Chapter 12: Taeny's Talk

2K 98 6
                                    

Tiffany's POV

Matapos naming maglaro ng spin the bottle ay napagdesisyunan naming mga girls na magstay muna sa cottage nung EXO. May kanya kanya kaming mundo dito. Si Chen ayun nakatunganga. Si Sunny at Xuimin syempre naglalambingan na pati narin sila Tao at Sooyoung.

Tss, nakakainggit sila! Pero ok lang, nasa ligawan stage naman na kami ni Luhan. Alam ko, nagtataka kayo kung bakit biglang naging ok na kami ni Luhan samantalang nilalayuan ko sya kasi nga diba... he's my ex.

Nagulat naman ako ng tumabi sakin si Taeyeon. "Your so unfair, Tiff. Share naman dyan. Anyare sa inyo ni Luhan, bakit bigla kayong nag kaayos?" bulong nya sa akin.

"You really want to know huh?"

***FlashBack***

(Inside the bus)

Wala na akong nagawa kung hindi tumabi kay Luhan kasi nga wala ng available seats. "You really hate me don't you" sabi nya sakin matapos kong umupo sa tabi nya.

"Buti alam mo" Mahina kong sabi sa kanya. Isinaksak ko na yung earphones ko pero hindi ako nagpatugtog. Wala lang, ayoko lang makipag usap sa kanya. As if namang may mapapala ako diba? Everything about us is in the past now at wala na akong magagawa para ibalik yung relasyon namin dati... kahit mahal ko parin sya.

"I just want to clear everything between us even if you don't listen, I just want you to know that, i still love you. Nakipagbreak ako sayo noon because of Chorong, right? Alam mo naman na magbestfriends kami ni Chorong, diba? Nung araw na nakipag hiwalay ako sayo.... nalaman ko na may cancer siya and she's dying. Ang sabi nya sakin, makipag hiwalay ako sayo at makipagrelasyon muna sa kanya for a week"

Sandali syang tumigil sa pagsasalita. Ganun pala. Kaya pala naging sensitive sya kapag si Chorong na ang pinag uusapan.

"I know, i am so stupid for letting you go dahil lang sa kanya pero Tiffany, mahal ko rin si Chorong. She's my bestfriend kaya kahit alam kong masakit at mali ginawa ko yun. I want to tell you na yun yung huling wish nya sakin pero hindi mo ako hinayaang mag explain. Minahal kita and until now... im still in love with you. Im still the same fool who loves you so much. Pero i guess wala na talaga tayong chance"

Ang sakit. Alam ko, nararamdaman ko na malapit na syang umiyak pero pinipigilan lang nya.

"Good Bye, Tiffany...."

Hindi ko na napigilan yung mga luha ko. Ang galing nga eh. Parang nagslow motion pa nga sila kasi ang bagal nilang tumulo. Nakakainis! Nakakainis kasi si Chorong yung pinili nya pero at the same time nawala yung galit ko kasi naramdaman ko naman, naramdaman ko na nagsisisi sya.

"Ganyan ka naman eh, matapos mong sabihin na mahal mo ako, iiwan mo ako. Ganyan rin yung sinabi mo sa akin nung araw na yun, ang sabi mo sakin, mahal mo ako pero iniwan mo parin ako tapos ngayon magpapaalam ka sakin matapos mong sabihin na mahal mo parin ako?" Nagulat naman sya dahil sumagot ako.

Tinanggal ko yung ear phones na nakalagay sa tenga ko. Akala ba talaga nya nagpapatugtog ako ng music? Uto uto talaga.

"Tiffany... im so sorry for being a fool"

"Wag ka ngang magsorry. I don't freaking care if you are a fool kasi Luhan, mahal parin kita. Im still the same Pink Princess who fell in love with you. Luhan, im so sorry kung hindi ako nakinig sayo." umiiyak na sabi ko sa kanya.

Napangiti naman sya at niyakap ako. "So i guess, my Pink Princess is back?"

"Ungas! Ligawan mo ako!"

***End of FlashBack***

"Ganun yung nangyari" Pagkukwento ko kay Taeyeon na halatang kinikilig dahil sa kwento ko.

"Omo~ Kinikilig ako! So ano? Balik lovelife ka na ba ulit?" Tanong nya sakin at tumango naman ako. "Eh ikaw? Kelan ka lalove-life, bes?" Tanong ko rin sa kanya. Sandali syang napatahimik pero tumawa rin sya ng mahina.

"Wag ka, may love life ako. Nandyan naman si Baekhyun eh. Hahaha!" Sabi nya pero agad syang napatakip ng bibig nya ng marealize nya kung ano yung sinabi nya.

"Wala akong sinabi ha? Wala talaga!" Dagdag pa nya.

"Ikaw ha! Wala ng bawian! Manigas ka dyan. So ano nga ang meron sa inyo ni Baekhyun?" Napapout naman sya sa sinabi ko.

"Anong meron sa amin? WALA!" Napasigaw sya dahilan para magsitinginan samin yung mga members na parang nagtataka, syempre bigla bigla nalang kasing sumisigaw tong si Taengoo eh, lakas talaga ng topak nitong babaeng toh pero syempre, love ko yan! Yiee~

"Pero Taengoo, malakas ang feels ko sa inyo eh. Nasesense ko na may gusto rin sya sayo! Owemgee! Sabay tayong magkakalovelife, bes! Tapos sabay din tayong ikakasal! Yiee~" Pumapalakpak ko pang sabi.

"Gaga! Ang advance mo naman, kasal agad? Excited much? Saka wag ka munang mag assume na may gusto nga din sakin yung si Baek, mahirap mag assume." bulong nya sa kin

"Hindi ako nag aassume, bes! Manhid ka lang! Nagpaparinig na nga sayo si Baek, nagpaparamdam na sayo na gusto ka rin nya ikaw lang tong manhid!" Pagdadahilan ko naman sa kanya. Kailangan na din kasing magkalovelife nitong bestie ko noh? At syempre kay Baek ako boboto!

"Pero Tiffany, malay mo naman ganun din sya sa mga ibang girls. Saka kasi, bes, si Baekhyun yung playful type, malay mo naman nagjojoke lang sya sa mga kalandiang sinasabi nya sakin" Napairap naman ako sa sinabi nya.

"Ay jusko! Jokes are half meant! Alam mo, bes, ayaw kong maging hard pero... ang tanga mo kasi eh! Tanga na manhid pa, san ka pa? Sayo na bes! Pero gusto mo ba talaga sya?" Sabi ko sa kanya.

Tumango naman sya. "Gusto ko sya. Gustong gusto"

"Wag kang mag alala, bes! Akong bahala sayo, malalaman rin natin kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Baekhyun para sayo! At kung joke lang lahat ang sinasabi nya, aba ibabaon ko sya kasama yung mga jokes nya! Paasa eh! Kaya cheer up na!" pacute kong sabi sa kanya.

"Talaga? Tutulungan mo akoo? Yiee~ Tenchuu Fany! I love you talaga!"

"Hehehe! Love you too, Taengoo! Taeny Fighting!"

~~~~~~~~~~~~

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon