Chapter 8: Field Trip

2.1K 111 2
                                    

Yoona's POV

"Taeyeon unnie!" Sigaw ko. Good thing dumiretso kami ni Sehun dito sa classroom kung hindi, hindi namin makikita sila Taeyeon at Baekhyun. Naalimpungatan naman sila ni Baekhyun dahil sa sigaw ko. "Y-Yoona? Anong ginagawa nyo dito?" Takang tanong ni Taeng unnie.

"Kanina pa namin kayo hinahanap eh" Hinawakan ko na si Taeng unnie habang si Sehun naman inalalayan si Baekhyun. "Unnie oh" Sabi ko saka ko inabot sa kanya yung isa pang jacket na dala ko. Ngumiti naman sya sa akin.

Pagdating namin sa baba ay nandun na silang lahat except kay... Nasan si Jessica Unnie at Kris oppa?

"TAENGOO!!" Oa na sigaw ni Tiffany unnie saka niyakap si Taeyeon unnie. "Aba Tiffany, makayakap? Ilang taon ba tayong hindi nagkita?" Rinig ko pang sabi ni Taeyeon unnie.

"Teka, san si Sica?" -Taeyeon unnie. "Ewan ko ba sa babaeng yun but don't worry kasama naman nya si Kris." Sabi ni Sooyoung. "Nga pala boys, salamat. Kung hindi kayo tumawag edi hindi namin makikita si unnie" sabi ni Sunny

"Oh! Ayan na pala sila Jessica!" Rinig kong sabi ni Tao. Napalingon naman kami sa kanila. Dali daling lumapit sakin si Jessica unnie at nagcling sa braso ko

Nag-paalam naman na kami sa boys. "Girls, thank you ah?" Sabi sa amin ni Taeyeon unnie

"No problem, unnie! Nga pala, ano yung scene na dinatnan namin ni Sehun kanina?" Nakangising sabi ko "Eh? Ano yun Yoona?" Usisa ng mga girls.

Kasi nga diba nadatnan namin ni Sehun na magkayakap sila ni Baekhyun. Ano bayan! Kinikilig akoo! Bagay sila Taeng unnie at Baekhyun, promise! Napatakip nalang sya ng mukha dahil ayaw nyang makita namin sya na namumula. Tumakbo nalang sya paakyat ng kwarto

* * * *

Taeyeon's POV

Naalimpungatan naman ang mahimbing kong tulog ng nakarinig ako ng ingay sa baba. Ano bayan! It's freaking 4:30 in the morning. Ang mga girls talaga!

Bumaba naman ako at nakita ko silang nagkakagulo. Si Sunny naghahagilap kung nasan daw ang phone nya. Si Sooyoung kinuha na lahat ang mga junk food sa may cabinet. Si Tiffany hinahagilap kung nasaan daw ba ang makeup kit nya.

Si Hyoyeon inaayos yung maleta nya. "YAH! Ano bang kaguluhan toh?!" Sigaw ko sa kanila. Napatigil naman silang lahat sa ginagawa nila.

"Eh unnie, diba field trip natin ngayon? Nakalimutan namin kaya ayan, ngayon palang kami magreready" Nakangusong sabi ni Seohyun. Nanlaki naman yung mata ko. Whuut?! Field trip ngayon?! Hindi ako ready!

Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at kinuha ang maleta ko. Taeness! Bakit nga ba hindi ako marunong tumingin sa kalendaryo?! Kumuha ako ng mga damit since 1 week kami sa cebu. Oh yes! Sa Cebu ang fieldtrip namin.

Kinuha ko yung makeup kit ko at inilagay sa bag ko. Kinuha ko rin yung ipad at cellphone ko.

Hinatak ko yung towel ko at nagpunta na sa loob ng cr.

* * * * *

Sunny's POV

"Gahhd! Ang tagal naman nyaa!" Reklamo ni Jessica. Ang tagal kasi ni Taeyeon eh. "Wait tatawagin ko na sya" sabi ko. Tumango nalang sila kaya pumunta na ako sa kwarto ni Taeyeon.

"Taeng!" Sigaw ko sa kanya. "Wae?!" Sigaw rin nya mula sa loob ng kwarto.

"Bilisan mo nga dyan! Nandyan na yung bus baka gusto mong maiwan dito?!" Pagsigaw ko pa sa kanya. Dali dali naman syang lumabas ng kwarto nya at hinatak na ako pababa. Ngayon nagmamadali sya? -.- Jusko it's too late, nakakahiya para kaming paVIP, pinaghintay pa namin yung tour bus sa labas para lang sa kanya, kahiya hiya, ano nalang sasabihin nung mga students?!

Pagkapasok namin dun, puno na at ang mga tanging available seats ay sa tabi nung mga exo members, teka, can i assume that they plan this? Hindi eh, halata ko eh, pinlano nila toh. "Can somebody tell me, did they fucking plan this thing?" bulong ni Tiffany, hehe ^^

"Affected much? Ayaw katabi si Luhan?" bulong ko sa kanya. Tinignan naman nya ako ng masama, state the obvious, darlin'

"Ugh, alam kong maganda ako pero hindi dapat dinidisplay ang kagandahan ko at dapat hindi nangangalay ang dyosa" Proud na sabi ni Jessica saka umupo sa tabi ni Kris. Ang hangin talaga ng bruhang kaibigan ko na toh -.- Dinaig pa nya talaga si Yolanda, nakakahiya naman diba?

"This is not the right time to be so choosy, tara na Yul, dun ka nalang sa tabi ni Kai, tatabi ako ako kay Sehun para nasa harapan kita" rinig kong sabi ni Yoona kay Yuri saka pumunta sa seats nila.

Napailing nalang si Taeyeon saka umupo katabi ni Baekhyun, si Seohyun naman sa tabi ni Chanyeol, Si Hyoyeon sa tabi ni Lay, si Sooyoung sa tabi ni Tao, Ako umupo sa tabi ni Xuimin. Tinignan ko naman si Tiffany na naka tanga parin.

"Hoy, wala kang balak umupo?" Tanong ko sa kanya since nasa harapan ko sya. "Wala ng available seats, ano toh?! Tatayo ako dito hanggang sa makarating tayo sa airport? Dalawang oras akong nakatayo?!" inis na sabi nya.

Napafacepalm ako. "Overacting, dito ka nalang sa tabi ni Lu-ge" singit ni Xuimin sa usapan namin. Napasimangot naman si Tiffany. "No way, mister!" Reklamo pa nya. "Tiffany, hindi mo naman siguro ipapahalata sa kanya na affected ka pa rin sa kanya diba? At dahil ganyan ka magreact, uungkatin ko ang past nyo mamaya. Sige na umupo ka na dun.Wag choosy!"

Wala naman na syang choice. Padabog syang naglakad at tumabi kay Luhan.

~~~~~~~~~

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon