Chapter Four: Love & Hate (Part 2)

1.7K 265 0
                                    

“Okay class, ang coverage ng exam niyo ay from  Philosophys of Rosseau hanggang Utilitarianism.  As usual, no permit, no exam.” Bilin ni Mr. Makalintal sa kanyang mga estudyante.

     “Samahan mo ako mamaya sa National Bookstore.  Wala pa kasi akong book na Political Theories 2.” Si Heidi kay Patty.

     “Sama din ako, bibili rin ako ng book, wala pa rin ako.” Si Kit.

     “Okay.  Kayo Elle at Tina, sama rin kayo?” Ani Heidi.

     “Hindi ako pwede, pupunta kasi ako ng library, may assignment kasi si Jake, kailangang mag-research.  Eh, alam niyo namang wala ng time ‘yon para pumunta pa ng lib, dibdiban na kasi ang practice nila sa basketball.” Si Tina.

     “Kailangan ko namang umuwi agad, alam niyo naman, Friday ngayon.  May raket ang lola niyo sa Hilaryus.” Si Elle.

     “Kaya mo pa ba Elle?  Dalawang araw ka nang kulang sa tulog.” Nag-aalang sabi ni Kit sa kaibigan.

     “Ngayong week lang namang ‘to.  Wala na kasi si Betina, kaya dalawang set ako.  Pero kapag may bagong pasok baka balik ako sa dati.  Tsaka okay na rin ‘to, malakas ang kita ko ngayon.”

     Matapos ang kanilang klase ay nagmamadaling pumunta ng library si Tina.  Tiningnan niya sa computer kung saan section naka-rehistro ang librong hihiramin, at ng ma-detect na niya kung saan naroon ay agad niya ‘tong pinuntahan.

     Nakita na niya ang libro, huhugutin na sana niya ito ng may mas naunang kamay ang humugot dito.

     “Ano ba?  Nauna ako diyan ah!” malakas niyang sabi na ikunagulat ng lalaki na nauna sa kanyang dumapot ng libro na ng tingnan niya ay ang kaklaseng si Myles pala.

     Nakatayo ito sa kanyang harapan hawak ang libro, at tinitingnan siya na animo’y nahiya sa lakas ng boses niya na kumuha ng atensiyon sa mga taong naroon.

     “Miss, library ‘to, kung gusto mong mag-ingay doon ka sa canteen, malawak doon.” Malakas na sabi ng babaeng librarian na nakatingin sa kinaroroonan niya.

     “Sorry po.” Nahihiya niyang sabi sabay peace sign.  “Lalabas na po ‘ko.” Dugtong niya ng mapansin niyang nakatingin lahat ng tao sa library.  Nahihiya siyang lumakad papalabas.

     “Makikita niyang ugok na ‘yan.  May araw din ‘yan sa ‘kin.” Sabi ni Tina sa sarili ng makalabas siya ng library.

     Samantala, nagpunta naman ang tatlong magbabarkada sa Mall na malapit lang sa eskuwelahan nila upang pumunta sa National Bookstore.  Ngunit bago unahin ang pagbili ng libro ay naisipan munan nilang maglibot-libot.  

     “Ano ba naman, mag-iisang oras na tayong naririto sa women’s clothes, hindi pa rin kayo nagsasawa sa kakatingin.”

     “Ano ka ba naman Kit.  Gano’n talaga kaming mga babae.  Parang di mo sinasamahan kapatid mong babae sa mall.”

     “ Sinasamahan ko kaya.  Kaso nga lang iniiwan ko siya sa department store, habang ako nasa Music Store.  Pinag-uusapan na lang namin kung anong oras ko siya babalikan.” 

     “Well, masanay ka na, dahil for sure, kapag nagka-girlfriend ka, hindi lang isang oras kang maghihintay, baka limang oras kayo sa department store, hindi pa kasama do’n yung another five hours para pasukun ang lahat ng boutique.”

     Hindi na umangal si Kit.  Bumuntot na lang siya sa dalawang kaibigan.

     “Heidi!” tawag siya ng isang babae.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon