braso.
“Ano, Jerico, mage-explain ka. Sapat na ang nakita ko at narinig.”
“Hindi mo naiintindihan, ikaw ang gusto ko.”
“Huwag mo akong gawing tanga.” Galit na sabi niya rito.
“Elle, please, let me explain.”
Ngunit parang walang narinig ito. Dire-diretso siyang naglakad. Wala ng lingon-lingon pa.
Noong mga oras na iyon, parang wala na siyang nararamdaman. Manhid na ang buo niyang katawan. Manhid na dulot ng hapding dinulot ng pag-ibig niya kay Elle.
Noong mga oras ding iyon, hindi na alam ni Elle kung saan pa pupunta. Hindi niya kasi maaaring puntahan ang barkada at sabihin kung ano ang nangyari dahil nakatityak siyang hindi maganda ang sasabihin ng mga ito. Sisishin lang siya ng mga ito kung bakit nangyari sa kanya ang bagay na iyon.
“Elle, alam naman nating lahat na walang tumatagal na same sex relationship.” Iyon ang salitang tiyak na bibitiwan ng kaibigang si Tina, madalas kasio siyang pangaralan nito tungkol dito.
BINABASA MO ANG
University Blues
RomansaAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.
