Chapter Eight: Admiration (Part 2)

913 157 0
                                    

Noong hapong iyon ay ipinatawag si Tina at Kit ni Mrs. Charito upang kausapin tungkol sa kanilang pagsali sa Quiz Bee. Nagulat si Tina at Kit ng makitang nasa loob rin ng Office ni Mrs. Charito si Myles.

"Ano po ang ginagawa niya rito?" tanong ni Tina ng makaupo na ang dalawa.

"Siya ang magiging alternate ng isa sa inyo sakaling may mangyaring hindi maganda sa araw ng Quiz Bee."

Napasimangot si Tina ng marinig ang sinabi ng guro. "Pwede po ba yung new student?" tanong niya sa guro.

"Well pumayag naman yung organizer kaya pwede." Sagot nito.

Hindi na kumibo si Tina sa sinabing 'yon ni Mrs. Charito.

"Alam niyo naman siguro kung ano ang nangyari sa atin noong nakaraang taon. Muntik na tayong mag-third place. Kaunting points na lang at talaga namang nasa mga kamay na natin yung award."ani Mrs. Charito.

Tumango ang dalawa.

"So, I am expecting na malalampasan ninyo iyong nagawa noong representatives natin noong nakaraang taon."

Tumango uli ang dalawa.

"Good. At kapag nagawa ninyo 'yan. Sure nang may special award kayo sa graduation, at hindi lang 'yon. Bibigyan namin kayo each, ng three thousand kung maging third place kayo, five thousand each naman kung second place at ten thousand kung first place."

Tumango muli ang dalawa sabay ngiti sa isa't-isa.

"Paano po si Myles? Mayroon din po ba siyang makukuha." concern na tanong ni Kit.

"Meron naman, two thousand, dahil tutulungan naman niya kayo sa pag-aaral. Kaya naman naisipan ko, upang mangyari nga ang mataas na expectation namin sa inyo, bibigyan namin kayo ng tatlong araw na vacation. Means to say hindi kayo papasok ng tatlong araw, at ang gagawin lamang ninyo ay magbasa ng magbasa para maraming pumasok sa inyong mga utak, naiintindihan ba ninyo."

Pumalakpak ang tenga ng dalawa sa narinig.

"Maganda po ang naisip ninyo, ma'am." Sang-ayon ni Tina.

"Alam kung magugustuhan ninyo 'yan. Buweno, gusto kong makita ko kayong pinaghahandaan ang Quiz Bee na 'to kaya naman beginning tomorrow, sa vacant ninyo gusto kong pumunta kayo rito sa office at mag brain-storming kayo. And I will check your attendance. Naiintindihan ba ninyo." Ani Mrs. Charito.

"Yes ma'am." Sabay-sabay na sabi ng talo.

"Buweno, makakaalis na kayo."

Matapos nga ang kanilang pag-uusap ay nagpaalam na ang tatlo kay Mrs. Charito.

"Pa'no ba 'yan, parati na tayong magkikita." Pang-aasar ni Myles kay Tina ng nasa labas na sila ng office ni Mrs. Charito sabay talikod at lumakad ito papalayo sa kanilang dalawa.

"Bakit ba naman kasi ang ugok na 'yan ang nakuha? Ang dami-dami namang puwede." Naiinis na bulong ni Tina kay Kit.

"Ano ka ba? Bakit ka ba naiiinis kay Myles, eh wala namang ginagawang masama sa'yo yung tao." Si Kit.

"Oy, Kit, ikaw, pinagtatanggol mo siya. Iba na 'yan. May ibig sabihin na 'yan." Pang-aasar ni Tina sa kaibigan.

"Ulul," ani Kit sabay batok sa kaibigan. "Kung ano-ano na naman ang iniisip mo diyan, masaya lang ako na siya ang napili ng school dahil alam ko namang tulad natin, malaking tulong rin yung perang makukuha niya saka-sakaling palarin tayo sa Quiz Bee." Ani Kit.

"Sabagay."

"Kaya ikaw, kung buwisit ka man, isang tabi mo muna 'yan. Ang kailangan natin, magtulungan upang maabot natin ang mataas na expectation ng school."

University BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon