Chapter Three: Competition (Part 2)

1.6K 291 1
                                        

Dahil nalalapit na and beauty contest, napilitan si Heidi na mag-diet.  Prutas lamang ang kakainin nito tatlong araw mula ngayon bago ang nasabing pageant.  At dahil napag-alaman nga niyang nagtatrabaho sa isang gym ang dating kababatang si Lorie, naisipan niyang pasyalan ito, at mag-gym na rin.

     “Napadalaw ka?” tanong ni Lorie ng makita siya.

     “Gusto ko lang kasing makita kung saan kayo nagtatrabaho, tsaka gusto ko rin kasing mag-gym, hindi mo kasi itatanong, kasali ako sa Miss PolSci sa school naming sa Friday.”

     “Gano’n ba?  Teka, tatawagin ko lang si Kuya para naman matulungan ka.”

     Wala pang ilang minuto ay nasa harapan na niya si Dennis. Pawis na pawis ito dahil sa sobrang pagwowork-out, at halos mapaluwa ang kanyang mga mata ng makita ang malalaking muscle nito sa mga kamay, at ang dibdib na talaga namang hubog na hubog.  Kung titingnan mo ay puwede itong commercial model ng deodorant.   

     “Mabuti naman at naisipan mong dalawin kami rito.” Nakangiting sabi ni Dennis.

     Hindi na rin niya napigilan ang mapangiti.

     Ilang minuto pa ay nakita na niya angsarili na tinuturuan ng napaka-machong fitness instructor na ‘yon.  Halos parang nakukuryente siya tuwing hinahawakan nito ang mga kamay niya, at para siyang hihimatayin sa tuwing dumadampi ang malaki nitong dibdib sa kanyang likuran.

     “Hay…” nanghihina niyang sabi ng hawakan siya ni Dennis sa baywang.  Para siyang kinukuryente.

     “Ano ‘yon?” tanong nito sa kanya.

     “Wala, sabi ko, masarap pa la ang naggy-gym, paminsan-minsan.

     “Masarap talaga, kaya kung ako sa’yo uugaliin ko ng mag-gym.” Bilin nito sa kanya.

     “Talagang mapapadalas ako rito.”

     Matapos ang ilang oras ay sumuko na rin si Heidi dahil sa sobrang kapaguran.  Nangako siyang babalik siya bukas para ipagpatuloy ang nasimulang ehersisyo na sa tingin niya ay magiging ritwal na mula ngayon.

     Dahil sa sobrang kakiligan, tinawagan niya agad ang kaibigang si Patty upang ibalita ang mga nangyari.

     “Guwapo talaga!” patili niyang sabi sa telepono.

     “Ano ka ba?  Para kang bata.” Suway ni Patty sa kaibigan.

     “Sa tingin ko may gusto siya sa ‘kin.” Malanding sabi ni Heidi.

     “Baliw.  Malay mo may girlfriend na ‘yon o kaya naman ay asawa.”

     “Wala no.”  Ani Heidi, ngunit natigilan siya.  “Hindi ako sigurado.  Sana wala.”

     “’Yan ang alamin mo bago ka lumandi diyan.” Natatawang sabi ni Patty.

     “Makakaasa ka, bukas na bukas, aalamin ko.”

     Iyon na ang araw na pinakahihintay nila.  Debate na at Miss PolSci Beauty Pageant.

     “Aray!!” malakas ang sigaw na iyon ni Heidi.

     Dali-daling umakyat ang kanyang nanay para alamin kung ano ang nangyari sa kanya.

     “Ma!” sigaw niya.

     “Anong nangyari sa’yo?” hysterical na tanong ng kanyang ina.

     “Hindi ko maigalaw ang paa ko,” nakangiwi niyang sabi.  “Ang sakit ng mga muscles ko.”

     “Iyan ang kagagahan mo.  Ewan ko ba naman kasi kung bakit bigla-bigla ka namng nag gym.  Hindi naman sanay ‘yang katawan mo sa gano’n, eh numero unong tamad ka, tapos igagalaw-galaw mo iyang katawan mo ng kung ano-anong posisyon.  Tapos nagbuhat ka pa ata.”

     “Pa”no na ngayon ‘yan.  Ngayon pa naman ang pageant.  Kailangan kong sumali do’n, pinaghandaan kong mabuti ‘yon, at tsaka magju-judge si Ken Carvajal.  Pa’no ako madidiscover niyan.” Naluluha niyang sabi sa kanyang ina.

     “Hayaan mo’t hihilutin kita,” at tumayo ang kanyang ina upang kunin ang langis ng El Shaddai upang ipahid ito sa kanyang katawan at hilutin siya.  “Sa susunod kasi, huwag pabigla-bigla ng desisyon.

     Napagdesisyonan niyang hindi papasok sa pang-umagang klase upang bigyang daan ang paghihilot ng kanyang ina.  Kahit hindi niya gusto ang amoy na iyon ng langis, hindi na niya nakuha pang umangal, sa isip-isip niya, paano kung tumalab ito.

     At hindi nga siya nagkamali, tumalab nga ang hilot ng kanyang ina, ngunit may parte pa rin ng kanyang katawan na masakit kung gagalawin niya.  Pero mas mabuti na ‘to kaysa kanina, kahit papaano’y makakalakad-lakad siya ng mabuti sa stage, at ‘yon namn talaga ang importante.

     Sa eskuwelahan, ilang minuto na lang at mag-uumpisa na ang debate.  Ang topic Same Sex Marriage.    

     “Kailangang manalo tayo.” ani Tina.

     “Mananalo tayo rito.” Si Elle.  “Sa pabor tayo eh.”

     Ilang sandali pa ay tinawag na sila at isa-isa silang umakyat ng stage at nagpakilala. 

     Halos magngitngit sa galit si Anna ng makita ang mga kalaban.  Naka t-shirt at maong pants lang ang mga ito samantalang sila ay kung todo porma.  At si Elle, naka kurbata pa.

     “Mga walang pinag-aralan.” Ani Tina.

     Ngunit laking gulat niya ng makitang pati ang host ng nasabing event ay naka t-shirt lang din.

     “Walang hiya, pormal na pormal tayo mga pare.” Natatawang sabi ni Kit at tiningnan nito ang mga kasama. 

    

     Makaraan ang ilang minuto ay nagsimla na ang debate.

     “God created man to be with the woman, and vice versa.” Si Myles iyon na natatawa.

     “But gays and lesbians are also creations of God.  At hindi nila kasalanan kung magkaganoon man sila.  They still have the right to be happy.” Si Kit. 

     Palakpakan ang mga audience na naroon, na ang ibig sabihin ay sang-ayon sila sa sinabi ni Chris.

     “Okay, you get married, can you tell na magiging masaya kayo?  No, because alam niyong hindi kayo ang nararapat sa isa’t-isa..” si Cathy iyon.

     “Bakit, hindi naman lahat ng babe at lalaking nagsasama, nagiging masaya, that’s why we have divorce and annulment.” Si Tina.

     “But still, they could have a children that would connect them.” Matapang na sagot ni Myles.  “And besides, we all know, that same sex marriage is immoral, it is against the law of God.”

     “Who are we to judge morality, who are you to judge morality.  There is no such thing as immoral.” Si Tina na talagang binabara si Myles.

     “And besides, you don’t know the feelings of gay or lesbians, unless you are gay.  Bakit, bakla ka ba?” si Elle.

     Nabigla ang mga manonood sa tanong na iyon ni Elle.
     Namula si Myles.  Halos hindi ito makasagot.  “No.” sagot niya.

     “Are you sure?” pagbibiro ni Elle.

     “Of course I am sure.” Matapang si Myles.

     “Therefore you don’t know the feelings of people like us.” Si Tina.

     “This is a debate, and we are obliged to defend our side.”  Salubong na ang kilay ni Myles.

     “Where just asking?” ani Elle at natawa ito.

    Hindi naman makapaniwala si Myles na mapaglalaruan siya ng magbabarkada. Sa isip-isip niya, ‘ang mga loko-lokong iyon, pahihiyain pa yata ako.”

     Dahil sa magandang execution ng magkakaibigan sa debateng iyon, walang dudang sila ang nagwagi at pakiramdam ni Tina ay kahit papaano ay nakaganti rin siya aroganteng si Myles.

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon