Dala ang mga pinamiling gamit na gagamitin sa gaganaping Acquaintance Party ng mga Political Science Student ng Philippine Christian Academy, nagmamadaling bumababa ng hagdanan si Tina patungong auditorium. Kailangang matapos na nila ng barkada ang pag-dedecorate dito dahil mamayang alas siyete ng gabi ay gagamitin na ito dahil sa naturang okasyon.
Sa kanyang pagmamadali, hindi napansin ni Tina ang isang plastic na naroon at nakakalat sa pinakahuling baitang ng hagdan. Hindi sinasadyang matapakan niya ito kaya naman nawalan siya ng balanse na nagsanhi ng kanyang pagkadulas mula sa sampung baitang ng hagdanang iyon.
“Bug!!” iyon ang tunog ng kanyang katawang lumagapak sa makinis na sementong iyon ng paaralan.
“Aray!!” halos mapahiyaw niyang sigaw.
Sa lakas ng pagbagsak niya, halos mamilipit siya sa sakit.
Luminga-linga siya ngunit wala siyang nakita kahit na sinong tutulong sa kanya. Sa loob-loob niya ay mabuti na rin iyon, kahit papaano’y walang nakakita sa kanya. Humawak siya sa hawakan ng hagdan at pilit na itinatayo ang sarili.
“Okay ka lang Miss?” boses ng isang lalaki.
Hinanap ni Anna ang boses na iyon, laking gulat niya ng matagpuan niya ang isang may kataasang lalaki sa kanyang likuran. Nakangiti ito na para bang nakita ang nangyari sa kanya. Bigla na lang itong sumulpot galing sa kung saan. Hindi ito naka-uniporme na nagpapatunay na hindi ito mag-aaral ng eskuwelahang iyon.
“Mukha ba akong okay?” banas niyang sagot sa tanong ng lalaki.
Iniabot ng lalaki ang kanyang kamay upang kapitan ni Anna para siya ay makatayo.
“Salamat, pero sa tingin ko mas mabuti pa, pakipulot na lang iyong mga gamit ko na nagkalat, kaya ko ng tumayo.”
Sumunod naman ang lalaki, isa-isa nitong dinampot ang nagkalat na gamit ni Tina. At ng maipon na ito, tsaka inilapag sa hagdanan, at naglakad na ito papalayo na tila naasar sa inasal na iyon ni Tina.
“Tingnan mo ang ugali ng lalaking iyon, napaka-ungentleman.” Ani Tina sa sarili. “Ni hindi man lang talaga ako tinulungan sa pagtayo.” Dugtong pa niya.
Kahit na halos mapaiyak siya sa sobrang sakit ng katawan dulot ng pagkabagsak, kinaya pa rin niya ang pagtayo. Dinampot niya ang mga tinipong gamit ng lalaki at ika-ikang naglakad patungo ng Auditorium.
Nasa Auditorium na ang tatlong barkada ni Tina ng dumating siya roon. Busy ang mga ito sa pagdedecorate.
“Anong nangyari sa’yo?” tanong ng kaibigang si Patty ng makitang iika-ika ang kaibigan.
“Nahulog ako sa hagdan.” Pagtatapat ni Tina.
Halos himatayin sa kakatawa ang mga kaibigan ni Tina lalo na si Heidi ng marinig ang pagtatapat ni Anna.
“Heidi!” pansin ni Patty na natatwa rin.
“Kasi naman, bakit ka naman nahulog sa hagdan?” natatawa pa ring tanong ni Heidi.
“Nadulas po kasi ako,” nainsultong sagot ni Tina.
“May nakakita?” tanong ni Kit.
“Meron, pero isa lang.”
Lalong napahagalpak ng tawa si Heidi.
“Hindi ka ba titigil Heidi? Nasktan na nga ang tao, tawa ka pa ng tawa diyan.” Galit na si Tina. Salubong na ang mga kilay nito.
“Ito naman kasi si Heidi, tawa pa ng tawa.” Pansin muli ni Patty na sumiseryoso na.
“Okay, sorry, hindi ko kasi ma-imagine kung ano ang hitsura mo ng malaglag ka.” Ani Heidi at pinigil na nito ang pagtawa.
“Sige umupo ka muna diyan, pero galaw-galaw ka baka ma stroke. Kami ng bahala dito. Kaya na mnaming tapusin ito. Tutal konti na lang naman, tapos na ‘to.” Ani Kit, at inalalayan niya ito sa isa sa mga upuan sa Auditorium.
“Teka, nasaan si Elle?” tanong ni Tina ng mapansing wala ang baklang kaibigan.
“Hindi pa dumarating, pero nag-text na sa akin, nasa jeep na raw siya papunta rito.” Ani Kit.
“Baklang ‘yon, parati na lang pa-importante.” Ani Tina.
“Prepared ka na ba mamaya Heidi sa special number mo.?” Tanong ni Kit.
“Oo naman, ilang araw kaya akong nag-practice. Basta mamaya, masusurprise kayo.” Nagmamalaking sabi ni Heidi.
BINABASA MO ANG
University Blues
RomansaAnim na Kabataan. Isang Paaralan. Pagkakaibigan. Pakikipagsapalaran. UNIVERSITY BLUES.
